Sumakay kami galing Phase 1 papaunta sa bayan. Nilakad namin papuntang clinic at agad na sinabi ni tita Mamang ang dapat.

"Doc... ganito kasi-"

Pumikit ako ng mariin ng makaramdam ng pagkasuka. Gosh! Not here please! Wala na akong maisusuka pa! Na food poison ba ako?

Tinitigan ko si tita at pinapasok na siya ng doktor. Nakaupo naman ako sa mga upuan na nakahilera. Mayroon akong mga katabi at naghihintay rin na tawagin sila nang...

"Taho!"

Agad akong napaalerto ng marinig iyon! Dumaan iyon sa pintuan kaya agad akong tumayo para habulin iyon!

"K-Kuya pabili!" sigaw ko.

"Kuya!"

"Shit!" ang bilis nakalayo ng kuyang mantataho kaya tumakbo rin ako para mahabol siya!

"Kuya! Pabili po!" the excitement overwhelmed me when I finally reached him!

"Ay, sige po ma'am! Itong malaking baso po 30."

What?

Napaawang ang labi ko ng maalala na wala pala akong pera. Shit!

"Uh," nakita kong sinalinan na ako ni kuya sa plastic cup ng taho." Pero kuya yung' pera ko naiwan sa clinic. N-Nandoon po ang tita ko. Puwede hong...Ano..bumalik tayo doon?"

"Ano? Naku, miss...Pagod na ho ako. Nang ti-trip kaba? Ang ganda ganda mo naman kung nangtitrip ka. Huwag sana ganyan miss. Marangal akong naghahanap buhay!"

Napalunok ako lalo ng iatras niya ang baso ng taho. Gusto kong maiyak!

"H-Hindi ho! Andoon talaga ang tita ko."

"Tita mo nandoon pero ang pera??" galit na si kuya sa akin. "Naku, pasalamat ka maganda ka kaya hindi kita ipapahiya. Pero kailangan ko ng pera. Kung hindi ka bibili aalis nako ha."

"Kuya-"

"Bigyan niyo na ho siya. Ilang piraso ang gusto mo niyan?"

Halos manlumo ako ng makita si Douglas na nagbayad para sa taho.

"I-Isa lang!" medyo pasigaw kong turan sa kanya. Kinuha ko agad ang plastik cup ng taho sa kuya at inirapan ng bongga ito.

"See? I have money! May pambayad ako. Hindi sana kita mapapatawad kung hindi ako makakain nito." pinagalitan ko ang kuyang mang-tataho.

Pumikit ng mariin si Douglas at hinawakan ako ng banayad sa braso.

"Come on. Let's go."

Hinawakan niya ako pabalik sa clinic habang inuubos ko ang taho.

Habang papalapit sa clinic ay hindi ko maiwasan na hindi mapuna ang mga napapatingin kay Douglas. Kahit na nakasimpleng T shirt na kulay gray at pantalon ay ang lakas ng appeal niya. Naiinis ang loob-looban ko lalo!

"Diyos ko naman Sapphire! Mamamatay ako ng maaga dahil sayo! Ano iyan?-"

At napunta si likod ko ang kanyang titig. Unti unti siyang kumalma.

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka galing? Saan mo siya nahanap Douglas?"

"Bumibili ho siya ng..."

"Taho tita..." ngumiwi ako ng sabihin iyon. Wala nang natira sa plastik cup. Kinuha iyon ni Douglas at siya na nagtapon sa basurahan.

Napakamot sa ulo si tita at ginayak na kami sa loob.

Sa loob ay pinapasok ako kasama si Douglas. Nagtaka ako kung bakit naiwan sa labas si tita.

"Siya ba ang iyong asawa hija?" tanong ng OB gyne sakin.

Ob gyne... kinakabahan ako. Pero kailangan ko ang check up na ito.

"Hindi po."

Nangunot ang noo ni Douglas habang nakahalukipkip ngunit parang napakaamo niya ngayon. Ayaw niyang patulan lahat ng pasaring ko sa kanya.

"Ohhh, okay. Ngayon... we will have some test. Here.."

Kinuhaan ako ng ihi, dugo, at blood pressure. Nag antay kami hanggang sa lumabas ang ob gyne with papers in her hands.

"Ito ang result ng pregnancy test. If you would like to confirm it thoroughly... we can do an ultrasound right away."

Two red lines.

Napatayo narin si Douglas mula sa pagkakaupo sa gilid ko at nakita ang result sakin.

Ilang saglit siyang hindi makapagsalita. Malumanay naman na nakatingin samin ang ob gyne.

"You are pregnant miss Sapphire. Puwede tayo ngayon mag ultrasound sa kabilang room para makita natin si baby at malaman kung ilang weeks or months na siya."

Nasapo ko ang aking labi sa nanginginig na mga kamay ko.

"Oh my God..." napatingin ako kay Douglas at kinagat ang aking labi. Ang bilis bilis ng tibok ng aking puso ngayon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko!

"We'll have an ultrasound right now, doc." Douglas stern voice broke the silence. The ob gyne nodded and smiled.

"Hay! You two will have a beautiful or handsome offsprings.. Lalo kana miss. Grabe ang ganda mo." ngumiti siya ulit sakin habang ako ay umiiyak at tinaliman ng tingin si Douglas.

"Kasalanan mo to e!" sigaw ko sa kanya ngunit hinawakan niya lang ang kamay ko at nakapikit. Nakita ko kung paano niya ako doon hinalikan na nakangisi.

~~~

Hello everyone! Ngayong buwan napo matatapos sa aking VIP page ang Broken Chains (Montemayor Second generation) at masisimula na ang series two nito! Be part of my VIP reader for membership of 200php only! Marami kanang mababasa!

Note: monthly payment po ito kung gusto pa maging member! Meron rin akong 1 year membership na may 40% discount! Message lang po ako sa aking fb link below kung gusto magpamember. Ty!

https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Where stories live. Discover now