Sa ating mundong tinitirahan, hindi maiiwasan ang kahirapan,
Kahirapang hindi sa pera, kahirapang hanapin ang ligaya,
Ikay magnilay sa mundong buhay, magnilay sa mga bagay bagay
May ibon may isda may langgam na nabubuhay, ngunit iba iba sila kung paano ang pamumuhay
Sa mundo hindi tayo pare pareho magkakaiba tayo ng distino,
Meron sa lupa sa himpapawid at sa tubig, ngunit iisa ang ating mithiin mabuhay ng masaganat punuin ang daigdig.
Palawakin natin ang ating isipan, hindi makalilipad ang isda at hindi makalalangoy ang ibon, ganyan din sa mga tao sa ating paligid,
Kaya natin minsan yung iba hindi,
Kaya nila minsan tayo hindi,
Kayat huwag kang mangmata sa mundong ikaw ay nakatira,
Ibilang mo ang sarili mo sa katayuan nila
Sa mga nahihirapan sa mga bagay bagay, huwag mong isiping magpakamatay, hindi yan ang solusyon sa iyong pamumuhay, palawakin natin ang ating isipan at magnilay-nilay.
YOU ARE READING
pananaw
Poetryhindi tayo pare pareho ng nararamdaman meron bagay na sa atin magaan para sa kanila mabigat.
