Pinalo ko ulit ang noo ko at napatigil nang may makapang basa na malakiㅡmahahalatang bula iyon galing sa sabon. Inis ko iyong pinahid saka pinagpatuloy ang paghuhugas.


Someone's POV

Galit kong ikinuyom ang kamao ko matapos mabalitaan ang pagpunta ng pamilya ni Daren sa Palawan at talagang sinama pa ang malanding Athena pati na ang kanyang witch na kambal. Hindi man lang ako inimbita ni Daren. Talagang ayaw na niya sakin? Lalayoan na niya ako? Hah! Hindi ako makakapayag nun! Kasalanan mo din to, Daren, dahil nagpakilala ka sakin. Lahat ng gusto ko, makukuha ko. Walang pwedeng humadlang!

"Ihanda mo ang baril. Lilipad tayong Palawan." Nakangising turan ko saka ininom ang beer.



Athena

"Waaaa! Have mercy on me!" Sigaw ko dahil matatalo na ako sa laro naming snake and ladder. "Please, wag sanang mapunta sa bibig ng ahas." I desperately prayed.

"BWAHAHAHAHA!" kantyaw ni Teri kaya napadilat ako at tiningnan ang nilalaro namin. I tanrums nang makitang nakain iyon ng ahas.

"Bad snake! Tss!" Maktol ko. "Gaganti ako sa inyo, makikita niyo!" I greeted my teeth as I began to play again.

"Luh, katakot."

"Sis, are you serious?" Gulantang si Astheria sa sinabi ko. "It's just a game. Don't take it seriously."

"But I want to win this game! Ikaw na, Levin." Levin moved his silently. Buti pa to, hindi man lang nakain ng ahas o kaya nahulog sa hagdan. Unfair! Nang si Teri na ay ako naman ang tumawa ng malakas dahil nahulog ang kanya sa hagdan, mas mababa pa sakin. "Bleee! Ano ka ngayon, ha?" I showed him my fist. Napailing nalang si Teri.

Kanina pa kami naglalaro pero ni isang beses hindi pa ako nanalo kaya sinabihan ko silang lahat na walang titigil at aalis kapag hindi ako nanalo. "Nakakatakot kang kalaro, geez! Nangangalay na pwet ko kakaupo." Ani Teri na hindi magawang makreklamo dahil binabantaan ko siya kapag sinusubukan niyang mag-quit sa laro. "Ayoko nang makipaglaro sa'yo next tim!" He pouted. "Babe, help me. Palitan mo naman ako dito, oh!" Hingi niya ng tulong sa fianceé niya.

"Pinasok mo yan, panindigan mo!" Sagot ni Nally sa kanya na prenteng nanonood ng TV. I turned to Nally and gave my thumbs up.

"Sinong nagbrainwash ng fianceé ko? Ikaw ba?" Teri dramatically pointed his finger at me.

"Luh, baliw. Sige na, let's continue."

Halos dalawang oras kaming nakaupo sa carpet at naglalaro. Wala rin namang reklamo si Levin at Astheria kaya walang problema. Si Teri lang talaga ang madrama pero di namin pinapansin. "Ang sasama niyo!" Aniya habang nakahawak sa dibdib niya.

Tumigil ako saglit nang umilaw ang cellphone. Nagtext si Kaede sakin kaya binasa ko muna.

From: Kaede
Athena, pwede bang patulong sa paggrocery? Kasama ko kasi si Eiv tsaka yung asawa ko may biglaang lakad. Mind if I need your hand here? Ayos lang kung busy ka.

I immediately replied.
To: Kaede
Of course, of course, no problem. I'll be right there in a minute. See you!

I put down my cellphone and looked at the three. "Guys, I'm sorry. Kaede asked my help sa paggrocery kaya maiwan ko muna kayo." I sincerely said to them.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now