Simula

24 2 0
                                    

After.

"On behalf of Air Asia and the entire crew, I would like to thank you for choosing to fly with us today. We hope you have enjoyed your flight and look forward to seeing you on board again soon. If you have any questions or require assistance upon arrival, please don't hesitate to ask one of our friendly crew members. Have a great day. " Sabi ni Capt. Joey.

Naglakad ako para icheck ang mga passengers ng huling flight namin pabalik sa pilipinas bago kami mag landing.

"Hello ma'am. Kindly put your seat belt on?" Sabi ko nang mapansin na walang seat belt ang matandang babae.

We must check to see that everyone is buckled up in their seat belts and fully seated before we touch down at NAIA Airport. Para masiguro na walang magiging komplikasyon ang mga pasahero sa pagbaba ng sinasakyan namin na eroplano. Ngumiti ang katabi niyang ginang sa'kin bago binalingan ng masamang titig ang matanda niyang kasama.

"Si Nanay kase sabi ko wag tanggalin. Ang tigas talaga ng ulo!" Histeriya niya at napatingin ang ibang mga pasehero samin.

"It's okay ma'am. Ibabalik nalang po natin ha," Aniya ko at tinulungan ang matandang babae na ibalik ang kanyang seat belt.

Ngumiti ako sakanya ng bahagya at habang pinapanood niya ako na ilagay ang kanyang seat belt ay may puwang sa aking puso. She makes me think a lot of my lola. The way she looked at me with a smile and reprimanded her daughter for what she had said. Parang si lola lang kung paano niya din ako pagsabihan at paalalahan dati. Napabuntong hininga nalang ako para pigilan ang sarili sa pagiging emotional. Nasa trabaho ako at hindi pwedeng makita nila na malungkot ako.

"Salamat hija at napaka-buti mo." Ngumiti ulit ako sakanya at binalingan naman niya ito ng masamang titig ang katabi. "Hindi gaya ng katabi ko napaka maldita."

"Naku nanay! Paano akong hindi magsusungit e hindi kayo nakikinig sa'kin?!"

"Wala kang sinabi sakin!"

"Hay naku! Hindi ka lang nakikinig!"

"Maiwan ko na po kayo..." Ngiting sabi ko para maiwan na sila dahil mukhang mag-aaway pa nga.

Nang makita ko lahat ng pasahero na maayos at kompleto ay bumalik narin ako sa aking puwesto. Gaya nga ng dati ay nakakabingi at masakit sa tenga pagbaba ng eroplano. I've been working for three years and this is no more new to me. Kailangan mo lang kumain ng bubble gum o candy during take-off o hindi kaya ay lumunok ng tatlong beses para bumalik ang pandinig mo.

"Thank you for choosing us. Come again." Nakangiting sabi namin ng kaibigan ko na si Gela sa bawat lumalabas na pasahero.

They smiled at us and say 'thank you' too. Yung iba naman ay hindi na kami pinapansin dahil mukhang pagod sila sa biyahe at excited na umuwi. Nang makalabas na silang lahat ay nagsimula narin kami mag-ayos ni Gela. I was shocked when I saw a young child approached us. She had her hands behind her back and was beaming at us. She is presumably between the ages of 8 and 10. She had midnight-black hair that fell over her shoulders. Makapal ang pilik mata niya at meron mapupulang pisngi.

"Hello. I have a present for you two," Sabi ng bata samin. Nagkatitigan kami ni Gela bago ako yumuko para magtama ang tingin namin.

"What is it?" I asked smilingly. Inilabas niya ang tinatago niyang kamay sa kanyang likuran at inilahad sa'kin. Meron itong hawak-hawak na dalawang maliliit na toblerone.

"This is my small present for the both of you." She said while giving me and Gela her chocolate. "I just want to thank you for your hardwork today. That's all,"

"Ang sweet naman. Maraming salamat ganda pero nasaan ang mga magulang mo?" si Gela na umupo din sa tabi ko. Siya nalang kase ang natitirang pasahero na hindi pa nakakababa. Hindi kaya ay nawala siya at naiwan?

Ashes of Yesterday (Fueblo Rajente #1) Where stories live. Discover now