"KARYLLE?mahal na mahal kita diba alam mo naman yun?baklang bakla ako alam mo yan pero lahat binago ko para sayo.hahahahhaKARYLLE!ilabyu"Niyakap niya ako at nalungkot ako.

Di ako makapagsalita at inalalayan ko siyang tumayo.

"Vice mahal naman kita diba?lagi ko naman sinasabi sayo yun...diba?"hinawakan ko ang cheeks niya at pinilit kong ngumiti.

"Oo sinasabi pero pinararamdam?madalang..karylle pls pakisabi naman kung may problema oh.bakit ka late umuuwi? Di ko alam eh.saan ka ba talaga napunta? Kung ano anong project ba yan?"

"Vice sorry hindi ko naiparamdam un ngayon pero alam mo namang mahal na mahal kita diba?"umupo kami sa sofa at nahiga lang siya sa lap ko hanggang sa makatulog na siya.

Guilting-guilty na ako, bukas.. Bukas sa retreat ipapatigil ko na ang pagpapapanggap namin ni Billy i'll risk it for Vice. Sa totoo lang kaya ako pumayag sa kagustuhan ni Billy ay naipaliwanag na niya ang kapangyarihan ng tatay nito.kaya nang tatay niyang sirain ang career ni Vice. Ipapalabas niyang ng harrass ito ng estudyante lalo na at ipapakalat din nila na bakla si Vice. Mukhang gagawa pa sila ng kwento at isisisi ang sexuality ni Vice. Lalo na siguro pag nalaman ng mga ito ang tungkol sa amin.Tatambakan daw ng mga kaso si vice kahit daw hindi totoo yung mga yun.

kayang-kaya daw ng kanyang ama na ipalabas na nangyari yun dahil sa malakas na networking nito.nang maalala ko nanaman ito ay muli akong napaisip kung aamin nga ba ako.

Ayoko na dumating ang araw at pagsisisihan ko ito. Ayokong may mangyaring masama kay Vice.

Sinamahan ko siya paakyat ng kwarto at pinunasan ko na din siya at binihisan.

Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso at umayos siya ng upo.

"Kanina ka pa ba?"

"Naabutan kitang tulog na tulog sa salas bakit ka nag inom?"

Nagsinungaling ako dahil ayoko na malaman niya na alam ko yung hinanakit niya sa akin gusto ko siya ang magsabi sa akin.

"Kanina nandito sila Buern baka iniwanan nila ako."

"Vice?hon? mahal na mahal kita." Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan

Tumugon siya sa mga halik ko pero madalian din akong kumalas.

Hinayaan ko siyang makatulog ulit at nagstart na akong magempake para sa retreat namin bukas. Maaga kase ang assembly dahil nais ng mga organizer na 6:00 am palang ay nasa tagaytay na kami.

-----------------

Naalimpungatan si Vice at napabangon sa kama bahagya siyang napangiwi sa sakit ng ulo niya

Sa may lamesita naman nakita niya ang note ni karylle at gamot sa tabi nito.

"Papunta na akong Tagaytay para sa retreat. Pag-uwi ko babawi ako sayo promise. i love you Vice -K"

Ngumiti si Vice at naglakad palabas. Tinawagan niya agad si Archie.

"hello!!"
(Ang aga aga naman anu yun?)
(Sino yan archie--)
"Hello archie! May kasama ka ba diyan?"
(Wala! Mamaya ka na tumawag!*toot toot toot*)

Napailing na lang siya at tinawagan si Buern.

"Hello Buern kita tayo mamaya! Kontakin mo sila archie at sabihin mo lahat ng sasabihin ko sayo."

------

Maayos kaming nakarating ng Tagaytay.

Napakaganda dito. Malamig at sariwa ang hangin. Madami din kaming nadaanan na pineapple plantation.

Lalo na ng marating namin ang retreat house.we were instructed to stay quiet dahil kailangan daw namin mapanatili ang pagkasolemn ng lugar.

Madaming bulaklak sa paligid at ilang mga halaman. May mga maliliit din na cottages kaming nadaanan. Kailangan namin pumunta muna sa chapel para kausapin at sabihin sa amin ang house rules.

Buti na lang at magkakasama kaming magkakaklase at hindi nasunod ang unang plano na 3 lang bawat kwarto.

Ang mga babae ay sa cottage magstastay at ang mga lalaki naman ay sa dorm near the cafeteria.

Magkasama lang kami ni anne at natawa ako sa kanya.

"Anung nakakatawa ANA KARYLLE?"

"Mag reretreat ka ba o naglayas ka?"

Nakamaleta kase siya at may dala pa siyang malaking bag.

"Ewan ko sayo Ana karylle huhu inaaway mo pa ako . fYI unan po ang laman ng bag ko.

"Bakit di ba nainfom sayo na may unan naman ditey?"

Tumawa ako lalo at hinampas niya ako ng unan. Magkatabi ang beds namin at kasama namin ang ibang mga kaklase namin.
"Hi Lyzette! Hi Alyssa! Hi Kate! Hi Erika! Hi Joelyn!" Masaya kong bati at kumaway naman sila sa akin.

"Ui Karylle hinahanap ka ni Billy sa labas. Ang sweet naman ni Billy saglit lang kayong naghiwala namiss ka agad"Saad ni Aly sa akin ng makita ko siyang papasok ng cottage.nakita ko pa tong kinilig kaya napailing na alng ako.

"Ah sige salamat aly."ngumiti ako at lumabas.

"Ano yun?"

Mamaya pagkatapos ng activities mag-uusap tayo.

"Pero diba bawal mag wander pag curfew na ipapahamak mo pa ako . "

"Karylle yung pag uusapan natin tungkol sa pagpapanggap natin.pumapayag na akong itigil ito."

"Ano? Talaga?di mo ako niloloko?"

Napansin kong yunuko siya at nagnod.

Umalis na siya at pumasok ako loob ng cottage.

Anu man ang nais iparating ni billy hindi ko alam kung dapat nga ba akong maging masaya o hindi

------

✌🏼️

VICERYLLE 101Where stories live. Discover now