Nataranta naman si mama at agad tumayo para yakapin ako sa likod.

"Wag ka ng umiyak anak, everything's gonna be alright. Kami ng bahala ng papa mo, right hon?" sabi ni mama bago bumaling kay baling kay papa na agad namang tumango. He reached for my hand to hold it.

"Ano ka ba ate? Ang ganda ganda mo para umiyak, cheer up" Lewis.

"Yeah, prinsesa ka ng pamilya tapos iyakin ka" Ate Caren said smiling brightly at me.

"Thank you sa inyong lahat but mama and papa, and to all of you, gusto kong malaman na I have my own plans na and I just need you to support it" I told them.

"Alright hija, go on, let us hear it" Papa said encouraging me.

"I'm going to states dad, I don't know if it's in Los Angeles, New York or Las Vegas. Doon na siguro ako magde-decide. I badly want to move on from him at hindi ko makakaya yun if nandyan sya sa paligid. I also wanna pursue better education. Sana wag kayong magalit kay Dwayne, parehas naming ginustong maghiwalay ng maayos, gusto ko sanang wala ng makakaalam kung saan ako magpupunta. We need this, we both need to grow, in two separate ways nga lang. Wag kayong mag alala sakin dahil may kasama naman ako na lumaki sa states, si Rain. Mapapagkatiwalaan sya kaya please let me do this on my own" mahaba kong paliwanag.

Sandali kaming nanahimik lahat. Lahat siguro sila ay ina-absorb yung sinabi ko, maybe nalungkot din sila ng malamang aalis na ko. Ito kasi ang unang beses na lalayo ako ng matagal sa bahay.

"But we will support you with all your financial need and expenses. No more buts Klaire, magulang at pamilya mo kami. We will support you anak" sabi ni papa.

"Tama at para mas mapanatag ang loob ko ay may hotel ang kuya mo sa lahat ng sinabi mong lugar, doon ka na mag stay kesa mag rent ka ng apartment" sabi ni Ate.

"Mas mabuti nga kung ganoon ang gagawin mo, maaalagaan ka ng staffs ko doon" dagdag pa ni Kuya Marvin

I just smiled and nodded.
I felt my mom kissed the top of my head.

Ashley's POV.

Ang tahimik nya this past few matapos himatayin ni Klaire. He is really in deep thinking lately. Di ko mawari kung nakokonsensya ba sya or what pero bukas na ang school festival, bukas din pala dapat ang 5th anniversary nila.

Don't get me wrong. Alam kong kontrabida ang tingin nilang lahat sakin, mang aagaw, b*tch, sl*t, malandi at kung anu-ano pa. Pero sa totoo lang, nagmamahal lang din naman ako.

1st year highschool pa lang ako nung makilala ko sya. I know di nya na naaalala yun pero kahit isang beses ay hindi ko nakalimutan iyon.

*Flashback*

"Okay guys listen! May inimbitahan ang principal natin para magturo sa inyo, Itong grupo na ito is getting quite famous na. Have you heard famous band of The Magnificent?" tanong samin nung trainer namin.

May school band din naman kasi kami.

Agad-agad na nagtilian yung ibang mga kasama ko, dahil pogi daw ang lead singer at bandmates noon at napakagaling ng bawat miyembro.

"Tama! Sila nga iyon, mula sila sa Walshein High School and we have them to teach us today, please welcome, The Magnificent" pagkasabi nun ni ma'am ay pumasok na ang mga ito.

Huling huling pumasok ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. He's emotionless, may messy hair sya at di man lang ngumingiti pero napakagwapo nya talaga .

"So guys, magpaturo na kayo sa kanila, enjoy the moment and please behave" sabi ni ma'am bago sya lumabas ng band room namin.

Nakita kong busy agad sya, Ang daming lumalapit sa kanya dahil ang cute kasi talaga nya kahit pa mukha syang masungit.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon