Mukhang nag-usap na sina Mommy. Mabuti naman. Ayaw ko talagang nag-iisip ng mga ganoon si Kye. Nalulungkot ako. 

"Misunderstanding lang naman 'yon, lablab ko! Okay kami! Kung worried kang maghihiwalay kami, hindi 'yon mangyayari 'no!" pagbibiro ni Mommy at pinisil pa ang pisngi ni Kye. "Huwag ka na malungkot. Pupunta favorite mong Kuya dito." 

"Huh?" Napaangat ang tingin ni Kye. 

"Si Yori! Pupunta siya dito!" pagbabalita ni Mommy. "Mamayang lunchtime kaya mag-ready ka na rin." 

Pagkatapos kumain, hinintay ko munang umakyat si Kye sa kwarto niya bago ko kinausap si Mommy. Nawala rin ang ngiti niya nang mawala na si Kye, pero nang makita akong nakatingin, ngumiti ulit siya sa akin. 

"Bakit kayo magkaaway, Mommy?" tanong ko. 

"Hmm, big case na naman. Alam mo naman..." Ngumiti nang tipid si Mommy. Alam niyang maiintindihan ko na 'yon. It wasn't like I wasn't aware of my Dad's line of work. It was a big case, so mas malaki ang threat sa amin. "Heightened talaga emotions namin kapag ganito." 

"Gets ko naman, Mommy. Ang sa akin lang, huwag n'yong ipakita kay Kye na hindi kayo okay," sabi ko. "Parang... ang daming tumatakbo sa isip niya. He's quiet so you should pay more attention to him... Ako, okay lang. Huwag n'yo na ako intindihin, Mommy! Malaki na ako!" nakangiting sabi ko. 

"Aw, Nat..." Ngumuso siya. "Hindi naman pwedeng hindi ka namin intindihin, ano ka ba. You're our daughter and we love you so much too! Kakausapin ko si Kye mamaya." 

Okay, that was already out of the way. Ang iintindihin ko na lang muna ay iyong pagdating ni Yori! Kinuha ko ang phone ko para tanungin kung nasaan na siya pero hindi siya nag-reply kaagad. Tinago ko na lang ang phone ko at umakyat para mag-aral. 

Nang ma-bored na ako kaka-aral, nag-practice na lang ako mag-violin. Bakit kasi ang aga kong nagising?! Ang tagal ko tuloy maghihintay na mag-lunch! 

I played something classic. I was closing my eyes so I could focus on listening to the tune, hanggang sa may narinig akong ingay sa pinto. Agad akong natigilan at lumingon. Nakita kong  nakasandal si Yori roon at nakakrus ang braso. He smiled when our eyes met.

"Baby!" Tumakbo kaagad ako sa kanya at niyakap siya kahit hawak ko pa iyong violin at 'yong bow. "Kanina ka pa?!"

"Yes... I didn't know you played violin so well." 

"Palagi naman akong magaling," mayabang na sabi ko at binalik na ang violin sa may case. Pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa may dulo ng kama ko habang tumitingin sa paligid. 

Umupo naman ako sa tabi niya pagkatapos kong itabi iyong case ng violin. Nandito na siya. Ibig sabihin, nag-usap na sila ni Mommy sa baba. Napatingin ako sa pinto, iniisip kung isasara ko ba 'yon o baka magalit si Daddy. 

Nnarinig ko na ang sigaw ni Mommy na may pagkain na raw kaya bumaba na kami. Kinatok ko pa si Kye para tawagin siya. Nang makita niya si Yori, mukhang lumiwanag ang mukha niya. May kausap na naman siya tungkol sa mga interes niya sa buhay. 

Pagkababa, nandoon na si Daddy. "Hello, good noon po," bati ni Yori. Nakita kong may paper bag doon sa may tabi ng kusina. Galing siguro kay Yori 'yon. Ayaw noon bumibisita nang walang dala, eh.

"Good noon, Yori. You can sit down," turo ni Daddy sa may bakanteng upuan.

Umupo na kaming lahat at nagsimula nang kumain ng lunch. Kinakausap nina Mommy si Yori at tinatanong ng mga life updates niya, kung ano na ang pinagkakaabalahan niya sa buhay. Matagal ding hindi nakapunta rito si Yori. 

"So... Ano 'yong totoong rason kung bakit ka nandito?" pang-aasar ni Mommy pagkatapos ng warm-up conversation.

"Oh... Uh..." Halatang kinabahan si Yori at hindi alam kung paano sasabihin. "I just want to formally ask for your permission to-"

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Where stories live. Discover now