CHAPTER 21: TWO WORLDS

Start from the beginning
                                    

"Same as you."

"Thank you for taking care of me in this realm." sabay baling ng tingin sa kaniya. "Devour." Umiwas lang siya ng tingin sa'kin. "It took me a lot of days to know your name and to see your face... I'm sorry if this will be the end of us." Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Sorry din pala sa pagiging maldita ko. Haha!" saka awkward na tumawa. "Sakit lang ng ulo ang idinulot ko sa'yo. Pfft!" Hindi ko maiwasang hindi pumiyok habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko, pinigilan ko lang.

Just when I'm about to say something again, unti-unting lumamlam ang liwanag sa paligid. Marahang lumapit ang buwan sa araw hanggang sa mag-eclipse na. Napapikit ako. Kung sa tamang mundo lang sana tayo nagkakilala Devour... baka pa. Baka sakaling masuklian ko rin ang pagmamahal mo. Kung meron man. Haha! Ayokong mangapa, Devour. Ayokong mag-assume na may feelings ka rin sa'kin. Pero kung meron man, I want to reciprocate your feelings towards me. I'm willing to sacrifice anything just to be with you... kahit pa ang kapalit ay ang makita at makasama ang family ko sa kabilang mundo.

Napadilat ako ng mata ng biglang bumigat ang aura ng paligid. Biglang humangin ng malakas ngunit mabuti na lamang at hindi namatay ang mga ilaw sa mga poste. Dahan-dahang tumawid ang bathaluman sa kisame at bumaba sa trono niya. Tumingin siya sa'min, napayuko ako bigla.

"Anong kailangan niyo sa akin, aking mga nilalang?" tanong ng isang tinig.

"Narito po kami para sirain ang bond sa pagitan naming dalawa, mahal naming bathaluman." magalang na wika ni Devour.

"At ano ang dahilan ng iyong kahilingan, prinsipe?"

"Dahil isa siyang mortal, bathaluman." Devour coldly replied. "Kailangan na niyang lisanin ang mundong ito at bumalik sa tunay niyang mundo... kung saan siya nababagay." Sa mga salitang iyon at tono ni Devour, mas lalong nasasaktan ang puso ko. Did he really mean it? Or he's just controlling his feelings towards me?

Tinitigan ako ng bathaluman. Sinuri niya ang mukha ko. Habang ginagawa iyon, kumukunot ang noo niya. Bakit kaya? "Ayos lang po kayo?"

"Kamukhang-kamukha mo siya."

"Sino po?" Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya ng tipid sa akin. "Matutulungan niyo po ba kami?" tanong ko ulit.

"Ito ang mundo mo iha. Nandito ang kapalaran mo." Po?

"Hindi po." mabilis na depensa ko. "Gaya nga po ng sabi ng isa diyan, hindi ako nabibilang dito sa mundo niyo. May mundo akong kailangang balikan." sabay diin sa last sentence. "Mundo kung saan ako nababagay... at mundo kung saan naroroon ang aking mga kauri." pasiring, patama at pagpaparinig ko sa aking katabi.

"Si Affedyce ang kailangan niyo at hindi ako."

"Pero kayo po ang diyos ng mga panaginip, hindi po ba?"

"Tama ka iha. Diyos ako ng panaginip... pero hindi ng puso." Ha? Naguguluhan ako. Hindi raw ng puso? Eh kung gayon, si Affedyce ang mastermind sa mate bond?

"So, hindi po kayo ang mastermind sa pagiging mate namin ng lalaking 'to?" itinuro ko si Devour ng hindi tumitingin sa kaniya. Pataasan kami ng pride ngayon.

"Ako ang dahilan kung bakit ko kayo pinagbuklod na dalawa."

"Hindi ko po kayo maintindihan." sabay kamot ko sa ulo. "Paki-explain nga po ng maayos." Natawa ng malakas ang bathala na tumagal ng isang minuto. Matapos iyon ay natatawa siyang tumingin sa akin.

"Gusto ko ang ugali mo iha, palaban ngunit mapagbiro." Aba't ginawa pa akong komedyante!

"Ano nga ho ang dahilan?" Hindi ko mapigilan ang inip sa tono ko.

"Malalaman mo rin iyon kapag nagtagal ka pa dito sa ating mundo." Ating mundo? You mean kabilang ako dito? Eh sa mortal world naman ako kabilang ah! "Sa ngayon ay hindi ko kayo mapagbibigyan sa hiling niyo." May part sa akin na masaya at may part rin sa'kin na malungkot. Ewan ko ba! "Maliban na lamang sa pagtawid mo sa kabila iha." Bigla akong nabuhayan ng loob.

"Doon na po ako panghambuhay, tama po ba?" Hindi siya umimik. Biglang nag-walk out si Devour. Problema nun?

"Hindi iha... dalawa ang mundo mo. Ang mundo ng mga mortal at ang mundong 'to." What? Paano nangyari 'yon? Dahil ba nakatagal ako ng ilang weeks dito? Eh naligaw lang naman ako sa mundong 'to ah.

"You mean, magpapatawid-tawid po ako? Gano'n po ba?"

"Malaya kang makakatawid dito at sa kabilang mundo."

"Pero mated pa rin ako kay Devour." naibulong ko sa sarili. Ang komplikado naman ng relasyon namin. Parang Hades at Persephone lang ang peg.

"Sundan mo na siya iha." napabaling ako ng tingin sa bathaluman.

"Salamat po sa time niyo, mahal na bathaluman." sabay yuko ko bilang paggalang. Ibinaling ko ang tingin sa kaniya, nakangiti siya sa'kin. Yung ngiti na malungkot at masaya. Nagkibit-balikat na lamang ako at lumarga na paalis sa templo na iyon.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now