AAO - 1

7 0 0
                                    


Chapter One

Chapter One

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Xander

"Are you free tonight, Xander?" Dad asked.
Nilingon ko naman si Mommy and she just smiled at me. "I can make myself free. Bakit po?"
"I want to introduce you to our potential client. Napapanuod ka niya sa mga swimming competition mo and he badly wants to meet you. I can assume that he's a fan."
"Hon, baka may importanteng lakad si Zander. I'm sure he has plans for tonight. P'wede naman siguro sa mga susunod na araw 'yan 'di ba? Does he have something to do with your business plans?" biglang singit ni Mommy sa usapan.
"Well," humarap si Dad sa 'min mula sa passenger's seat at nag-aalangang ngumiti. "Matagal na kasi naming sinusubukang kunin ang client na 'yan and the only way he will sign in our company is by meeting Xander. It's true that he's a fan. Pero kung may ibang plano ka for tonight, you may go. Kakausapin ko nalang siya."
"Sabihin niyo lang sa 'kin kung saan kayo magkikita and I'll be there. Wala naman pong problema sa akin."
"Thank you for doing this, Xander. I appreciate it."

Nginitian lang ako ni Dad at tinapik ang balikat ko. Mom stared at me and raised an eyebrow to me. I just shrugged my shoulders and smiled at her in return.

Sumandal ako sa kinauupuan ko at kinuha ang cellphone ko. Patuloy ito sa pagba-vibrate. It was Chase who is continuously calling me. Magkaklase kaming dalawa sa ilang subject at panigurado, nandoon na 'to sa room namin. He kept on asking my whereabouts. May halos isang oras pa bago magsimula ang klase namin at halos labinlimang minuto nalang bago ako makarating sa school namin. Hindi ko alam kung bakit niya ako minamadali. I put my phone in an airplane mode and placed it back in my bag.

Chase and I are both business administration students in our school. Ayaw sana ni Chase mag-aral sa school namin dahil akala niya, magsusumbong lang si Mommy kila Tito Cedric at Tita Yvonne tungkol sa mga kalokohan niya. Ang buong akala niya, magiging bantay sarado siya rito dahil pagmamay-ari ng pamilya namin ang school na papasukin niya. Pero hindi ganoon si Mommy. Every time na nasasangkot si Chase sa kahit anong kalokohan sa school, si Mommy ang unang kumakausap sa kanya. Alam ni Mommy kung gaano kahigpit si Tita Yvonne sa kanya kaya hanggat kaya niya, ayaw na niya makarating pa sa kanila kung may kinasasangkutan man si Chase.
That's when my mom earns Chase's trust. Pinaramdam niya na malaya siyang gawin kung ano man ang gusto niya rito sa school basta hindi ito makakasagabal sa pag-aaral niya. Nagpakatino si Chase alang-alang sa reputasyon ni Mommy. Ilang beses na siyang pinalampas ni Mommy sa mga gulo niya dahil ayaw nya itong mapahamak. Hindi magagawa ni Chase ang mga ganoong bagay kung nasa ibang school siya. Kung tutuusin, baka na-drop or expel na si Chase dito sa school naming pero dahil concern si Mommy sa kanya at magiging epekto nito sa pamilya nila, gumawa siya ng paraan para maayos ito. Si Mommy ang nakiusap kay Tito Cedric na huwag ng bigyan ng bodyguard si Chase. Chase owes everything to Mommy.

"Kuya!" dali-dali akong napalingon sa likuran namin ng marinig naming si Xylia na biglang sumigaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kuya!" dali-dali akong napalingon sa likuran namin ng marinig naming si Xylia na biglang sumigaw. "Chase is annoying me! Answer his call! Hindi ako makapag-focus dito sa binabasa kong script."
"Just tell him na malapit na ako. Ano bang mayroon at bakit nagmamadali 'yon?"
"He's getting on my nerves! After this, iba-block ko na siya. Saan ba niya nakukuha ang number ko? Binibigay mo 'no?" Sophie raised an eyebrow at me.

Nagkibit balikat nalang ako.

Napasabunot nalang siya sa kanyang buhok at kinuha ang cellphone niya para reply-an si Chase. Natawa nalang ako sa reaksyon niya.

Xylia is my twin sister. Xylia, Chase and I are childhood best friend. Hindi na talaga ganoong nagkakasundo ang dalawa dahil si Chase ang pinaka-annoying na tao para kay Xylia. He's been bugging Xylia since we were a kid. Naging hobby na ata ni Chase 'yon at hanggang ngayon, hindi pa rin nasasanay si Xylia. Ako ang madalas pumagitna sa kanilang dalawa kapag nag-aaway sila. Kaya ngayong tumanda na kami, kanya-kanya na kami. Ayoko ng maging involved sa mga isip bata nilang pagtatalo.
Sinuot ko nalang ang airpads ko at itinuon nalang ang atensyon ko sa bintana.

"Are you really sure you're going with your Dad tonight? Wala ka bang lakad or practice?" tanong ni Mommy sa akin.
Dumiretso ako ng upo sa swivel chair at inilapag ang bag ko sa sahig. "Mom, that's fine. Wala naman po akong lakad ng gabi. Besides, it's a great chance to get to know more about our family business. Opportunity will always be opportunity."
"But Xander, alam mong hindi ka naming inoobliga diyan 'di ba? Paulit-ulit kong sinasabi sa inyo ni Xandra, malaya kayong gawin ang kahit anong gusto niyong gawin. As long as hindi kayo napapahamak, panatag na ako do'n. I know how you idolize your Dad, but you don't have to be exactly like him. I can still recall when you were younger; you wanted to be a veterinarian because you wanted to treat our cat, Blade. You promised yourself to pursue it."
"Mom, we already talked about it. Hindi ba ang sabi ko sa 'yo, puwede ko naman i-pursue 'yon anytime? Maybe after I got my master degree in business ad? Mom, huwag niyo ng isipin 'yon, okay? Masaya ako ngayon sa foundation ko. That's more than enough for me."
"Pero iba 'yong happiness na dala kapag ginagawa mo na talaga ang bagay na gusto mong gawin. We're not pressuring you into business. You don't have to. Just always remember that," kinuha na ni Mommy ang ilang folder na nasa desk niya at dali-daling humalik sa pisngi ko. "I have to go. May faculty meeting pa kami. Paki-lock nalang ng pinto, Xander. Baka mahuli ka na rin sa klase mo. Love you!"

I just smiled at her in return.

I don't know if Mom is just being paranoid or what. Madalas na naming pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na 'yon. Ang buong akala niya, napipilitan akong gawin ito dahil gusto kong ma-impress si Daddy sa akin, which is not true. Ginagawa ko 'to hindi dahil sa impluwensya na mayroon ang pamilya ko, kung hindi dahil gusto ko rin itong ginagawa ko. Yes, a part of it is because of my Dad. Pero hindi niya ako inutusan o inobligang gawin ito para sa kanila. Inspirasyon ko si Daddy sa maraming bagay and I know for sure that I'm making him proud.

Against All Odds [FILIPINO]Where stories live. Discover now