"Ang boring sa apartment mag-isa."

Sumandal siyang tangay ako sa mga bisig niya. Sinandig ko ang ulo ko sa braso niya at tiningala siya.

"Hindi mo pa nakakausap ang parents mo?" marahan kong tanong.

Mula nga nang pinalayas si Alek ng Daddy at Mommy niya, pinagtanggol naman si Alek ng Lolo niya. Ang ugat pala nang pagpapalayas kay Alek ay dahil nagkasagutan silang pamilya.

Sinubukang pagsabihan ni Alek ang mga magulang na sana'y tigilan na lang ng mga ito na magkaroon ng affair sa ibang tao dahil nakakahiya na.

Para na lang bumaba ang tensyon sa pagitan ng mga magulang at anak, pinatuloy muna si Alek sa apartment building na pag-aari naman ng mga Jaralve—relatives ni Alek sa mother's side. Malapit iyon sa CIC at talagang kada unit ay mga estudyante ang um-o-okupa. Doon muna siya hanggang sa matapos ang first sem.

Sa pinakamalaking apartment unit ng building nakatira si Alek. Ako ang unang pinabisita niya roon. Sa unang bisita ko rin, may nangyari sa 'min...

Nakakahiya ka na talaga, Harana! Maharot ka!

"Hindi naman ako gustong kausapin ni Daddy at Mommy. Kahit noong bata ako, halatang hindi ako gustong kausap ng mga iyon. Pinagtiyagaan lang siguro ako dahil hindi nila nakukuha ang allowance nila kapag nakita ng mga grandparents ko na pinababayaan ako." Tumawa si Alek pero nakikita kong may lumbay sa mga mata niya.

"Galit pa rin siguro sa 'kin si Daddy kasi sinabihan kong wala siyang kuwenta. Tapos nagalit na rin sa 'kin si Mommy kasi bakit daw biglang ginugulo ko 'yong tahimik na set-up nilang mag-asawa." Napailing-iling si Alek. Tumingala siya sa kisame.

"Nagpakasal lang talaga dahil nagkasubuan. Kung hindi nabuntis si Mommy, hindi iyon magpapatali. Lalo na siguro si Daddy. Ewan ko rin ba sa mga lolo ko at pinilit pa kasi nila. Dapat hindi nagpapakasal dahil lang nakabuntis, eh. Bahala na lang mapahiya sa maraming tao. 'Yun na lang sana ang consequence. Hindi 'yung nagpakasal nga, anak naman ang hiyang-hiya sa ginagawa ng mga magulang."

Nakinig lang ako kay Alek. Dahil sa nangyari, mas naging open na rin siya sa 'kin tungkol sa pamilya niya. At napatunayan kong ang dami pala talaga niyang hinanakit kaya ayaw niyang pinag-uusapan noong una.

Ngayon, mas naiintindihan ko na si Alek at kung bakit siya kumikilos na parang walang direksyon ang buhay noon. Kung bakit mabilis siyang magpalit ng mga babae at wala lang sa kanya ang casual sex.

Lahat ng iyon, nakita niya sa mga magulang niya habang lumalaki siya. Laging naririnig ni Alek sa paligid niyang hindi siya naiiba sa Daddy o Mommy niya, kaya iyon din ang pinaniwalaan niya.

Hanggang si Alek na lang ang mapagod at naka-diskubre kung anong mali sa ganoong klaseng buhay... Kung bakit hindi naman siya masaya...

"Nasisi pa tuloy ako kung bakit daw hindi naabot ni Dad ang pangarap niya. Si Mommy rin. They gave up their youth for me. So, bakit wala daw akong utang na loob at hayaan ko na lang sila kung saan sila masaya?"

Tumawa na naman si Alek at napailing-iling. Tagos-tagusan na ang tingin niya sa kisame. "Nakaka-gago. I never wished to be born. Sana kasi, gumamit silang condom! O kaya, pinutok na lang ako sa labas!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang may maalala. "A-Alek, paano pala kung... m-mabuntis ako?"

Ayokong putulin ang paglalabas niya ng damdamin pero hindi ko lang napigilang itanong iyon. Kung tama ang pagkakaalala ko, wala kaming ginamit na proteksyon noong unang beses. 'Yung mga sumunod, nagwi-withdraw lang si Alek. Tapos ay hindi naman namin napag-uusapan ang tungkol doon...

Talaga bang candidate ako for Summa Cum Laude, kung ganito ako kahangal?

Mula sa kisame ay mabilis na bumaba ang tingin ni Alek sa 'kin. "Hindi, nag-iingat naman tayo. Don't worry, babe. I'll protect your future."

DHS #1: Burning SlowlyWhere stories live. Discover now