"Mananalo ka sa pustahan kapag na-ikama mo 'ko? Kapag nakuha mo ang virginity ko?"

Ang tagal na hindi sumagot ni Alek.

"Aleksander, ang mapapalalunan mo kapag na-ikama mo 'ko ay pera na gagamitin mong kapital para masimulan ang cassava farm mo?"

"Harana, I quit the bet even before—"

"Oo o hindi lang, Aleksander!" Pabulong subalit matalim na ang bawat bitiw ko ng mga salita. "Panalo ka sa pustahan kapag napaniwala mo 'kong may gusto ka sa 'kin at maangkin ako. Oo o hindi?!"

Alek groaned in frustration. "O-Oo..."

"Nakuha mo ang pera? May pang-kapital ka na?"

"No. None."

"Hindi mo sinabi kina Jakobe na na-ikama mo 'ko?"

"No."

Nangilid ang luha sa mga mata ko. "G-gusto mo ba talaga ako nang unang beses na umamin ka sa 'kin?"

"N-No, but—"

"Seryoso ka na ba ngayon?" Hindi ko mapigilang mapaiyak na ulit.

"Yes, baby! I'm real now! I'm sorry I started with bad intentions! I was just used in playing that I thought—"

"Hindi mo lang ako pinapasakay at ginagamit para masigurong tumaas ang grades mo? Para siguradong makaka-graduate ka?" Napahawak ako sa labi ko para mapigilan ang mapahikbi.

"No, no, no! Hindi ko kahit kailan naisip iyan, Harana!"

"Pero ikaw ang kumausap kay Miss L para sadyaing ako ang maging thesis partner mo?"

Napahinto na naman siya saglit.

"Aleksander."

"Oo, Harana. Iyon lang ang madaling paraan para makalapit sa 'yo—"

"Para sa pustahan niyo nina Jakobe?"

"Yes and no!" Sumigaw na siya sa kabilang linya. "I'm sorry for shouting. I'm s-sorry, baby..." nanginginig na ang boses ni Alek. "Hindi alam nina Jakobe na gusto ko talagang makalapit sa 'yo even without the bet."

"To bed me?"

"Well, yes! Pero hindi ko naman inaasahan na mahuhulog ang—"

"Hindi mo talaga ako gusto noon?"

"Mahal na mahal kita ngayon, Harana!"

Pumikit ako nang mariin para pigilin na ang mga luha sa pagdaloy. Kanina pa 'ko umiiyak. Hindi daw maganda 'yon sa baby...

"Totoo na 'to ngayon. I love you! Please don't hate me. Don't break-up with me. Hindi ko na kaya kapag wala ka, Harana! Ikaw lang ang naniniwala sa 'kin! Ikaw lang ang binigyan ako ng tsansang magbago!" Sigaw na naman ni Alek sa phone dala siguro ng matinding frustration.

Napahagulhol na 'ko. Hindi dahil sa sigaw niya, pero dahil naririnig ko ang katotohanan sa kanya.

I wanted to doubt him, but a part of me knows him deeper than this. That the fire he ignited in me was not to destroy me into ashes.

O nabubulag na lang ba 'ko ng matinding pagmamahal ko sa kanya at dahil kailangan ko rin siya ngayon?

"Harana, please believe in me, again. I'm sorry about the bet. I'm sorry that once, all I wanted was to bed you. I'm sorry that I thought you're just one of the many girls, until I found out you outstand them all!"

Umiyak na lang ako nang umiyak. Hindi ko na rin alam ang sasabihin ko. Pero mas nag-aalala ako sa kalagayan ko.

Hindi ko alam kung kanino sasabihin. Parang hindi ko pa rin buong matanggap na magkaka-baby na kami ni Alek. Gusto kong sabihin na rin sa kanya ngayon... pero...

DHS #1: Burning SlowlyWhere stories live. Discover now