Chapter 196: Reconnect with Friend

Začať od začiatku
                                    

I immediately walked toward his direction. I gave Liu a warm hug dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya. I mean, ngayon ko lang ulit siya nakita matapos ang season 4 tournament. "Taray, nag-iba yata ang hitsura mo!" Puri ko sa kaniya.

I mean he is still the chinito guy that I know. Pero this time ay hindi na siya Pekene Chinese dahil nasa China talaga siya ngayon. "Kaya nga, eh putangina no'ng management namin. Hindi ko alam kung Esports team kami o trainee para maging kpop idol ampota. May stylist-stylist pa kami."

Natawa lang kami ni Liu at naghahampasan sa sobrang pagka-miss namin sa isa't isa. Maging sina Larkin ay lumapit na din sa kaniya. "Tangina mo, sino ang magte-trend sa'tin ngayon sa twitter." Yabang niya kay Larkin.

"Napunta ka lang China, natuto ka na maligo ah." Biro naman ni Larkin.

"Tangina ninyo." Naiiling na sabi ni Liu. Napalingon si Liu sa mga ka-team niya noong tinawag siya ng mga 'to. "Sige na, sa wakas nakapagtagalog na rin ako. Mamaya na ulit tayo magkita-kita. Gala tayo. Wala pa naman yatang ganap." Lumakad na palayo si Liu. "Chat ninyo ako!" Sigaw niya muli at humabol sa mga ka-team niya.

Maging kami ay naglakad na rin papalabas ng Airport at sumakay sa van na maghahatid sa amin sa hotel na tutuluyan namin. Pagkaupo ko sa puwesto ay saglit akong napabuntong hininga at napalingon sa paligid. Grabe, nasa Singapore na nga talaga kami.

"Captain, may bahay kayo rito?" tanong sa akin ni Noah.

"Ha? Bakit naman kami magkakabahay dito?" Kunot-noo kong tanong kay Noah. "Sino na namang mokong ang nagsabi sa 'yo niyan?"

"Si Kuya Larkin. Sabi niya ay may bahay daw kayo sa iba't ibang bansa. Totoo ba 'yon? Ganoon ba talaga kayo kayaman? Ba't hindi na lang magpresidente si Tito?" Sunod-sunod niyang sabi habang kinukuhanan ang buong paligid. Parang wrong choice nga yata na katabi ko sa bus 'tong si Noah dahil hindi mauubusan ng kuwento ang batang 'to.

Super extrovert niya kapag kasama niya 'yong mga taong komportable siya pero kapag interview naman ay sobrang nahihiya siya magsalita.

"Napaka-gullible mong bata ka. Huwag kang naniniwala sa mga pinagsasabi niyang si Larkin. May saltik sa ulo 'yang si Oppa." Sabi ko sa kaniya. Huling pumasok sa loob ng bus sina Coach at inabot sa amin ang tourist sim cards na gagamitin namin at Pocket Wifi.

"Ayaw mo lang aminin na sobrang yaman ng pamilya ninyo, eh." Noah said. Hindi ko talaga alam kung bakit ang super yaman ng tingin nila sa pamilya namin. I mean, oo, may kaya kami pero hindi naman to the point na sobrang elite namin sa lipunan ng Pilipinas.

Una kong ginawa pagkakuha ng Pocket Wifi ay in-inform ang GC ng pamilya ko na safe kaming nakarating ng Singapore. I also sent a picture as a proof na agad naman hineart ni Mom at Dad.

Kuya London:
Ay mayabang, nagsesend pa nang picture.

Milan:
Epal kahit kailan! Para kanila Mom ang update na 'yon!

Daddy Pogi:
London, may poop si Forest sa sala. Damputin mo.

Kuya London:
Nandiyan naman si Kuya Brooklyn, Daaaa! Siya na, kanina ako na naghugas ng pinggan saka nagwalis sa kitchen.

Kuya @Brooklyn, galaw-galaw baka pumanaw.

Kuya Brooklyn:
Aso ko?

Kuya London:
Aso ka.

Daddy Pogi:
Bilisan mo na London, nasa meeting si Brooklyn. Hindi niya maaasikaso 'yan.

Kuya London:
Pababa na. Ito na talaga ang villain origin story ko. Ang hindi ninyo pagdampot sa tae ni Forest.

Napangiti na lang ako on how cute 'yong relationship ng family ko. May mga pahabol pang message sina Dad at Mom na mag-ingat daw ako rito and they will try to fly bago ang Grandfinals. God, na-pressure tuloy akong umabot dapat ang team namin ng Grandfinals.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now