CHAPTER 14: THE SEARCH

Start from the beginning
                                    

*****

Kinabukasan ay nagpumilit ako kay Devour na isama ako sa gagawin naming paghahanap sa mga bathaluman. Nag-alangan pa siya nung una kasi kagagaling ko lang sa breakdown kagabi. I miss my family but as time goes by, parang may pumipigil talaga sa'kin na umalis dito. Hindi 'yon basta gawa lang ng mate bond namin ni Devour... there's something else.

Nang matapos ako sa paghahanda ay pumasok na sa loob ng kwarto si Devour dala ang isang mapa. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Napapikit ako ng mariin ng sandaling umikot ang paligid ko. Hindi nagtagal ay nawala na ang nakakahilong tagpo na iyon. Bumungad sa akin ang isang masukal na kagubatan. Maberde ang mga puno, halaman at mga damo rito kumpara sa lugar ni Devour na wala ni isang buhay na halaman. Kung meron man, yung mga poisonous lang na mga bulaklak at yung mga bulaklak na nangangagat.

Pinauna ako ni Devour maglakad ngunit tumanggi ako. Hindi ko naman kasi tukoy ang lugar na ito. Siya lang at mga taga-rito ang nakakaalam.

"We have to find their temples before eclipse."

"Eclipse? What happen during eclipse?"

"They only show themselves during eclipse."

"Do you know how many days will takes us to get to their temples before eclipse?"

"Three to five days, I think."

"What about your teleportation ability?"

"We can't use it. There's a force blocking my ability to teleport to their temples."

"Maybe because those temples are sacred. Powers are useless there."

"Right." he agreed and didn't say a thing after that.

Ipinagpatuloy naming muli ang aming paglalakbay. Hiniram ko sa kaniya ang mahiwagang mapa na bigla na lang nagzo-zoom in and out. I examined the map. Inalam ko kung nasaan ang mga templo at ang distansiya namin mula sa mga ito. Mukha ngang tama si Devour. Mukhang aabutin nga yata kami ng tatlo hanggang limang araw sa paglalakbay. Mabuti sana kung may portal kami... or kung nandito lang sana ang alaga kong si Avil ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nasa isip. Imbes na magreklamo ako at hanapin ang wala, bakit hindi na lang ako mag-isip ng mga bagay na makakatulong sa'min para mapadali ang journey namin. Yung mga bagay na available sa paligid katulad halimbawa ng kabayo, mga kahoy na magagamit namin na ilaw mamayang gabi or spot na matutulugan namin.

Habang naglalakad ay patingin-tingin ako sa paligid, umaasang may susulpot na swerte. Ngunit imbes na swerte ang sumulpot, kamalasan pa. Biglang nagsulputan sa paligid namin ni Devour ang grupo ng mga nilalang na waring kagagaling lang sa digmaan. Char. Hindi naiiba ang mga suot nila sa suot ng tribo na napuntahan namin nina Kalissa. Bigla ko tuloy naalala yung pagpatay ko sa pinuno ng pangkat na iyon.

Pinalibutan nila kaming dalawa ni Devour. Oh this smells trouble. Lalo tuloy akong na-excite. Hinarap kami ng isang lalaki na malaki ang katawan na waring nasa 40s lang ang edad. Naalala ko na naman sa kaniya yung pinuno na gusto akong maging reyna niya. Yucks! Tumingin siya ng diretso kay Devour pagkatapos ay bumaling ng tingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binigyan ng mataray na mukha.

"At anong ginagawa ng isang taga-lupa sa mundong ito?" Napaismid ako sa tono na ginamit niya. Tila hindi ko nagustuhan ang tono ng dila ng lalaking 'to ah.

"Bakit? Wala ba akong karapatang tumapak dito sa mundo niyo?" pagtataray ko.

"Hindi nababagay ang isang tulad mo dito sa'ming mundo." Aba't loko 'to ah!

"Talaga! Masyado akong maganda para manatili dito sa mundo niyo."

