Chapter 1

298 3 0
                                        

Dark POV

Walang mintis na pumasok ang bola sa loob ng basketball ring nang tumalon at mag shoot sa ere si Luis upang gumawa ng puntos.

Napatayo at nagsihiyawan ang lahat ng mga tao-kabilang na ako pati sina Clyde at Matthew- na nasa loob ng malaking gymnasium ng Clyva University dahil sa pagkabilib.

Dahil ilang segundo na lang at matatapos na ang kanilang laro at matatalo na sana ang team ng kaibigan namin si Luis ngunit buti na lang at malakas sa tyamba niya dahil nagawa pa niyang ipasok ang 3 points shoot niya dahilan upang malamangan nila ng dalawang puntos ang kanilang kalaban.

Umugong sa loob ng kulong na gym ang isang tunog na nagpapahiwatig na ang laro ay tapos na.

"Nice one Luis!" Sigaw ko sa kaibigan habang malakas na pumapalakpak. May maririnig ka pang pumipito gamit ang daliri.

"Good Job Luis!" nakataas sa ere ang hinlalaking sabi rin naman ni Clyde habang ang isang kamay naman nito ay naka lahad sa harapan ni Matt at naghihintay na sa ibibigay nito.

Napangisi ako at naglahad din ng palad sa harapan ni Matt. Nagpustahan kasi kami kanina kung sino ang matatalo, ang team ba ng kalaban nila Luis or ang team ni Luis, at kamalas-malasan ni Matt dahil talo siya, nagawa pa kasing ipanalo ni Luis eh.

"Ay yawa ka Luis talo!" Ika naman ni Matt sa iretabling boses na iiling-iling pa sa panghihinayang at napapakamot sa sariling sentido na dinukot ang wallet at naglabas ng sampung libo.

"Oh ayan! Ilibre niyo ako ng lunch dito ah!" Sabi pa niya.

Kinuha ni Clyde sa kamay ni Matt ang pera at bumilang ng hanggang limang libo pagkatapos ay ibinulsa iyon at patagilid na bumaling sa'kin.

"Ha! Ha! Easy money bro." Pangangantyaw ni Clyde kay Matt habang nakatingin pa rin sa'kin na tila ba inaaya rin akong sutilin namin si Matt bago niya inabot sa'kin ang share ko.

Natawa naman ako ng mahina at tatangu-tango ring inabot ang limang libo ko. "Tama, easy easy." Sang-ayon ko din naman.

"Tsk! Mababawi ko rin yan." Rebat naman samin pabalik ni Matt. "Tara na libre niyo ako ng lunch nagugutom na ako." Inaya na lang niya kami para nga mabawi niya raw ang natalo sa kaniya, idadaan niya na lang sa pagkain ng madami.

"Wait natin si Luis may awarding pa sila." Ika naman ni Clyde.

"'Wag niyo ng antayin, bwisit 'yon." Sabi naman ni Matt. Natawa kami pareho ni Clyde at sumunod na lang sa kaniya. Baka kasi umiyak pa siya.

***

"Eh? Akala ko ba sa restaurant tayo kakain?" Ika ni Matt habang nakatingala at nakatitig sa signage ng isang sikat na tapsilogan malapit dito sa university na pinagtuturuan ni Luis. Instructor kasi siya.

"Ano ka gold?" Both Clyde and I replied to him in chorus and decided to enter inside the tapsilogan.

Itong tapsilogan kasi ang napili ni Clyde na pagtanghalian namin. Gusto kasi niyang inisin si Matt at sumang-ayon naman ako because I wanna see him get pissed as well.

"Tingin na kayo ng bakanteng lamesa, ako na mag order." Pagpipresenta ko sa dalawa at pumayag naman agad silang dalawa kaya naman dali-dali akong naglakad papunta sa may counter at nakipila.

Pumwesto ako sa likuran ng isang babaeng hanggang balikat ko lang ang tangkad. For the reference. I'm 186 cm in height.

Naka hairbreadth sa dalawa ang maitim at May highlights na kulay purple ang buhok nito at naka hawi paharap kaya naman kita ko ang kinis ng batok niya. Naka jumper at white tee sa loob pa ito na pinaresan ng isang white flat shoes.

