" A-ah love yayain sana kita mag date " aniya nito kay nics at umiwas ng tingin sakin.

" Ayoko " maikling sagot ng baby ko .

" Narinig mo naman siguro sya kaya umalis kana sa pamamahay ko nakakaistorbo ka  " aniya ko.

" Ate " suway ni nics sakin . Sinamaan naman ako ng tingin ni nathan na nginisian ko lang as if naman matakot ako  sa kanya na napaka duwag.

Pinaalis na ni nics si nathan at nag enjoy na ako sa pag kain . Ngiting tagumpay naman ako .

" Laki ng ngiti mo " aniya ni nics . Tumango na lang ako . " Kapag mag kaharap kayo ni nathan ate pwede ba 'wag mo na patulan kayabangan nya "

" Sige basta akin ka lang " aniya ko na kinasamid nya.

" A-anong konek tsaka akin lang sarili ko " pag susungit nya. Nginitian ko sya sabay irap akala nya sya lang pwede mag sungit ah .

Tapos na kami kumain at nag ready naman sya ng mga dadalhin nya kay mommy . Sya na pati ang nag drive dahil marunong na naman daw sya.

Nag ring yung phone ko at sakto naman na nag red yung traffic light .

" Hello po tita good morning " aniya ko.

" Good morning din ija . Bago kayo dumeretsyo sa bahay paki daanan naman sa bahay nyo yung paper bag ko " aniya ni tita , mahahalata talaga sa boses nya ang pag ka strikto , akala ko pa naman sa anak nya lang ako titiklop eh.

" Osige po tita . Baka naman po maka request ng adobo tita hahaha " pabirong sabi ko.

" Sure ija paki ingatan na lang ng anak ko at ipag hahanda ko kayo . Sige na ija mag ingat kayo " aniya nito at pinatay na yung call.

" Nakakapag taka bakit parang close kayo ni mommy " aniya ng baby ko.

Naka loudspeaker kasi kaya rinig nya yung sinasabi ng mommy nya.

" Ginayuma ko siguro kaya bumait sakin " aniya ko nakinatawa nya naman.

" Baliw ka talaga ate hahaha " ngayon nya lang ba nalaman na baliw ako .

Actually kinausap ko si tita nung gabing hindi kami mag kasama ni nics pasimple akong pumuslit . Nung una nagalit pa ito para daw akong nag nanakaw sa kanto . Grabe sakit sa bone nun .

Sinabi ko na rin na liligawan ko anak nya sa ayaw at sa gusto nya . Nakita ko tuloy paano maging dragon si tita . Naiinggit kasi ako kay nathan kasi si nathan lang ang pinayagan nya.  Hanggang sa paulit ulit akong nangulit kay tita ng hindi alam ng anak nya .

*****FLASH BACK ****

Kakaalis lang ni nics kasama si nathan . Nag utos na rin ako sa tauhan ko na sundan nila si nics kahit saan man ito pumunta .

Nag ready na rin ako dahil may importante akong gagawin . Bumili muna ako ng simpleng bulaklak na halaman . Pang ilang araw ko na ito at sana naman pumayag na sya . Hindi ako mag papatalo sa lalaking yun never.

* Phone ringing.... *

" Hello mom " aniya ko.

" Kanina ka pa daw hinihintay ng mommy ng baby mo " aniya ni mom halata sa boses nya ang pang aasar .

" I know mom tsaka tigilan mo po ako sa kakaasar nyo . Puro basted na nga ako eh " aniya ko. Tinawanan nya lang ako at pinatayan ng call ni wala man lang babye.

Nakarating na ako sa bahay nila tita at nasa nasa labas na pala sya ng bahay nakakatakot talaga sya .

" Hi tita ito po para sayo " aniya ko napataas naman ang kilay nya na kinalunok ko ng malalim .

" Alam mo ija ang kulit mo. Sige pumapayag na ako. Alagaan mo ang anak ko ng mabuti wala tayong magiging problema . Kapatid mo sya  . Nasa anak ko pa rin ang desisyon. Ang gusto ko lang ay mapa buti sya at mapasaya sya " aniya ni tita .

" Gagawin ko po lahat ng sinasabi nyo tita . Pumayag lang kayo mahal ko po anak nyo " aniya ko.

" Malaki kana brielle alam mo na ang tama at mali pero sige pinapayagan na kita " aniya ni tita

Nagulat ako sa pag sundot ni nics sa tagiliran ko . Kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

" Kanina pa kita tinatawag pero parang may sarili kang mundo ate " aniya nya.

Napatingin ako sa labas ng kotse at nasa tapat na pala kami ng bahay . Lumabas na ako at ganun din sya.

" May problema ba ate ? " tanong nya .  Hindi ko naman kasi alam na nawala ako sa reyalidad kanina .

" Wala po may naisip lang ako kanina " aniya ko.

" Baka naman puro kalokohan ka na naman ate ah sisipain na talaga kita " natawa na lang ako sa sinabi nya .

" Oh nandito na pala kayo . Na ito yung paper bag ni tita mo naiwan nya ito last night " aniya ni mom ni hindi man lang kami pinaupo . " Ah oo nga pala janixen nabanggit sakin ni mommy mo yung nangyari sa inyo kagabi ayos ka lang ? "

Nag katinginan kami ni nics dahil wala pa naman kaming pinag sasabihan ng nangyari samin kagabi . Oh parang alam ko na . Huwag lang talaga maubos pasensya ko isasama ko sya sa hukay kasama ng mga nag tatangka sa buhay ng prinsesa ng Silvestre .

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now