Mas lalong sumama ang mukha niya. "Huwag mo akong paglaruan babae!"

"Hindi kita pinaglalaruan! Pinaglalaruan kita kung sinabi ko sa'yo na maligo ka."

Aatakihin na sana ako ng lalaki ng iharang ni Devour ang sarili niya na waring pinoprotektahan ako.

"Wala ka sa kaharian mo bata." sabay ngisi ng dambuhalang lalaki na iyon.

Hinatak ko si Devour palapit sa'kin at nakipagpalit ako sa kaniya ng puwesto. "Wala ka rin sa tribo mo kaya matuto kang lumugar!" asik ko sa kaniya kahit hindi ako yung kausap. Matuto siyang ilugar ang angas niya!

"Huwag mo 'kong angasan, babae!"

"At huwag mo ring pakialaman ang paglalakbay namin!" bulyaw ko pa. "At kung ano man ang rason kung bakit ako nandito sa mundo niyo... wala ka na dun. Hindi mo na problema 'yon!"

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo babae. Nasa mundo ka namin."

"Eh ano ngayon kung nasa mundo niyo ako? Bakit lalaban ka?" hamon ko. Malakas silang tumawa ng mga alipores niya na sana bilang ko ay nasa lima silang lahat kasama ang bwisit na lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Narinig niyo 'yon mga kasama?!" baling nito sa kaniyang mga kasamahan. "Lalabanan ko raw siya! Haha!" At tumawa ulit sila ng malakas. "Alam mo....."

Nang pagbaling niya sa'kin, mabilis ko siyang naambahan ng suntok sa mukha. Yung malakas. Yung susuka talaga siya ng dugo. Natigil silang lahat sa pagtawa at napadura naman ng dugo ang pinuno o heneral nila o kung ano man ang tawag sa kaniya. Natatawa siyang bumaling sa'kin.

Sasampalin na sana niya ako ng mabilis kong nasalag ang braso niya. Marahas kong ipinilipit patalikod ang braso niya saka kinuha ang isa pa niyang kamay, na pinagkasya kong hawakan gamit ang isa kong kamay. Gamit ang kanang kamay, kinuha ko ang aking kampit o maliit na kutsilyo sa gilid ng bewang ko saka itinutok iyon sa leeg ng lalaki.

Akmang lalapit ang mga alipores niya ng pagbabantaan ko silang lahat. "Sige! Subukan niyong lumapit! Gigilitan ko 'to sa leeg!"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" I gripped his hands firmly as he struggled to be free from my grip.

"I'm putting you in your right place! Sa tagalog, inilalagay kita sa dapat mong kalagyan!" Sabay malakas na tadyak ko sa kaniya papunta sa kaniyang mga kasama. Nawalan siya ng balanse at lumanding siya sa mga kasama niyang mahihina.

The man snarled madly. "Ikaw!" Mabilis siyang bumangon kaya't kaagad kong inihanda ang aking sarili.

Aatakihin na sana nila akong lahat ng bigla silang matumba at mawalan ng malay. "Devour!!" I frustratedly yelled at the man na prenteng nakasandal sa isang puno 'di kalayuan sa pwesto ko.

"Don't waste your time with those rats." chill na sabi niya. "And don't cause any more trouble. We come here to find Damus, not to quench your thirst of blood."

"What can I do? Trouble na mismo ang nalapit sa'kin." He shook his head, smiling. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. Mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti or tumatawa siya.

"You got me thinking of Warion." Napakunot ako. That name sounds familiar.

Hinalughog ko ang mga impormasyon sa utak ko hanggang sa maalala ko ang pangalan na 'yon. "Warion? The deity of war and feuds?"

"One more trouble, love... I might mistake you as the daughter of that deity."

Simangot akong napabunga ng hangin. "Ok fine! I'll stay out of trouble next time. Hindi ko na paiiralin ang angas at init ng ulo ko. Happy?" saka mataray ko siyang tinaasan ng kilay.

He just nodded his head with a slight smile and continued to led the way.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now