Prologue

4 0 0
                                    

Prologue

Enchanted Flower

Sa dulo ng hilagang bahagi ng misteryosong kagubatan, samyo ng hanging banayad, ang marahan na paggalaw ng mga maninipis na alapaap, ang paghalik sa sinag ng araw, ang tunog ng pag-sayaw ng mga puno, bulong ng ilog, at ang himig ng mga ibon.

Mainit na pagdampi sa aking balat ang mga nag-u-unahang tumulo sa aking pisngi ang mainit na likido. Mundong minsang hinangaan at pinaglingkuran, ngayon ako ay pinagkaitan ng kalayaan na matagal ko nang hinihiling sa puno ng Te Za Verdez.

Mainit na luha na nag-uunahang tumulo sa aking malamig na pisngi, ay siyang pagsalakay nang aalalang pilit kong binaon sa karimlan at kailaliman ng karagatan. Pero bakit ngayon? Unti-unting bumabalik na tila ba sariwa pa rin ang sakit ng nakaraan? Ano ba ang dahilan bakit ayaw ako tantanan  ng mapait kong kapalaran?

Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata, kasabay nang pag-aalala sa kahapong pilit kong binaon sa puso.

Tahimik akong nakikinig sa awitin ng mga ibon sa himpapawid, habang marahan na pinaglalandas ang mala-crystal at malamig na tubig ng hilagang batis sa aking balat.

Sariwa ang angkan ng mga lambana sa sariwang tubig at mga bigay ng kalikasan dahil sa regalo ito sa kanila, sa pagmamahal at pananatiling busilak ang puso. Nang mag-sawa na sa paglalaro ng tubig, ay bahagya kong sinubsob ang aking dalawang paa sa batis at hindi ko na napigilan ang aking nais.

Ang lumangoy at pansamantalang kalimutan ang mga pangaral ni Maestra Matilda.

Hindi ko namalayan na napatagal na pala ako sa paglangoy sa malamig na tubig ng batis, nang marinig ko ang mga sunod-sunod na yabag. Bahagyang umalerto ang aking sarili at inangat ang paningin sa damuhan.

Tumambad sa aking harapan ang aking kababata na si Hella. Isang lambana na anak ng isang Maestra. Mahilig siyang mamalagi sa mga kagutaban at kapatagan. Mahigpit na pinagbabawal sa amin ng dakilang Diyosa Tatiana, na maari kaming mamasyal, huwag lamang sa kagutaban ng mga puting lobo.

Mabangis at walang awa na pinagpapatay ang mga lambana na matigas ang ulo, at ayaw makinig  na huwag pumunta sa Nirvana, ang kagutaban. Ang aming kinatatakutan. Kahit na pinagbabawal, at labag sa tungkulin, nais ko pa ring pumunta sa kagutaban na iyon. Hindi ko alam kung ano ang tinitibok ng puso ko sa tuwing binabanggit ang kagutaban na iyon.

Tila ba may presensiyang humahatak sa akin papunta roon. Presensiyang nakakaubos ng lakas.

“Clementine  Aurelia,” tawag sa aking pangalan. Huminga ako nang malalim bago umahon sa batis. Ang aking kasing puti ng gatas na balat, kulay tsokolate na buhok ay kumikinang sa hampas ng sikat ng araw. Isang ngiti ang sumilay sa aking mapulang labi nang hatakin ako ni Hella. Hindi alintana ang basang damit ko. Tumingin ako sa sarili ko. Isa akong tao, bungod tangi sa kagutaban na iyon. Napapaligiran ng mga lambana.

Samantalang si Hella ay may berdeng balat, dahon o talulot para sa mga kuko at kuko sa paa, mga talulot ng bulaklak para sa buhok, mga mata na may kulay na bulaklak, at mga tainga na hugis dahon. Isang magandang lambana.

Ilang sandali pa ay tumigil na kami sa pagtakbo. Humihingal na napabulong sa hangin si Hella at ilang sandali pa umaliwalas bigla ang aming paligid. Tumambad sa aming harapan ang isang lawa.

Puting lawa

Ang mala-gatas na tubig na dumadaloy ay mas lalong kuminang nang sandaling i-apak ko ang aking dalawang paa sa lawa, ay siyang marahas na pag-lagos ng mga mababangong bulaklak.

“Hella? Anong nangyayari? Bakit nagbabago ang temperatura ng tubig?” tanong ko kay Hella gamit ang mababang boses ko. Hindi ito sumagot sapagkat ang kaniyang atensiyon ay nasa aking likuran. Nakaturo ang kaniyang hintuturo. Nanlisik ang kaniyang mga mata, habang naka-atras ang isang paa.

“Clementine!” sigaw nito na siyang dahilan para lumingon ako sa aking likuran. Hindi ko alam. Tila ba tumigil ang pag-lagos ng bulaklak, ang pag-agos ng tubig ng lawa. Ang himig ng ibon. Tanging katahimikan lamang ang siyang namayani.

Naramdaman ko ang ilang butil ng ulan sa aking balat. Nagsisimula nang tumulo ang ulan, pagkatapos ng mahabang panahon na tag-araw. Napako ang aking tingin nang sandaling makita ko kung ano ang nasa harapan ko.

Isang kaaway ang siyang tumambad sa aking harapan. Isang galit na galit na puting lobo na may halong konting itim ang balahibo ang siyang handang patayin ako. Tanging sigaw lamang ni Hella ang siyang narinig ko bago ako nawalan ng malay, ay siyang pagdampi ng puting lobo sa aking leeg at ilang saglit pa ay bumaon iyon.

Minarkahan ako ng kaaaway ko.

Isa akong taksil sa aming lahi. Kamumuhian nila ako, ipapatapon nila ako. Tama nga si Maestra Matilda. Isa akong sumpa, ang pagka-silang ko ay sumpa sa kagutaban na iyon. Sa aking huling lakas, ay narinig ko ang baritonong boses na bumulong sa aking tainga.

“You belong to me. This is not your home. Your fallen flower led me into you...”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trail of Falling PetalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon