Gusto ko maging pulis (Dagli)

3 0 0
                                        

Sabi ko noong bata ako gusto ko maging pulis kasi gusto ko humuli ng masasamang tao. Sa tuwing ako'y binibilhan ng aking ama ng laruang baril-barilan, hindi ko mapigilan na ipagmayabang ito sa aking mga kalaro at sisigaw ng "Itaas ninyo ang inyong mga kamay, napapaligiran na namin kayo".
High School na ako ngayon at pangarap ko pa rin maging pulis. Isang gabi habang ako'y pauwi, may nasalubong akong ale at napansin ko na may lalaking kaduda-duda na sumusunod sa kaniya, kaya agad kong silang sinundan. Nanlaki ang mga mata ko nang hablutin ng lalaki ang bag ng ale, dali-dali ko siyang hinabol at nabawi ko sa lalaki ang bag ng ale.

(Umalingawngaw ang serena)
(May mga dumating na pulis)

at biglang

Bang!

"Hindi 'yan ang magnanakaw". Sigaw ng ale
Kasabay ng pagbagsak ng aking katawan ay ang pagtilapon ng laruang baril-barilan na kanina lamang ay hawak-hawak ko habang hinahabol ko ang magnanakaw.

Gusto ko maging pulisStories to obsess over. Discover now