Pero... Huminga ako nang malalim at tinigil na ang pag-iyak.

"M-Mag-usap na lang ulit tayo kapag puwede na ulit tayong magkita." Hindi ko alam kung narinig niya pa 'ko sa sobrang hina ng boses ko.

"Harana—"

"Magpapahinga na muna ako. Ako na lang ang tatawag sa 'yo mamaya pagkagising ko." Binaba ko na ang tawag at saka pinatay ang cellphone ko. Tinago ko iyon sa ilalim ng unan at humiga na 'ko.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at pilit pinakalma ang puso at katawan ko. Sa napakalamig na panahon, niyakap ko ang mga braso ko sa maliit ko pang tiyan.

Sana pagkagising ko mamaya, hindi na buhol-buhol ang isip ko at mas maging malinaw na sa 'kin ang dapat kong maramdaman para sa mga nangyari ngayong araw. Masyado akong nagulantang sa magkakasunod kong nalaman.

Naalimpungatan ako nang parang huminto na ulit ang ulan. Pero napakalakas ng hangin sa labas, naririnig ko rin ang huni niyon. Alas-siyete na ng gabi.

Lumabas ako ng kuwarto at uminom ng tubig. Wala pa sina Inay at Itay nang sinilip ko sa kuwarto nila. Sumilip din ako sa labas ng bintana at parang wala pa rin ang mga kapitbahay namin. Hindi kaya sila makauwi mula sa mansyon? Nagbaha na rin ba roon?

"Harana!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tumatakbo si Alek—basang basa mula ulo hanggang paa—palapit sa bahay.

Napalunok ako. Paano siyang nakapunta dito kung mataas pa ang baha?!

"Harana, open the door. I want to explain everything to you..." pagsusumamo niya at saka ko lang napansin na hindi lang siya basa dahil siguro sa ulan...

Lumusong ba siya sa mataas na baha para lang makapunta rito?!

Sumipol ang malakas pang hangin at agad akong naawa nang yakapin niya ang sarili sa sobrang lamig. Binuksan ko na agad ang pinto ng bahay at pinatuloy si Alek.

"Aleksander, puwede naman tayong mag-usap sa ibang araw kapag maganda na ang panahon. Bakit pinilit mo pang pumunta rito? Paano kung napahamak ka sa daan?" simpleng saway ko sa kanya, hindi ko ring mapigilang mag-alala.

Tumalikod ako para kumuha sana ng tuwalya para sa kanya, pero pinigil niya na 'ko sa braso.

"Hindi ako matahimik hanggang sa hindi ko naipapaliwanag sa 'yo mabuti ang tungkol doon sa pustahan. I don't care anymore who told you that shit, but I will still explain my side from the very start!"

Matiim ang titig sa 'kin ni Alek at parang hindi siya kukurap hanggang sa hindi matapos ang paliwanag niya.

Pero mas natigilan ako sa intensidad ng emosyong nakapaloob doon. May mga luha pang nagbabadyang bumagsak din mula sa mga mata niya...

His shaking hands held my arm tighter. Basang-basa pa rin siya, at tumutulo ang tubig mula sa damit niya.

Nakatayo pa rin kaming pareho sa bukana ng pinto at tuloy-tuloy ang pasok ng malakas at malamig na hangin.

"Magpatuyo ka muna, Aleksander—"

"I'm sorry, Harana. Hindi ko na sinabi 'to sa 'yo dahil para sa 'kin, hindi ko naman tinuloy 'yung pustahan kaya invalid na lahat nang ginawa ko mula sa umpisa. Kinausap ko na rin sina Jakobe at Nicos na ayoko nang ituloy ang pustahan dahil nakokonsensya na 'ko. Sinabihan ko silang tumahimik na lang din.

"Oo, kinulit pa nila ako at tinanong paulit-ulit kung... kung nadala na kita sa kama. But I never talked to them, again. Akala nila, dinadaya ko sila. I never told anyone about our private moments, baby, because that's exclusively ours. The first time we made love, I wanted and needed you so bad, Harana. Wala na talaga ang pustahan sa isip ko.

DHS #1: Burning SlowlyWhere stories live. Discover now