"Hindi po ako sigurado ma'am,kung gusto niyo po icheck ko muna sa tapos balikan ko na lang po kayo."

"Sure."

Napagdesisyonan ni Janella na mananghalian na muna sila at manatili ng ilang oras sa isla.Sa gitna ng kanilang pananghalian ay binalikan sila ni Danica upang ibigay ang impormasyon tungkol sa room na gusto niya.

"Hindi pa po available ang room sa ngayon.By Monday next week pa po magiging available ulit."

"Kindly reserve the room for me,Danica,once it's available.Magbabayad ako ng advance before kami umalis."

"Noted on that ma'am.Just look for me po,I'll accompany you sa front desk." Sabi nito bago umalis.

Nagpahinga muna sandali si Janella at mga kasama niya bago umalis sa isla.Pagkatapos niyang magbayad sa room pa pinareserve niya,naglakad lakad muna ito at doon niya nga nakasalubong si Emily.Nagkamustahan ang dalawa at naitanong nga ni Janella si Jane.
Ngunit maging si Emily ay walang balita sa kaniya.

"Hindi nga namin yon nakita ng ilang araw pagkaalis niyo.Akala namin sumama sa inyo,pero tinago yata yon ni Josh eh.Nagulat na lang kami nong nagpakita na ulit siya dito pero para magpaalam.Wala siyang ibang sinabi,
hindi rin nagkwento.Ganon naman talaga yon si Jane.Kung makakausap mo si Josh,sa kaniya mo lang talaga malalaman lahat." Ang tanging nalaman niya kay Emily.

Nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawa,
hanggang sa nagpaalam na si Janella sa kaniya dahil kailangan na muli nitong lisanin ang isla.Pagkabalik niya sa siyudad ay sinubukan niyang makahanap ng kahit anong impormasyon na magtuturo kung nasaan si Jane.Pinahanap din nito si Josh ngunit tila mailap ang dalawa sa kaniya.Kaya't sa ngayon ay wala itong magawa kundi ang maghintay ng isang buwan at humiling na sana'y magtagpong muli ang kanilang landas sa islang minsang nagdugtong sa kanila.

——————————————————————

MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN

Ang araw na pinakahihintay ni Janella ay sa wakas,dumating na.Galing man sa kaniyang trabaho,gingawa nito Ang lahat upang makapunta sa anibersaryo ng Sunshine's Island,at dahil malayo ang isla mula sa siyudad,inabot ng halos sampung oras ang kanilang paglalayag kasama si Ali na pinilit ni Janella na sumama sa kaniya.Parehong wala pang tulog ang dalawa at ilang araw ng puyat dahil sa kanilang bagong proyekto.Kaya't habang nasa yate,minabuti muna nila na magpahinga.

Palubog na ang araw nang marating nila ang isla.Agad gumising sa kanila ang naglalakasang musika,ang mga ilaw na parang mga bituin,
iba't ibang kulay ng mga banderitas na nakasabit,sari-saring putahe at inumin,higit sa lahat ay ang mga nagkakasiyahang mga tao na naroroon.

Pagkababa nina Janella at Ali kasama ang tito ni Janella na siyang nagmaneho ng kanilang sinakyang yate,ay kaagad silang sinalubong ni Danica at iba pang kasama nito.

"Welcome back po sa isla ma'am Janella!" Masayang bati ni Danica.

"I'm so happy to be back here,I suppose hindi pa tapos ang celebration?O baka nahuli na ako ng dating." Nakangiting sabi ni Janella kahit alam niyang hindi mauubusan ng kagalakang maiibibigay ang isla.

Masayang umiling si Danica.

"Papunta pa lang po tayo sa exciting part,ma'am Janella." Wika ni Danica.

Tumingin ito sa dalawang kasama ni Janella saka muling nagsalita.

"Hali po kayo,tamang tama't ilang sandali na lang ay maghahapunan na.Tinatapos na lang nilang ihanda lahat ng mga pagkain."

"Sakto!Gutom na rin ako.Ang sasarap pa naman ng mga hinahain dito." Salita ni Ali.

Sumama ang tatlo kay Danica na siya namang nagkukwento ukol sa mga kagananap at magaganap pa ngayong gabi sa kanilang pagdiriwang.Sinabi na rin ni Danica na inayos na ng staff ang kani-kanilang silid.

Message In A BottleOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz