"I'm so excited! Plus, the De Haro brothers were giving intentions na mag-invest ng capital for may cassava farm! Matutuwa si Lolo sa 'kin, babe! Wala pa man akong written business plan for the farm, pero nakakuha na 'ko ng potential investors."

Dinig na dinig ko ang excitement sa boses niya. Pinatay ko na ang kalan nang masigurong luto na ang sinigang.

Humarap ako kay Alek at masuyo kong inabot ang pisngi niya. "I'm proud of you! Narinig ko kanina na ang ayos at ganda ng explanation mo ng mga plano para sa future cassava farm mo. Para kang nag-impromptu na business proposal."

Talagang may tinatagong galing si Aleksander Conrado. Again, he's not book smart but impressively creative!

"Kung sakali, isa ka sa may pinakamalaking ektarya ng lupaing magtatanim ng kamoteng kahoy. Magandang invest-an talaga para sa mga businessmen katulad nina Sir. Win-win situation iyon dahil alam naman ng halos lahat ng agriculturist at agribusinesses na napakalaki ng demand ng cassava in and out of the country."

Kinagat ni Alek ang ibabang labi habang mas lumalaki ang ngiti. Nakatitig siya sa 'kin.

"You'll be a big name someday, baby," he adoringly said to me. "Ang suwerte ng mga De Haro sa 'yo kapag ginawa ka nilang analyst. Baka puwede namang mag-sideline ka sa cassava farm ko? Hindi ko pa kayang magpa-suweldo ng malaki sa umpisa kaya katawan at puso ko muna ang ipambabayad ko sa 'yo."

Natawa ako at tinulak ng palad ko ang mukha niya. Natawa rin naman siya at iniwasan ang palad ko. Lumapat ang mga labi niya sa pisngi ko. Hinalikan ko rin siya sa pisngi nang manghingi siya.

"I love you," bulong niya. "Sana ganito tayo araw-araw, babe. Pakasalan na kaya kita pagka-graduate natin?"

Mabilis akong umiling. "Abutin muna natin ang mga pangarap natin. Tapos mag-ipon tayo unti-unti. Siguro naman, hindi mo gustong pera ng lolo mo ang gagamitin kapag kasal na tayo?"

Napapikit siya. "Damn, right. I won't be like my parents."

Tumango ako at hinawakan siya sa kamay. "Mas maging praktikal tayo, Alek. We love each other, but our feelings alone can't bring bread on the table. At saka, kung mahal natin talaga ang isa't isa, hindi natin hahayaang naka-base lang sa pakiramdam natin ang lahat ng plano natin sa buhay."

Nakatitig na naman siya sa 'kin. "You're so mature. Habang ako, iniisip ko kapag nawala ka sa 'kin, sira na pati kinabukasan ko."

"Huwag mo naman i-anchor sa 'kin ang future mo. Hindi na tayo mga bata, Alek. Hindi dapat umiikot ang mundo mo sa 'kin." Tumalikod ako at kumuha na ng mga pinggan, kutsara, at tinidor.

Kinuha iyon ni Alek at tinulungan ako sa paghahanda sa hapag. "Kapag ako ba ang nawala sa 'yo, hindi ka ba malulungkot?"

Napahinto ako at tiningnan ko siya. "Malulungkot... masasaktan." Kahit hindi naman totoo, parang naramdaman ko iyon sa dibdib.

"Sigurado, magmumukmok ako. Iiyak. Pero hindi habambuhay magiging ganoon ako," naisip ko. "Isang araw kailangan kong tanggapin na may mga bagay na nagbabago. Kahit ang pagtingin mo sa isang tao."

Napasimangot si Alek. "Basta ako, masisira ang buhay ko kapag nawala ka. Wala akong tatanggapin na mga ganyang bullshit." He firmly said!

"Alek, naman." Lumalabas naman ang immaturity niya. Pero, napangiti ako nang bahagya.

Oo, may kiliti rin akong naramdaman sa dibdib kasi halatang gagawin ni Alek ang lahat, huwag lang akong mawala sa kanya.

Pero ano namang posibleng mangyari para magkahiwalay kami ngayon? Mukhang wala naman lalo na't walang nakikialam sa 'min.

DHS #1: Burning SlowlyWhere stories live. Discover now