Isa

6 1 0
                                    

Isang katok ang gumising sa akin, nagmula ito sa pintuan ng aking silid. "pasok" mahina kong sabi at saka inayos ang aking balabal upang harapin kung sino man ang papasok sa aking silid. "Señorita, ipinapatawag ho kayo ng inyong ama" bungad sa akin ni Aling Rosa, aming kasambahay na siyang nag alaga sa akin mula noong bata ako. "bakit daw ho kaya?" tanong ko habang ina-ayos ang aking balabal "wari ko'y may sasabihin lamang sa iyong importante, kaya't bumaba kana roon Señorita" sabi ni Aling Rosa at inayos ang aking kama.

Bumaba naman ako kaagad at dumiretso sa salas kung saan ko naabutang nakaupo ang aking ama at ina habang ang mga ito ay humihigop ng kanilang paboritong tsaa. "Ipinatawag niyo raw ho ako ama?" tanong ko at saka naupo sa tabi ni ina. "Pasensya na kung naistorbo ko ang iyong pagpapahinga, ngunit, kailangan ko naring sabihin ito sa iyo bago sumapit ang araw. Upang ika'y 'di mabigla bukas kung sakali'y ipatawag kita" pagsisimula ni ama, na siyang ikinunot ng aking noo. Ano naman kaya ito? "Nais kong bukas na bukas ay salubungin mo nang galak ang bagong destinong heneral sa ating bayan." lalong kumunot ang aking noo sa aking narinig "Ngunit ama, bakit ho ako? ano naman ho ang mala'y ko sa kaniya?" tanong ko. "Pamilya na natin ang may hawak sa bayan na ito simula pa noong panahon ng aking lolo, kung kaya't isang kabastusan naman kung ating palalagpasin ang pagpapalit ng heneral sa bayang ating pinamumunuan hindi ba? kaya't ikaw ay aking inaatasan na ikaw muna ang sumalubong sa bagong heneral habang ako at ang iyong mga kapatid ay abala sa paghahanda sa handaan sa pagsalubong sa heneral. kaya't maari ka nang umakyat upang makapag pahinga para bukas." Mahabang sabi ni ama sa akin at saka ibinaba ang tobacco na kanina pa niya hawak. "Opo" maiksi kong sabi, wala naman akong magagawa kahit tumanggi ako.

Sumapit na ang liwanag, naging abala ang lahat sa paghahanda sa handaang magaganap ngayong araw. Naging abala rin ako sa paghahanda ko sa aking sarili sa pagsalubong sa bagong heneral ng bayang ito. Kahit ako na anak ng Gobernadorcillo ng bayan ng San Antonio ay hindi kilala ang magiging bagong heneral ng bayan. Kaya't ayos na rin na ako ang sasalubong sa kaniya, nang sa gayon ay mawala na ang panghuhula sa aking isipan kung sino man ang panibagong magsisilbi sa aming bayan.

Lulan na ako ng kalesa, patungo na kami sa bungad ng bayan. Dito na namin sasalubungin ang heneral na siyang lulan din ng isang kalesang nag dala sa kaniya mula sa sentro hanggang dito. Sino kaya ang bagong destinong heneral? Nawa'y hindi ito isang lupit ng kaniyang sinundan, nang makahinga naman nang maluwag ang bayang ito.

Sa aking pagbaba sa kalesa ay ibinaba ko ang aking dalang bulaklak upang isabit ito sa heneral. Gawa pa mismo ng aking ina ang bulaklak na ito, na kaniyang pinitas sa kaniyang hardin. Malalaman mo talaga na espesyal ang isang tao o okasyon kung ang mga bulaklak na gagamitin ng aking ina ay galing mismo sa kaniyang hardin. Mahilig talaga iyon si ina sa mga palamuti sa tuwing may okasyon, minsan pa nga'y nagaangkat pa ito ng bulaklak galing ibang bayan upang ipalamuti lamang.

Ilang saglit pa ay may tumigil na tatlong kalesa sa aming harapan ni Mang Kanor, aking kutsero. "Sila na ho kaya iyan?" Tanong ko sa aking katabi na si Mang Kanor. "Marahil ho Senorita." Tugon nito. Akin nang sinenyasan ang amin pang ibang kasama upang maghanda sa pagbati sa heneral.

"Maligayang pag dating sa aming munting bayan Heneral." Sabay sabay at masiglang bati namin sa isang lalaki na bumaba galing sa isang magarang kalesa. Isang matangkad at gwapong lalaki. Si Gabriel? Gabriel Alvarez. Siya na ang bagong heneral? Ang aking kababata?

Nararamdaman ko ang matalas niyang tingin sa akin, ganun din sa kaniyang mga kasama. Dahil siguro sa gulat kong ekspresyon ngayon, hindi lamang ako makapaniwala na siya na ang bagong heneral San Antonio. hindi ko ma-i-alis ang aking tingin sa kaniya, marami nang pinagbago sa kaniyang hitsura. Sabagay, malaking agwat na ng taon mula ngayon ang nagdaan noong huli ko siyang makita. Siya ngang kahali-halina pa rin ang mukha nito. Ang kulay ng kaniyang balat ay moreno, malaki ang katawan, halata mo sa kaniya ang matinding ensayo na nararanasan ng mga heneral bago nila makuha ang kanilang posisyon.

PahimakasWhere stories live. Discover now