CHAPTER 28: MANIPULATION

Bắt đầu từ đầu
                                    

"He is what he is."

She laughed with mockery. "If I were you, ngayon pa lang, hahanap na ako ng paraan para makaalis dito. You want to be with your family, right?" I don't like where this conversation is heading. I do miss my family a lot, but I'm also married to Devour. I need to set my priorities right bago pa mangyari na mawala sa'kin silang pareho. "I'll help you iha."

"Thank you for that offer but I don't need it Mama."

"What is wrong with you?! Tinutulungan na nga kitang makaalis, tinatanggihan mo pa? Ano bang nakita mo sa lalaki na 'yan na mas pinipili mo siyang makasama kesa sa pamilya mo sa kabila? Ha? Katawan niya ba?!"

"Mahal ko po ang anak niyo!"

"Mahal? Eh ang pamilya mo sa kabila hindi mo mahal!"

Ok! That's it! "Eh bakit ikaw? Mahal mo ba ang panganay mo o si Night at Suffer lang talaga ang mahal mo?" Natameme siya sa sinabi ko. "Baka naman kasi hindi niyo anak ang asawa ko. Anak siya ni King Revas sa ibang babae."

Right after I said that, bigla niya akong inambahan ng sampal. Ngunit hindi niya ako nagawang sampalin dahil bago pa mangyari 'yon ay may sumulpot na shield wall sa pagitan naming dalawa. Biglang tumalsik ang reyna ng lumapat ang kamay nito sa shield wall.

"What the hell?!" she exclaimed with rage. Kahit ako nabigla sa nangyari. Wala namang shield wall ang pumoprotekta sa'kin dati ah.

I looked at the woman and kept my guard up. "I hope you learn your lesson, your majesty."

"Don't you dare disrespect me! I'm a queen!"

"You're in my territory, your majesty. Wala ka sa kaharian mo, nasa puder kita at ng asawa ko kaya matuto kang ilugar ang ugali mo!"

"I'm still your mother-in-law, you leech!"

"Step mother-in-law." mataray kong pagtatama sa sinabi niya saka marahas na binitawan ang braso nito.

"Mali ka ng binabangga iha." I raised a brow. "Hindi ako ang kalaban mo dito kundi 'yang asawa mo." Pabiro akong natawa.

"I won't fall for your lies."

"Believe what you want to believe but come to think of it. Kung talagang mahal ka niya, siya pa mismo ang tutulong sa'yo na makaalis dito at siya pa mismo ang maghahatid sa'yo sa mortal world."

"He already helped me." giit ko.

"What help? Yung pagpunta niyo sa templo ng bathalumang si Damus?" pagak siyang natawa. "Kaya niyang mag-teleport hanggang sa bukana ng templo pero hindi niya ginawa. Mas pinili niya pa ang maglakbay ng ilang araw para makarating sa templo ni Damus. At alam mo kung bakit?" Tinitigan ko lang siya ng masama. "Para mawalan ka na ng interes makita ang bathaluman. And in that way, mawawalan ka na ng gana na makita ang pamilya mo at mapapasakaniya ka na." She paused then continued again. "And looks like he already succeeded."

"He promised to help me reunite with my family again."

"A promise that will never happen." bwelta niya. "And look at you, two weeks ka ng kasal sa kaniya, may nagbago ba? Tinulungan ka ba niyang makauwi?"

"He's trying."

"Promises are meant to be broken as you always say, iha." No. It only applies to those who can't do what they promised. "And why seek help to the deities if he himself can help you back to the mortal world?" Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang siya. "He has a portal iha. He has one." Bakit hindi ko naisip 'yon? "The three main kingdom in this realm has a portal... the Dreamas has a portal and so are we." She stared directly into my eyes. "Find it Tamara. Look for it. It's your chance to escape... it's your only hope." Unti-unti siyang naglaho sa paningin ko gamit ang teleportation ability niya.

My mind was flooded with thoughts about the portal. Devour has one. Pero nasaan? I went to our room to find the portal. Inisa-isa ko ang mga cabinet ngunit wala akong nakita. Pinuntahan ko rin ang kwarto kung saan nagpakita sa'kin ang mga kapatid ko at hinanap ang portal ngunit wala ito. Maging sa iba pang mga kwarto ay naghanap rin ako pero wala talaga. I thought of his office kung meron man since ang opisina naman ay isang pribado na kwarto. Doon din inilalagay ang mga mahahalagang gamit. Inisa-isa ko ang mga kwarto na hindi pa napupuntahan hanggang sa may nakaagaw sa aking atensiyon.

Hindi naman naiiba ang pinto nito sa ibang mga kwarto but there is something that pulled me to enter that room. Out of curiosity ay pinuntahan ko ang kwarto na iyon at mabuti na lamang at hindi naka-lock ang pinto. Itinapat ko ang dala kong lampara at tumambad sa akin ang mala-opisina na kwarto.

Pagpasok sa loob ay sumalubong sa'kin ang mini living room then sa dulo ang isang office desk na may dalawang swivel chair sa both sides ng desk. Sa dulo ng desk ay isang itim na aparador na puno ng mga libro at figurines. Sa tabi ng kwarto ay ang ilan pang mga aparador na mga libro lang din Ang nakalagay. Hinawi ko ang makapal na kurtina para makapasok ang liwanang mula sa labas.

At gamit ang lampara ko at ang liwanag mula sa labas ay mabilis kong hinanap sa mga aparador ang portal. Kinalkal ko rin ang mga cabinet at gamit ng asawa ko hanggang sa may isang sulong ng cabinet ang hindi ko mabuksan. Malakas ko itong hinatak pabukas ngunit wala talaga. Sinuri ko ang lock nito. Maliit lang ang lock nito. I looked for keys ngunit nang walang mahanap ay hairpin ko na lang ang ginamit ko hanggang sa makita ko ang isang itim at katamtaman lang ang laki na box. Binuksan ko ito at nakita ko ang bagay na matagal ko ng inaasam na makita at makuha... ang portal.

"Tamara."

Deep SlumberNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