Best of Friends

2.9K 64 1
                                        

Year 2002

Dahil sa pagka-involve ni Borj sa maraming trouble, napagdesisyunan nina Lolo Miyong na dalin na lang sa Amerika ang kanilang apo. Hindi naging madaling desisyon at lalong hindi rin naging madali na kumbinsihin si Borj na pumunta ng ibang bansa.

Tatlong araw bago sila umalis, sa bar sa bilyaran:

Yuan: Pareng Borj, anong meron? O, tayong dalawa lang? Na-miss mo naman ako ng sobra.

Borj: (tumawa lang) Oo, pare, lagi na lang kasi si Missy ang kasama mo.

Yuan: Nagsalita ang lalaking kung magpalit ng syota ay parang nagpapalit ng damit. Pare, sayo ata nanggaling talaga yung ibig sabihin ng syota.. "short time". Haha!

Napailing na lang si Borj sa kadaldalan ni Yuan. Na-miss nya to... at siguradong mami-miss nya to.

Yuan: Hoy! Bakit ka nakatulala dyan? May bago ka na namang chicks.

Borj: Wala, pare. May naisip lang ako.

Yuan: Ano?

Borj: Yuan , hindi naman sasaktan ni Basti si Roni, no? Saka nandito naman kayo nila Tonsy para bantayan sya.

Yuan: Oh, paano biglang napasok si Roni dito. Saka Borj, kilala mo si Roni. Kahit wala tayo, kaya nya yung sarili nya. Saka takot lang ni Basti no.

Borj: Sabagay.. sabagay. Pero, pare, nag-aalala kasi ako minsan...

Yuan: Saan?

Borj: Alam mo na... Busy ka na kay Missy. Tapos si Tonsy, hindi ko alam. Hindi nyo naman pababayaan si Roni no?

Yuan: Borj, teka nga... ano ba nanyayari? Bakit biglang si Roni....

Napatigil si Yuan ng makitang seryoso ang mukha ni Borj. Matagal na rin bago yung huling seryosong usapan nila tungkol kay Roni. Hindi man sila nag-uusap, pero alam nya na isa si Roni sa mga dahilan kung bakit unti unti itong umaalis sa barkada. Hindi dahil na-out of place sya. Hindi dahil may kanya kanya ng ginagawa ang barkada. Sigurado, kahit lumubog lumitaw ang lahat, basta andun si Roni, hindi mawawala si Borj.

Ang tagal nyang hinintay tong oras na to. Itong oras na parang dati. Yung silang dalawa lang. Tsk. Akala ni Borj na kaya nyang lokohin ang lahat... nakalimutan nya na sya si Yuan....

Yuan: Ok ka lang?

Borj: Ok lang pare...Yuan...

Tumingin si Borj kay Yuan, pagkatapos tumingin sa malayo.

Yuan: Kuya, dalawang beer dito.

Borj: Iinom ka?

Yuan: Iinom tayo.

Kung saan saan napunta yung usapan... kung anu-anong sinasabi ni Borj. Naiiling lang si Yuan. Naalala nya si Roni, pag may gustong sabihin pero hindi alam kung paano. Yun, parehong pareho sila ng kaibigan nya. Natatawa sya pero may kaba... may sasabihin si Borj na parang hindi sya magugustuhan.

Borj: Pare, uwi na tayo.

Yuan: (Nagulat sya sa narinig) Uwi na tayo?

Borj: Oo, baka hinahanap ka na ni Missy, Pare.

Yuan: Ako'y tigil tigilan mo Benjamin Jimenez. Anong nangyayari? Anong gusto mong sabihin? Alam kong may gusto kang....

Borj: Susunod na ako kay Mommy! (Sabi ni Borj, napatingin kay Yuan sabay tingin sa malayo)

Yuan: Ano?

Borj: (Tumango) Nag-usap kami nila Lolo. Naisip nila na baka mas makakabuti kung pumunta na ako ng Amerika.

Yuan: Pare..

Borj: Pare, wag ka nga. Wala namang magbabago. Hindi na rin naman ako laging sumasama sa barkada. Naisipan ko lang na sabihin... Haha! Baka hindi na nga kailangan, kaya lang baka hanapin mo ako.. Alam mo na.

Yuan: (nakatingin lang kay Borj)

Borj: (Napayuko) Sorry, Pare. Sorry sa lahat ng gulo na dinala ko, saka sa lahat ng gulo na kinasangkutan ko. Alam ko naman kahit hindi ka nagsasalita, nag-aalala ka pa rin sa akin. Hindi na sana ako magpapaalam, Pare, kaya lang hindi ko kaya. Yuan, totoo na to. Aalis na ako.

Yuan: (Patagong nagpahid ng mata. Hindi nya alam kung anong mararamdaman) Ok ka lang?

Borj: Ok lang.... baka magtino ako, Pare pag lumayo ako. Haha!

Yuan: Hindi ka ba magpapaalam?

Napatingin lang si Borj kay Yuan. Alam ng kaibigan nya na wala na syang balak magpaalam sa iba. Pero kay Roni....Tsk.

Borj: Pinag-iisipan ko pa, Pare. Hindi ko alam.

Yuan: Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak mo. Magagalit yung dragon pag nalaman nya na umalis kang hindi nagpaalam.(Sabay tingin kay Borj, natatawa pero malungkot)

Borj: Hindi na siguro nya mapapansin.. Haha

Yuan: Kailan ang alis mo?

Borj: Three days from now.

Yuan: (Napailing sabay kamot sa noo)

Borj: Mami-miss kita, Pare.

Yuan: Same here, Pare. Same here.

End Game (Roni-Borj Story)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin