"Kalandian mo agapito." Napairap na lamang ako.

"Anong kalandian?" Agad nakunot ang noo niya habang nakangisi, "Hindi ba pwedeng miss na miss lang talaga kita kasi tuwing weekend nalang tayo nagkakasama?"

This set-up is such a drag. Ponzi and I live on different cities which happen to be three hours apart. Mas madali talaga yung kapwa kami nakatira sa Crimson Lake pero we have no choice, after what happened last year, ayaw ko rin muna talagang humiwalay sa parents ko. For once I just want to live like a normal 18-year old, yung tipong school at overthinking lang ang problema, hindi patayan at isang lecheng programa.

"I missed you too Ponshit." Sabi ko na lamang at hinalikan siya pero this time sa labi na.

"I really like it when you initiate the kiss." He smirked as our lips parted.

"That's the last." Biro ko.

"Nga pala 'wag kang mag-alala, last time narin tong magb-byahe ako ng three hours para lang makita ka." Seryoso niyang sambit kaya naman agad nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Wait, are you breaking up with me?" Tanong ko pero bigla siyang natawa kaya naman agad kong kinurot ang tagiliran niya, "Ponzi you little shit, wag ka ngang tumawa!"

"Ano ako baliw? Siyempre hindi! Na-promote si Daddy kaya kailangan naming lumipat tapos yung lilipatan namin, malapit lang dito, mga 40 minutes? Mas madali na tayong magkita." Paliwanag niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad dahil sa tuwa. 40 minutes is way better than 3 hours.

Next thing I know, Ponzi and I are making out yet again. I'm still lying on top of him and he keeps on hugging me closer to him. Nag-aalala siyang baka maulit yung nangyari last month, sa sobrang kulitan kasi namin nalaglag ako sa sofa at nagkapasa pa ako.

"Sandali..." I stopped kissing him and leaned my head on his shoulder while chasing my breath. Itinuro ko ang Pizza at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakangiwi na siya.

"Sino ba ang mas mahal mo yang Pizza o ako?" Inis na sambit ni Ponzi kaya napangisi na lamang ako.

"'Wag mo nang sagutin. Alam kong pagt-tripan mo na naman ako." Walang emosyon niyang sambit at naupo na lamang kami.

"Bilis magtampo ni Zosimonggol ah? May period ka no?" Tanong ko sabay sundot sa pisngi niya pero tiningnan niya lang ako saka kinuha ang remote na nasa mesa.

Akala niya ba talaga bebenta sakin ang tampo effect niya? Zosimo puhlease.

"Thanks for the Pizza! Love you!" Sabi ko saka kinuha ang isang kahon at ipinatong ito sa lap ko. Hehehe. Come to osummm!

Napatingin ako kay Ponzi at kahit nakaharap siya sa tv ay napansin kong nakangiti na siya.

Pinaandar ni Ponzi ang TV at laking gulat naming dalawa nang makita namin si Jojo sa balita. Basang-basa na siya ng ulan pero napakasigla niya parin niya. Talon siya ng talon habang sumisigaw. Marami silang mga lalake na para bang nakapila, parang nasa airport sila at may hinihintay na dumating. Si Jojo... May bitbit siyang poster ng isang babae.

May sinasabi ang reporter pero hindi ko ito napapansin, nakasentro lang kasi ang atensyon ko kay Jojo.

Sa isang iglap ay bigla na lamang inagaw ni Jojo ang microphone ng reporter na ngayo'y gulat na gulat.

"MARIA OZAWA GUSTO KITANG MAPANGASAWA! I'D DO EVERYTHING TO YOU—I MEAN FOR YOU! I'D DO EVERYTHING FOR YOU! MAHAL KITAAAAA! HINDI SAYANG ANG SPERM CELL KO SAYO!" Pagwawala ni Jojo sa mismong harapan ng camera. Talon siya ng talon kaya naman halos madapa na ang babaeng reporter na natatamaan niya.

What. The. Fuck.

Jojo is going nuts on national tv. On fucking national TV!

Nagkatinginan kami ni Ponzi. Kapwa nanlalaki ang mga mata namin dahil sa gulat not to mention ang higher than the clouds secondhand embarrassment na nararamdaman namin.

Never Cry Murderजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें