CHAPTER 34: TRAUMATIZED

Začať od začiatku
                                    

"Huwag kang lalapit!" sigaw ng babae saka matalim na tinitigan ang prinsipe. Nagulat ang prinsipe sa inasta ng asawa niya.

"Love?"

"Huwag mo akong matawag-tawag na ganiyan! Halimaw ka!"

"Love, it's me. Your husband." Maglalakad na sana ito palapit sa pwesto niya dala ang isang food tray nang pigilan niya ito.

"Hindi kita asawa! Impostor ka!" sobrang nasaktan ang prinsipe sa narinig.

Hindi malaman ng prinsipe kung ano ang gagawin ngunit nagpatuloy siyang muli sa paglalakad. Mabilis na lumayo si Tamara na nagpatigil sa ginagawang paglapit ni Devour. Magkahalong emosyon ang naramdaman ng prinsipe. Galit sa kaniyang ina, at lungkot at pagkaawa sa asawa niya. Nag-init ang kaniyang mga mata at ilong kaya't napatingala siya at pinigilan ang pagtulo ng mga luha. Pinatatag niya ang sarili at binuo ang kaniyang boses.

"What did they do to you?" papaiyak na tanong ng prinsipe nang hindi tumitingin kay Tamara.

"You killed me! I trusted you!"

"Believe me love, I will not do that to you."

"True or not, in my eyes... you're still a monster!" Natulala si Devour sa sinabing iyon ni Tamara. Hindi niya akalain na halimaw pa rin ang tingin sa kaniya ng asawa niya. Tiim-baga siyang lumabas ng kwarto at nagpunta sa kaniyang opisina.

Napahilamos siya ng mukha at sinabunutan ang sariling buhok. Galit siya. Galit na galit siya sa sarili niya. Hindi niya nagawang iligtas ang asawa niya sa kamay ng kaniyang ina. Sa galit ay nasuntok niya ang dingding na siyang ikinabitak ng nito. Sa lakas ng impact, nagbagsakan ang mga maliliit na debris sa sahig. Sumigaw siya ng malakas, nagwala at marahas na itinapon ang kung ano mang makikitang bagay sa sahig. Sinira niya rin ang lamesa at mga upuan sa kaniyang opisina.

Tumatangis na sinabunutan niya ang sarili at bayolenteng umalis ng silid na iyon. Maigting ang mga pangang dumako siya sa kinaroroonan ng liquor basement ng mansiyon at doon nagpakalasing. Pinili niya ang mga nakakalasing na alak at doon ay mag-isa niyang ininom ang tatlong bote nito. Uminom pa siya ng uminom hanggang sa nakawalong bote na siya ng alak. Lasing na lasing na siya. At sa sobrang kalasingan ay nakatulog na ito sa mahabang sofa na naroroon.

Sa kabilang banda, hindi makatulog si Tamara. Umilaw kasi ang marka niya. Ibig sabihin nun ay nasa panganib si Devour. Ngunit umilaw man ito o hindi, hindi pa rin siya matutulog. Natatakot siya na baka bangungutin siyang muli at kitilin ulit ni Devour ang buhay niya. Natatakot siya sa maaaring mangyari oras na makatulog siya ulit, kaya naman ay nagtungo siya ng banyo.

Nagpatulo siya ng tubig sa bath tub at doon nagbabad. Doon ay nakaramdam siya ng kapanatagan at katahimikan. Ilang beses siyang napahikab ngunit nilabanan niya ang antok. Umahon na siya sa tubig at nagpalit. Nagsuot siya ng isang kulay crema na medieval night gown at isang itim at mahabang cardigan. Nagsuot rin siya ng isang kulay-kape, makapal at mahabang balabal na abot hanggang sahig.

Dala ang inilawang lampara at ang bubog na hawak kanina ay naisipan ni Tamara na lumabas ng kwarto. Ayaw niyang magtagal pa sa kwarto na iyon. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglalakad sa pasilyo ng mansiyon. Narating niya ang kaniyang dating kwarto ngunit hindi niya ginawang pumasok dito. Nang marinig ang mga kaluskos malapit sa kaniya ay napatakbo siya.

Sa kaniyang pagtakbo ay naligaw siya. Hindi na niya alam kung nasaan siya. May nakita siyang isang silid na nakaawang ang pinto. Nagdalawang-isip pa siyang buksan ang pinto na kinalaunan, dahil na rin sa kuryusidad ay binuksan niya rin ito. Tumambad sa kaniya ang kwartong pinaliliwanag lamang ng sinag ng buwan. Sumalubong rin sa kaniya ang tulog na prinsipe na nakahiga sa mahabang sofa. May hawak itong bote ng alak.

Kagyat niyang naisarado ang pinto. Bumalik ang mga alaala niya... ang mga bangungot niya. Maalala lamang niya ang bagay na iyon ay napapaiyak siya. Napapaiyak siya sa kaniyang sinapit. Lilisanin na sana niya ang lugar na iyon ngunit narinig niya ang kaniyang pangalan. Tinatawag siya ng asawa niya. Ipinilig niya ang ulo at inisip na nagha-hallucinate lamang siya. Akmang aalis nang marinig na naman ang pangalan niya.

"Tamara..... Tamara...." the voice called in a weak tone. Tamara fought the urge to open the door again but her heart and the mate bond dominated her system. Huminga siya ng malalim. Lakas-loob niyang ipinihit ang segura ng pinto hanggang sa mabuksan na niya ito.

Kinalma niya ang sarili bago pumasok ng silid. Tinungo muna niya ang kinaroroonan nito at sinuri bago niya tinungo ang sariling banyo ng silid na iyon. Inalis niya muna ang balabal at itinaas ang manggas ng kaniyang suot na cardigan. Kinuha niya ang towel na nakasampay sa alambre at nilabhan ito bago gamitin. Kinuha niya rin ang isang maliit na planggana na nakataob sa may gilid ng banyo. Nilinis muna niya ito bago gamitin. Nagpatulo siya ng tubig sa planggana at inilagay ang nilabhang towel dito.

Pinuntahan niya ang kinaroroonan ng lasing na lasing na asawa. Tinanggal niya sa pagkakahawak nito ang bote ng alak. Inayos niya ang pagkakahiga ng asawa bago niya pinahidan ang mukha nito ng basang tuwalya.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now