Naiinis na 'ko sa sarili kong wala man lang ganang tumanggi! Hindi naman ako ganitong pinalaki ng mga magulang ko!

"Hara..." untag ni Alek sa 'kin. Hinaplos niya ang gilid ng leeg ko hanggang sa batok. "Please, babe? Please..."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Tatanggi na muna siguro ako.

"Aleksander, b-bago pa lang kitang boyfriend. N-Nakokonsensya na kasi... Isang linggo pa lang pero..." Nahihiyang napayuko ako. "Pero araw-araw na yata tayong..."

Napalunok pa 'ko. Ang rupok kong gumawa ng kababalaghan tapos ngayon, ni hindi ko masabi nang diretso!

Naninibago talaga ako sa sarili ko. Giving up my virginity to Aleksander Conrado lit a blazing fire inside me. And now it's always burning with desire for him...

My affection for Alek used to be pure, but now... Na-discover ko na at final na. Malandi talaga ako!

Patawad sa mga magulang ko! Patawad kay Calysta na lagi pa 'kong pinoprotektahan dahil napaka-inosente ng tingin niya sa 'kin.

Tapos ganito pala talaga ako!

"Don't cry, don't cry..." Parang nataranta si Alek nang napahikbi ako.

"I'm sorry! Hindi na 'ko mangungulit! I don't want to force you to make love to me if you don't want to. Sorry, baby. Sorry..."

Suminghot ako at tiningnan siya. "H-Hindi. W-Wala kang pinipilit sa 'kin. At doon ako naiiyak! K-Kasi hindi mo kailangang mangulit. Ang bilis-bilis ko laging bumigay. Parang hindi ako 'to. Ano bang ginawa mo sa 'kin, Alek?"

Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko. Tumulo na ang mga luha ko. Ramdam ko ring nanlalagkit na ang make-up na kaninang umaga pa nilagay.

Sa totoo lang rin, habang nasa kasalan ako kanina, si Aleksander ang iniisip ko buong araw.

Gustong-gusto ko rin siyang makita kaya nang nag-text siyang nandito siya sa bahay, napauwi agad ako.

"Sorry..." Dinala niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ang isa niyang braso ay yakap ako sa balikat habang ang isa ay nakapalibot na sa baywang ko. "Please, don't cry. Don't be ashamed, too, baby. Sorry, sorry. Susubukan kong magtiis. I'm sorry, Harana. Sabik na sabik lang ako sa 'yo."

Lalo akong naiyak dahil parang gusto ko siyang halikan sa sinabi niya. Nag-uumpisa na 'kong matakot sa sarili ko! Parang sinasapian ako ng kung ano.

"I love you, Hara..." madamdaming bulong ni Alek. Hinalikan niya ang buhok ko. "Let me see your face now."

Unti-unti kong binaba ang mga palad ko. Sira na siguro ang make-up ko at mukha na 'kong dugyot. Pumungay ang mga mata ni Alek nang magsalubong ang mga tingin namin. Inangat niya ang isang kamay at pinalis ang luha ko sa pisngi.

"N-Nasira na yata ang make-up..." Sinubukan kong lumingon sa salamin sa may sala namin pero hinawakan ni Alek ang mukha ko para sa kanya lang ako nakabaling.

Mabilis na dumampi ang mga labi niya sa labi ko. "Magkakaroon na lang ba tayo ng schedule?"

Napakurap ako at hindi ko naintindihan agad ang tanong niya. Pero nang nakuha ko ay hinampas ko siya sa balikat. "Aleksander!"

Ngumisi siya, tumawa, at niyakap ako nang mahigpit. Kulang na lang ay kumandong ako sa kanya para mas maging malapit pa ang katawan namin. Pero ayoko na at baka ako ang maging marupok. Baka siya ang mahila ko sa loob ng kuwarto ko at...

Nakakahiya ka, Harana! Malandi! Malandi!

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya habang yakap-yakap niya pa rin ako.

DHS #1: Burning SlowlyWhere stories live. Discover now