TANGLAWAN NG PINAGMULAN

70 0 0
                                    

Tuwing sumasapit ang takipsilim
Sari-saring ilaw, iyong masusulyapan.
Pawang ito'y pumapawi sa dilim,
Na animo'y sinambit na karangalan.

Tinahak ang daan paroon sa siyudad,
Tila ba'y may ganap na pagdiriwang.
Mga mamamayan ng bawat edad,
Bawat tanglaw ay siyang kanlungan.

Sa gabi ay patuloy magni-ningning,
Sumasabay sa nagtataasang bituin.
Gayundin sa mga ito'y humihiling,
Na tuparin ang hinangad na mithiin.

Kahit katiting lamang na liwanag
Ay siyang walang habas na magliliyab.
Ang sinumpaang kislap ng sagisag,
Tila'y libo-libong ngiting nag-aalab.

MAKATANG LIGAWWhere stories live. Discover now