00:00

9 1 0
                                        


Nakatambay kami sa opisina ng gabing iyon, anim kaming magkakatrabaho. Alas diyes dapat ang uwi namin pero napagkasunduan naming tapusin ang mga natitirang gawain sa proyektong malapit na ang deadline. 


Habang inuumpisahan namin ang trabaho, unti-unti kaming nilamon ng katahimikan ng gabi.


Napagod na ang ilan sa aming kaibigan at nagpasya nang umidlip muna sa kanilang mga cubicles.


"Nico, pa-power nap lang ako. Check mo muna 'yung nagawa ko na, tapos gisingin mo lang ako after a while."

Tumango lang ako kay Geline.


Mas lalo pang naging tahimik ang opisina dahil tumigil ang mga kasama kong magtipa sa keyboard at magclick ng mouse. 


Marahil sabay-sabay silang nagsi-idlip. Dahil sanay ako sa puyatan, minabuti ko nang gawin ang mga tasks na dapat kong gawin para makauwi bago sapitin ng kinaumagahan.


Habang nagpapatuloy sa pagta-type sa aking keyboard, nararamdaman kong may kakaiba sa paligid, isang presensya na tila ba nakamasid mula sa dilim.


Naka-off ang lights sa office at tanging ilaw lang ng monitors namin ang nagpapaliwanag. Bago kasi kami magovertime, sinabihan na kami ng boss namin na huwag masyado mag-aksaya ng kuryente.


Yeah. Medyo kuripot na boss.


Pilit kong binabalewala ang kakaibang pakiramdam, hanggang sa napagtanto ko na ang oras ay saktong alas dose na ng hatinggabi. 


00:00


00:00 ito sa digital na orasan ng aming mga computers, bilang sinusunod namin ang military time.


Na-alarma ako nang bigla akong maramdaman na parang may humahampas ng paa sa likuran ko.


Alam niyo yung tunog ng paang kumukuyakoy sa kahoy na upuan? Ganoon ang tunog nito at talaga namang nakakainis sa tenga dahil nahihirapan ako magconcentrate.


Ang nasa isip ko ay baka isa sa mga kasama kong katrabaho ang lumilikha ng tunog.


 Iniwan ko ang aking workstation at sinundan ang tunog para pagsabihan ang lumilikha no'n.


Ang itsura ng office namin ay katulad ng tipikal na office. May kanya-kanyang cubicles at desk. Medyo kalakihan din ang kada cubicle kaya need mo pa tumayo kung kakausapin mo ang iyong katabi. Ang harang ng kada cubicle ay ka-level ng leeg ko.


Hindi rin back-to-back ang istilo ng cubicles namin dahil kada employee ay may designated drawers sa harap ng cubicle ng bawat isa para sa files at important documents.


Kaya ang mga katrabaho ko ay nasa hilera ko at wala sa likod ko.


Na-imagine nyo ba?


Naglakad ako patungo sa mga katrabaho kong natutulog. Nang makarating ako kay Ella,  natagpuan kong ang mukha niya ay halos naipit sa keys ng keyboard niya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Hauntly Office: Where Scares Punch InStories to obsess over. Discover now