I don't even know why I wanted to cry. Everything's fine. Why am I crying? Hindi napansin ng mga tao ang pag-iyak ko. Bukod sa maingay na hindi maririnig ang mga hikbi ko, masyadong madaming nangyayari sa paligid para matuon sa akin ang attention nila.

Like I said, the more the merrier.

Bago kami makaahon sa pool ay dinaganan pa ako ni Oli ng isang beses dahilan para malubog ako sa pool.

"Para kunwari nalunod ka," tumatawa niyang sabi nang iahon niya ako.

"Anong kunwari tangama mo nalunod talaga ako!" Sigaw ko sa kanya sabay hampas at tinawanan naman niya ako.

Paakyat pa lang ako pag-ahon sa pool ay may nag-aabot na kaagad sa akin ng alak.

Kada hakbang may nag-aabot sa akin. Bago ako makalapit kay Kai ay hindi ko na mabilang kaagad ang shot na kinuha ko sa mga tao.

"So when you said you're gonna get wasted you meant you'll get wasted?" Tumawa niyang sabi sa akin and I kissed her.

"I love you. Sobra," nakangiti kong sabi sa kanya and she smiled back at me.

"Mahal din kita, sobra," nakangiti niyang sabi while tucking my hair behind my ear.

I want to cry.

Agad akong tumalikod sa kanya at kumandong nang maramdaman kong tutulo na ang luha ko.

Tahimik lang kaming dalawang pinagmamasdan ang mga tao nang biglang sumulpot si Kentaro sa harap ko.

"Happy birthday," sabi niya sa akin at nag-abot ng regalo.

"Shala may regalo," pang-aasar ko sa kanya at inirapan ko naman siya.

"Don't open it yet. Kapag wala na ako," naiinis niyang sabi nang sinubukan ko nang buksan ang regalo niya at sumimangot naman ako sa kanya.

"Birthday ko bakit nagsusungit ka pa rin sakin?" Malungkot kong tanong sa kanya and I saw guilt plastered on his face.

"Can you stop that?" Naiilang niyang tanong and I laughed.

"Kai, sama ka samin! Gusto ko rin ng water gun!" Pagyayaya ni Oli kay Kai at tumayo naman ako.

"Go ahead, enjoy," nakangiti kong sabi sa kanya at masaya naman siyang nanakbo palabas.

"Same old?" Tanong sa akin ni Kentaro nang umupo kami.

"Same old," sagot ko at sabay kaming bumuntong hininga.

"I think they really ruined us. I think we're beyond repair," mahina niyang sabi and I smiled softly as I watched Kai.

"I think so too. Nung dumating si Kai akala ko nagiging okay na, turns out I'm just casting my shadows towards her light," sabi ko at inabutan naman ako ni Kentaro ng alak na kanina niya pa hawak.

"Aga naman ng birthday tradition," natatawa kong sabi at ngumiti siya sa akin.

"To family," sabi niya.

"To us," sabi ko and we cheers-ed bago ubusin ang tig-isang baby version ng Alfonso na dala niya.

"Binati ka na?" Tanong niya and I smiled.

"Hindi pa ako nagbubukas ng phone," nakangiti ko pa ring sabi and he laughed.

"We're a bunch of losers," tumatawa niya pa ring sabi.

"I wonder, what could we possibly have done, for them to not want us? Why don't they want us, Ate?" Malungkot na tanong ni Kentaro and when I looked at him there's tears falling down his eyes.

This is the first time in a very long time that he called me Ate.

May mga tumulo ring luha sa mata ko na agad kong pinunasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon