yakhal

0 0 0
                                        

Naglalaro ang mga letra,
Nanatiling walang tinta.
Lakas ng hangin, gising ang kaba.
'Di mawari kung ang bukas ay makikita pa.

Hiling ako'y patawarin sa pagkapabaya.
Nababatid ang pagkabalisa.
Bigyang tinig ang maralita,
Sakit na nadarama'y 'di masalita.

Ama ako'y patawarin,
Hapdi'y pagalingin.
Abot langit na panalangin.
Sa makamandag na pain sa'kin.



poemsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin