Girls in the campus even stopped approaching Alek. Wala na 'kong narinig kay Gichelle at may boyfriend na raw na iba si Buena. Sa lahat ng dating babaeng na-link kay Alek (in and out of college), wala namang bumabalik. Napansin ko ring iwas sa babae si Alek na para bang nag-iingat siyang huwag akong magselos.

At saka, napansin ko palang hindi na rin lumalapit si Alek kahit sa kabarkada niyang sina Jakobe. O dahil ba busy lang ang buong block namin sa kanya-kanyang thesis?

Kinuha ni Alek sa 'kin ang sinandok kong mainit na sinigang na baboy. Ipinatong niya sa gitna ng lamesa ang malaking lalagyanan. Sunod ay ang kanin naman. Nakasimangot pa rin siya na parang ayaw sa sagot ko kanina.

Tumikhim ako at dinugtong ang naiwan pang mga salita sa puso ko.

"Pero kapag nawala ka sa 'kin, Aleksander, kahit matanggap ko sa huli... Hindi na 'ko magmamahal kung hindi lang ikaw ulit."

Napabaling siya sa 'kin at nalaglag ang panga niya. Nahihiyang ngumiti ako at binalingan ang hapag. Naglalagay na ako ng apat na baso sa lamesa ngayon.

"Can you repeat that, again?" he begged in soft whisper.

Inayos ko na ang mga kutsara't tinidor. Umiling ako. Medyo nang-aasar ang ngiti.

He groaned. "Babe, please say it, again. Please?"

Mas dumikit pa sa 'kin si Alek at hinawakan na 'ko sa braso. Pinaharap niya pa 'ko sa kanya, hanggang sa buong katawan ko na ang nakakulong na naman sa mga bisig niya.

"Isang beses ko lang sasabihin. Dapat tinandaan mo."

Pumikit siya at pinagtagma ang mga noo namin. "You always burn me so good, baby."

Napakurap ako. "Huh?"

Ngumisi siya at dumilat. Tinitigan ako nang diretso. I saw another kind of fire burning in his eyes, again.

"I already felt the heat with others, but you're the only one who can make me burn like this, baby. I hope you're aware of that."

Napapikit na lang ako nang sinakop ni Alek ang mga labi ko. Mas mainit niya 'kong hinapit, at umupo siyang tangay ako. Nakakandong na 'ko sa mga hita niya at hindi ko mapigilang tumugon din sa nag-aalab niyang mga halik. Nangunyapit pa 'ko sa mga batok niya nang sobrang higpit.

Sana alam din ni Alek na sa kanya lang ako paulit-ulit na mapapaso nang ganito kasarap.

Bumaba ang mga daliri ni Alek sa dibdib ko. Mas lumakas ang buhos ng ulan sa bubong, natakpan ang ungol ko.

At hindi ko alam kung sadya bang matagal talagang nasundo ni Itay si Inay sa mansyon...

Nagawa pa 'kong ipasok ni Alek sa sarili kong kuwarto, at uminit nang uminit ang tagpo sa pagitan namin. Kahit pa madilim, kabisado na ni Alek kung saang parte ng katawan ko ang kaya niyang pagliyabin!

Katulad palagi, hindi ko na naman makilala ang Harana na umuungol, mapaghanap, tumataas ang balakang, umaarko ang likod... Kapag naririnig ko ring umuungol si Alek, parang ang saya-saya ko.

Wala na naman akong nararamdamang hiya, ni konsenysya. Tinakbuhan na naman nila ako o hindi ko sila makilala.

I am burning slowly, but so passionately by the way Alek expertly loves every corner and inch of my fragile human body.

Pawisan kaming lumabas ng kuwarto, humina na ang ulan at wala pa rin sina Inay at Itay.

Nang bumalik na ulit ang kahihiyan sa 'kin, natulak ko na lang si Alek na malambing pang yumayakap sa 'kin. Naghihintay na kami sa hapag kina Inay at Itay.

"Iinitin ko na lang ba ulit ang Sinigang?" natanong ko kay Alek nang natikman kong hindi na ganoon kainit ang sabaw.

"Ako na lang ang painitin mo ulit."

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon