Noong unang panahon sa isang nayon may isang dalaga na nag ngangalang Chang'e siya'y may angking ganda at kabutihan ng puso. kaya maraming lalaki ang nag kakagusto sakanya. pati na ang diyos na si tibal ang diyos ng kalawakan at gubat ngunit ang dalagang si chang'e ay walang nagugustuhan na kahit sino man dahil siya ay sumasamba sa diyosang si Aphrodite.
Habang nag lalakad si chang'e papunta sa bundok ng balagbag kung saan sya nagdadasal para kay diyosang si Aphrodite.ay may mga lalaking nakamasid sakanya. Pati na ang diyos na si tibal ay isa rito siya'y gandang ganda sa naglalakad na dalagang si chang'e. hindi man makatarungan para sakanya dahil siya ay diyos at sadyang tao lamang si chang'e ay wala siyang pakealam at sinundan nya parin ito papunta sa kapilya ni Aphrodite. ngunit ang hindi nya alam ay nakatingin rin sakanya si Aphrodite at selos na selos ito kay chang'e dahil ito ay nagustuhan ni tibal kesa sakanyang diyos rin at nagkakagusto sakanya.
Isang araw nakita ni Aphrodite si chang'e na nag iisa at walang alinlangan nya itong sinumpa na maging isang kuneho at inakyat sa buwan at ito ay lumalabas kapag gasuklay lamang ang buwan.nang malaman ito ni tibal ay agad itong nagalit kay Aphrodite at agad niya itong sinugod sa kapilya kung saan ito nakatira. at pinagsisira ang mga gamit na nakikita. agad naman lumabas si Aphrodite at nilabanan ang kanyang minamahal ngunit sadyang malakas si tibal at natalo si Aphrodite unti-unti gumuguho ang kapilya ni Aphrodite dahil sa kanilang labanan. Agad na nawala ang katawan ni Aphrodite matapos ang kanilang laban. Agad hinanap ni tibal sa iba't ibang sulok ng lugar ang kaniyang minamahal na si chang'e ngunit wala siyang makita dito. hangang sa unti-unting lumilitaw ang malaking gasuklay na buwan sa kalangitan at siya'y napatingala at nakita niya dito ang mukha ni chang'e habang nakangiti sakanya. Agad na napaluha si tibal dahil sa nangyari sa kanyang minamahal. Kahit anong gawin nya pagbabalik sa minamahal ay hindi niya magawa dahil masyadong malakas ang sumpang ginamit ni Aphrodite.Kaya walang nagawa si tibal kundi pag masdan lamang ang buwan kapag gasuklay lamang ito.
WAKAS
