RIGHT PERSON, WRONG TIME

Start from the beginning
                                    

Tinitigan sya ni karylle na para bang nagtatanong.

Nginitian nya ito. Sumandal pa sya sa pader at nakapamulsa.

"Nandyan ako palagi sa computer shop dyan sa labas. Nag cocomputer lang ako kahit pwede naman ako mag online sa phone. Nag gagawa ako ng assignment sa computer shop while waiting you na makauwi ka. Binabantayan kita mula sa malayo. Pero napapansin ko na uuwi ka pa rin na mag isa." Seryoso niyang saad dito.

Nakatitig lamang si karylle sa kanya na para bang nag hihintay pa ito ng kasunod na sasabihin.

"Kapag alam kong uuwi ka na, nag oout na rin ako sa compshop. Sinusundan kita hanggang makauwi ka. Just to make that you are safe. I am not stalking you, Karylle kung yun ang iniisip mo."

"Thank you. I appreciate it. But you don't need to do that, vice. I can manage myself." Sagot nito sa kanya.

"Wala akong masamang intention sayo, Karylle. All I want is to make you safe."

"Ang pangit kasi tignan vice. I have a boyfriend, paano kung may makakita na sinusundan mo ko at malaman ni Jericho? Mag aaway na naman kayo?"Karylle. Sa tuwing mag papang abot kasi ang dalawa ay hindi pwedeng walang masamang tinginan na magaganap. Dahil mapang asar rin naman si vice ay hindi niya pinapakita na naiinis sya rito.

He chuckled, "sya lang naman ang gusto palagi ng away, Karylle. Para bang takot na takot sya sa akin, hindi naman kita aagawin. I just want to make you safe. That's all."

Hindi na muli pang nag salita si karylle tungkol doon at mukhang hindi sya mananalo. "Uuwi na ako, hinahanap na ako ni mommy. Please don't follow me."

"Okay. I won't." Seryosong sagot ni vice sa kanya at nauna na itong maglakad pa palayo sa kanya.

Nakatitig lang naman si karylle sa papalayong bulto ni vice. Hindi niya alam pero para rin syang nalungkot noong agad itong naglakad palayo at hindi nga sya sinundan.

Pag uwi niya ng bahay, sinalubong niya ng beso ang mommy nya.

"Ikaw lang mag isa?" Tanong nito sa kaniya. Tumango sya habang nakakunot noo.

"Wala si Jericho. Baka busy rin sa school nila." Hindi kasi sila same ng school ni jericho. Gusto kasi nito na mag criminology and exclusive ang pinasukan nito for criminology program.

Napansin nya na may tinatanaw si mommy nya mula sa labas, "sino hinahanap mo mommy? Wala nga si echo."

"Si vice. Wala sya. Absent ba sya ngayon?"

"Ha??"

"Hindi ka niya hinatid dito." Mommy nya. Tinitigan nya ito na para bang di sya makapaniwala.

"Hinahatid nya ako?"

"Oo. Nagtataka nga ako bakit nasa malayo lamang sya palagi. Pagka pasok mo dito sa bahay, saka pa lamang sya aalis. Nakita nya ako minsan na nakatitig sa kanya pero nag sign sya ng quiet." Paliwanag ng mommy nya.

Nag alis na sya ng sapatos habang nakaupo, "mommy, wag mo na iwait palagi si vice. Sinabi ko na wag na nya ako sundan. May boyfriend ako."

"Parang wala ka rin namang boyfriend. Tamang tama Echo ang pangalan nya. Nawawala rin paunti unti ang echo e." Pang babara nito sa kanya.

"Mommy?!"



"Di kayo okay ni K?" Tanong ni Erik sa kanya. Kumakain sila ngayon sa canteen ng school.

"Ewan ko. Sinabi nya nung nakaraan na huwag ko na syang sundan. Ginagawa ko lang naman yun dahil nag woworry ako. "

"Brad, may boyfriend sya."Vhong.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now