CHAPTER TWENTY-SIX

Start from the beginning
                                    

"Hoy, gago! Napano ka?" Natatarantang tanong ni Kenzo.

I knelt on the tiles and vomited in the toilet bowl. I feel so bad today, almost everything I ate since yesterday I have vomited. Hindi naman panis ang kinain ko. Okay naman ang mga pagkain na binili na'min. Biglang lumapit si Kenzo at hinahagod ang aking likod.

"Panis ba ang pinakain mo sa akin?" I jokingly said.

He raised his eyebrow. "Bakit kita papakainin ng panis kung p'wede naman kitang lasunin,"

"Tangina mo! Wala kang kwenta kausap!" I said jokingly.  "Sobrang sakit ng pakiramdam ko."

Ilang minuto naging tahimik si Kenzo at malalim ang kaniyang iniisip.

"Alyzza. . ." Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa akin pero mukhang alam ko na ang nasa isip nito. Hindi. . .hindi pwede. Aalis na siya. Hindi pa kami ready. . .

Ayaw niya!

Umiling at tumayo pagka-flush ng toilet. Med'yo nilinis ko pa ang nasa gilid ng toilet para mas malinis. Naghilamos ako kaagad at nagtooth-brush na kaagad saka tuloy tuloy lumabas ng kwarto. Hanggang ngayon, alam kong nakasunod pa rin si Kenzo sa akin.

"Tinikman ko naman ang pagkain mo, pero hindi ako sumuka." Dahan-dahan niya sinasabi at nagiging maingat siya sa sinasabi niya.

I sat on the sofa, and hugged the pillow and was stunned, trying to deny something that never crossed my mind. My last sex, I forgot to take my pills, Shainny knows that. I'm not yet ready. . . Kerson, he doesn't want to have children first.

"Nasaan ang pills mo? Nire-remind kita uminom ng pills, Alyzza," saad niya.

"Naiwala ko. Ang alam ko, nawala ko siya sa tinuluyan na'ming hotel sa Manila,"

"Punta tayo sa OB Gyne mo. Sasamahan na kita." Nagaalalang sabi niya. Umupo sa tabi ko at tinatapik-tapik ang likod upang kumalma ako. He was trying to convience me but. . . Ako may kasalanan. Pilit ko tinatanggi sa sarili ko.

I looked at him, shook my head. "Hindi. Hindi ako buntis,"

"Alyzza Felix." He sighed. "Wala akong sinasabi na buntis ka, pre. Nagaalala ako sa'yo at para masigurado rin. Hindi na kasi normal 'yang nararamdaman mo."

Umiling ulit ako sa kaniya, iniwan siya nakaupo sa sofa. Dumiretso ako sa kusina upang magsalin ng tubig at ininom. Ramdam ko pa rin na nakasunod si Kenzo sa likod.

"Alyzza. . .what if 'yong nilabhan kong undies mo, hindi mo period 'yun baka-" I cut him off what he saying.

"Kulit mo 'no?! Hindi nga ako buntis, Zorence!" Iritableng sigaw ko.

"Sorry. . . Nagaalala ako bilang kaibigan mo. Para masigurado tayo, bibili akong pregnancy test kahit nakakahiya sa pharmacy." Saad nito. "Bibili lang ako, hintayin mo ako d'yan."

Halatang malalim ang kaniyang iniisip nang maglakad itong palabas ng bahay. Nang tuluyan na siyang makaalis, bigla akong nahirapan huminga at nahihilo. Mas sumama ang pakiramdam dahil sa dami kong iniisip ngayon sa utak ko.

Nang wala na siya sa paningin, dahan-dahan ako pumasok sa kwarto upang humiga. Hanggang ngayon, sobrang sakit at sama ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Paano kung buntis nga ako? Paano na ang anak ko? Lalaki siyang walang kilalang ama? Paano kami ng anak ko?

"Wala pa nga ako napapatunayan sa sarili kong Ina, gumawa na naman ako na hindi pinagiisipan. . ."

'Yan ang tanging huling kong sinabi bago ko ipikit ang aking mga mata. Sa pagmulat ko, nakita ko si Kenzo nakaupo sa study table at naririnig ko rin ang kaniyang hikbi, hindi malaman kung bakit. Ano'ng nangyari sa kaniya? Bakit siya umiiyak? 

Whisper of Virtouso (Love Material Series #2)Where stories live. Discover now