Prologue

139 4 2
                                    

"I am so sorry, Aiah. It's just so frustrating. Pinilit ko naman. Nilaban ko eh, pero at the end of the day, I find myself palagi na talo. Sinaktan ko yung taong sobrang nagbago ng buhay ko. Tinuring ko na yun kapatid at Kuya ko. Sobra kong nirerespeto. Don't get me wrong. Hindi ko sinasabi na pinagsisisihan ko na minahal kita. Nandito na tayo eh.  What I'm saying is that, I cannot continue pursuing you, because of this situation. Nagegets mo naman ako 'di ba?" Lumuluhang paliwanag ni Stell. Bakas sa kanya ang pagod at pagka-frustrate sa mga nangyayari at ramdam na ramdam ko 'yun.

"Yeah. I understand your point, Tey. I do understand. Pero, ikaw mismo nagsabi sa akin na ilalaban natin ito 'di ba? Nangako ka sa akin eh. Ayan ka nanaman sa ugali mong urong sulong. Nung isang araw, okay pa lang tayo eh. Sabi mo, haharapin natin dalawa 'to, kasi nandito na tayo eh. Choice na natin ito. Ano nanaman 'to ngayon? Ang labo mo naman eh." Sagot ko sa kanya na naguguluhan na din sa sitwasyon.

"Tama na, Aiah please. Itigil na lang natin ito."

"Pero ayoko, Stell. Mahal kita e"

"Mapapagod lang tayo parehas "

"Edi magpahinga tayo. Hindi naman kita pini-pressure eh. Pinanghahawakan ko lahat ng mga sinabi mo sa akin, Stell. Iyon ang nagpapalakas sa akin eh. Yung mga assurance mo."

"No, Aiah, please. Ayaw na rin kita i-burden pa."

"Are you telling me stop? Stop waiting for you? Stop loving you?" Lumuluhang tanong ko at napatingin naman siya sa akin.

"Please, don't cry on me like that. Ayokong nakikitang umiiyak ka." Sabi naman niya at agad lunapit upang yakapin ako.

"Stell, alam mo ba gaano kasakit 'yang pinapagawa mo sa akin. Pagkatapos mong dumating sa buhay ko. Kung kailan na natututo na akong ngumiti at maging masaya ulit, pagkatapos mo ako turuan paano magmahal ulit. Heto ka ngayon, sasabihan akong tigilan ko na mahalin kita?"

"Mas makakabuti ito, para sa ating dalawa. Sa ating lahat"

"Paano yung mga pinangako mo? Wala na 'yun? Binura na lang agad? Nasulat na lang hangin? Iniwan na lang sa ere? Ganun ba?" Sagot ko sa kanya at pumiglas sa pagkakayakap niya.

"I'm sorry, Aiah. I'm sorry if I am not a man of my own words. I'm sorry. Pero, please. Let's just stay bestfriends. Doon naman tayo nagsimula e. I think we are much better being friends rather being in a relationship." Sagot niya habang nakatalikod sa akin.

Wala na. Wala na. Naubusan na ako ng rason para ilaban pa 'to. Napalunok na lamang ako. At napapikit.

"Okay. Kakalimutan ko na lang lahat ng mga sinabi mo. Kakalimutan ko na lang na may nangyaring ganito. Ibabalewala ko na lang lahat lahat ng pagmamahal na meron ako sa'yo. Sana nung una pa lang, sinabi mo na lang agad na hindi mo ako kayang panindigan, para sana parehas tayong hindi nahihirapan nang ganito. Pinaasa mo ako eh. Sobra. Kung kailan mahal na mahal na kita. Alam mo naman na lahat ng mga pinagdaanan ko when it comes to men. You know the pain that I've been through. Then, here you are. Just adding to it. Sana hindi mo na lang minahal pala. Sana hindi ka na lang umamin. Sana hindi na lang. Sana tinago mo na lang, kesa yung umasa ako. Pinasabik mo lang ako eh." Hindi ko na napigilan pa ang aking pagluha sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry, Stell. Kung nasasaktan kita ngayon sa mga sinasabi ko. Sobrang sakit lang talaga. Pero wag ka mag-alala. Never akong magagalit sa'yo. Mahal kita e. Pero, kung talagang hanggang kaibigan lang ang gusto mo. Okay. Irerespeto ko 'yon. Let's be friends." Sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha. At niyakap naman ako ni Stell.

"Thank you, Aiah. And I am very sorry. I know the word sorry cannot ease the pain na nararamdaman mo right now. Sorry kung dumagdag ako sa mga traumas mo. I am so sorry. Sorry talaga, hindi ko naman intensyon na saktan ka talaga." Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Okay na. Okay na. Let's stop this, and just start again as bestfriends." Sabi ko at pumiglas sa yakap niya. Sabay, nginitian ko siya.

"Bestfriends?" Sabi ko sa kanya at inabot ang ang aking kanang kamay for a handshake na maluwag naman niyang tinanggap.

"Oh paano? Uuwi na ako"

"Hatid na kita" Alok niya.

"No. I'll be fine may rehearsal pa kayo 'di ba? I can handle myself."

"Pero gabi na sa daan, magpapaalam ako Pablo."

"No, Stell. It's okay. Oh. and one more thing." Sabay hubad sa kwintas na suot-suot ko.

"I want you to give this to the woman na soon, willing ka na i-pursue. Doon sa babaeng, magiging matapang ka enough to pursue at mahalin" At iniabot ko nga sa kanya yung regalo niyang kwintas sa akin. It's a promise necklace na bigay niya sa akin after my birthday.

"Pero, Aiah, sa'yo na 'to"

"I don't think na may reason pa para i-suot ko 'yan, Tey. Bestfriend mo na lang ako ngayon, 'di ba?" Ngiting sabi ko at sabay talikod.

"Alis na ako. Bye" At tumakbo na palabas ng room kung saan sila nagpapractice.

3rd person POV:

Napatingin si Stell sa kwintas na nasa palad niya ngayon.

"Aiah. Sorry. Sorry talaga. Alam ko, napakaduwag ko. Pero, soon. Babalik ako. Mahal na mahal kita eh. Hanggang sa huli, alam ko ikaw pa rin ang gusto ko makasama. Hindi lang pa muna sa ngayon talaga." Naluluhang sambit ni Stell.

"Bakit hindi mo na lang sinabi kasi sa kanya yung totoo?" Nagulat ito nang makita si Josh.

"Josh"

"Maiintindihan naman ni Aiah, kung sinabi mo sa kanya na hindi ka pa talaga handa sa mga relasyon. Ang dami niyong pinagdaanang dalawa. Nabalewala lang lahat ng iyon, tapos hanggang ngayon, hindi pa kayo ayos ni Pablo."

Tila napahinga na lamang ng malalim si Stell. 

Hanggang Sa Huli - An SB19 FanfictionWhere stories live. Discover now