"Hindi, Karylle. Wag kang maniwala. Mabibigat lang talaga kamay nila kaya lagi nila akong sinasaktan. Walang kasamang pagmamahal 'yon,"

"Huy, baka maniwala si Karylle."

"Kayong dalawa talaga,"

Kahit paano'y nagpapasalamat si Karylle na hindi na niya kailangan pang makipagtalo sa sarili ngayong gabi. She has MC and Lassy with her and she knows that they would be a big help.

"Eh, Karylle? Seryoso ka ba talagang okay lang na nandito kami?" paninigurado ni MC. "Si Lassy kasi masiyadong epal,"

"It's completely fine, I swear. Mas marami, mas masaya." she then gave them a reassuring smile. "Besides, I don't think I can really sleep nang walang kasama."

"Para ka palang si Vice e. Hindi rin 'yon nakakatulog nang— arayku, MC! Kanina ka pa batok ng batok."

Natahimik si Karylle nang marinig ang pangalan na 'yon.

Kailan ba siya mapapagod?

Kailan ba siya hindi masasaktan sa tuwing maririnig ang pangalan ng taong akala niya'y isa sa mga masasandalan niya?

Kailan ba siya masasanay na ganito na lang sila?

MC looked at Lassy at pinamulatan ito ng mga mata upang patahimikin ito sa pagsasalita. Hindi ito agad naintindihan ng huli dahil wala naman itong nalalaman sa gusot sa pagitan nila Vice at Karylle.

"Oh," Lassy uttered habang salitang tinitignan ang dalaga at kaibigan. "M-may nasabi ba akong mali?"

"Vice will surely have a good sleep tonight. He's with Anne and Jackie, his best girls." sa likod ng matatamis na mga ngiti ni Karylle ay nagtatago ang pait at inggit.

"Tangina kasi nito ni Lassy e," hindi na napigilang sabi ni MC. Napuno naman lalo ng pagtataka ang kaibigan. After everything that he heard from Karylle earlier, alam niyang lalo lang bumigat ang nararamdaman ngayon ng dalaga, the reason why he offered of keeping her company tonighy.

"MC, it's fine. Wala rin namang idea si Lassy sa lahat nang nangyayari." tinapik pa nito ang balikat ng binata to assure him na walang problema.

"Gets ko na. Sorry," paghingi ng paumanhin ni Lassy.

Saglit nitong tinitigan si Karylle and her eyes show nothing, but sadness. Mahusay lang talagang artista ang dalaga kaya't sa tuwing humaharap ito sa camera ay hindi mababanaag ang lungkot na nararamdaman nito.

"Hindi ko talaga alam, pasensya na."

"Kanina pa kayo humihingi ng pasensya. There's no need to apologize dahil hindi naman kayo ang dahilan kung bakit ganito kami ni Vice ngayon,"

"Gusto mo bang kausapin namin?" Lassy offered.

"No, please. Ayokong madamay kayo. Kung magkaka-ayos man kami, it will happen without anyone's help."

MC and Lassy both nodded as their response to what she said. Totoo nga lahat ng naririnig nila about her. She's so selfless. Hindi baleng siya na lang ang bumuhat sa lahat ng bigat, masigurado lang na walang madadamay na iba.

"Pero kung kailangan mo ng kausap, nandito lang kami ha?"

"Thank you, Lassy." she sincerely said bago ito lapitan upang yakapin. "I'll help you guys fix your stuff na para mabilis tayong matapos. Baka hindi nila tayo hintayin for dinner,"




































Karylle

"When are you coming back? Papers are already waiting for you."

I didn't hesitate setting my phone to silent mode after reading the latest chat from Tito Carlo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba niya akong na-chat today. I also received several calls from him na sinadya kong huwag sagutin dahil hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko.

Cuts and BruisesWhere stories live. Discover now