Medyo mahaba-haba ang pila pero buti na lang at mabilis din naman ang usad nito dahil ang babaing nasa harapan ko na ngayon ang umoorder.

"One sunny-side-up egg with bacon and ham po please and sa drinks naman po ay lemon tae." Order ng babae sa mababa at mahinhin na boses.

Hindi ko maiwasang hindi makinig at tumingin sa likuran ng babae dahil nasa harapan ko lang naman siya at cute siya sa paningin ko. So why not look at her right? Hindi naman crime ang tumingin.

"Bale 100 pesos po lahat ma'am." Sabi naman ng kahera na kumuha sa order niya. "Wait lang po." Ika naman ng babae at bumaling sa sling bag nito at dinukot ang wallet niya ngunit dahil medyo may kalakihan ang mga wallet nito ay sumama ang nude lipstick nito at nalaglag sa paanan ko.

Pinulot ko iyon at saka pinagpagan ng kaunti dahil medyo naalikabukan pagkatapos ay marahan kong kinalapit sa palikat ang babae habang naghihintay itong maibigay sa kaniya ang pasukli. I'm making sure na hindi siya mauoffend sa pagkalabit sa kaniya.

Tumikhim ako. "Umm.. Miss you accidentally drop your lipstick." Sabi ko ng hindi niya ako nilingon at ipinakita sa harapan niya ang lipstick.

"Oh!" Dinig ko namang mahinang aniya. Kinuha niya ito sa kamay ko at pumihit paharap sa'kin saka yumuko. "Thank you po." Magalang na sabi niya sa'kin kapag kuwan ay nag-angat siya ng tingin, dahilan upang makita ko ng malinaw ang mukha niya.

At hindi ko alam kung dahan-dahan nga ba siyang nagangat ng tingin sa akin or feeling ko lang nag slow motion.

Mataman kong pinagmasdan ang mukha niya. Medyo singkit ang mga mata nito, matangos ang ilong, medyo namumula ang mga pisnge at may mapula at plumb na labi. Naka eye glasses pa siya.

"Cute." Wala sa sariling naibilalas ko. "What?" Bigla ay tanong sa'kin ng babae, nakataas na ngayon ang kanang kilay nito.

Napaayos tuloy ako ng tayo at napatikhim to clear my throat. "I said will you please now move? Andoon na sa left side yung order mo. Ako naman na ngayon ang oorder." Sabi ko na lang.

Tinignan muna niya ako magmula taas hanggang baba at baba hanggang taas ulit bago ako tinalikuran at pumunta sa left side para kunin ang sarili nitong order. "Patricia here!" Lumingon siya sa isang may kaputihan ding babaicat naglakad papunta sa gawi nito at naupo.

'Patricia' sabi ko naman sa isip.

"Yes sir, ano pong sa kanila?" Tanong sa'kin ng kahera dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Kung ano pong inorder ng nasa harapan ko kanina, yun din po sa'kin tatlong servings po salamat." Sabi ko at inabot sa kahera ang three hundred.

***

"Kita ko yun ah." Sabi sa'kin agad ni Clyde ng mailapag ko sa lamesa namin ang inorder. "Yung?" Tanong ko naman habang inaalis sa tray ang pagkain namin.

"Yung babae, siguro pinupurmahan mo no? kaya natagalan ka." Sabi pa niya dahilan para mapangisi na lang ako at di na nagsalita pa.

"Ay, pinormahan nga niya pre." Sabi rin ni Matt at nagsimula ng kumain.

"Well she's cute." Sang-ayon ko naman sa kanilang dalawa at saka nakangiting sumubo na rin ng kanin. Pagkatapos kong ngumuya at uminom ng lemon tea ay hinanap ng mata ko ang kinaruruunan ng babae only to find out that she's also looking at me, sharply.

Kinindatan ko nga at ginantihan niya naman ang kindat ko ng isang mataray na pag gulong ng mga mata.

Imbes na ma offend at mainis sa ginawa ng babae ay mas naging masaya pa ako. Parang may kung anong lumilipad sa tyan ko dahilan para mapangiti ako.

Seducing HerWhere stories live. Discover now