Prologue

1.3K 9 4
                                    

Prologue

Ako si Natalia Herra or known as "Aliah", isang bayarang babae. Hindi ako tulad ng mga babaeng makikita sa bar o sa kalsada na naghahanap ng kliyente. Kundi isa akong private prostitute. Oo, ganun nalang ang sabihin natin na isa akong private prostitute at dahil private, EXPENSIVE..

Half-Brazilian and half-Filipina ang lahi ko kaya alam mo na kung anong ganda ang taglay ko. Lumaki ako sa Pilipinas kasama ang lolo at lola ko. Iniwan ako ng magaling kong nanay pagkapanganak sa akin at nangibang-bansang muli. Isang pagkakamali raw na nabuo ako dahil hindi siya pinanagutan ng walang kwenta kong ama. Simula noon wala na kaming balita kung nasaan pa siya. Hindi na rin kami umaasa na babalik pa siya malamang may sarili na siyang pamilya o baka patay na.

Kung mabubuhay rin lang ako sa salita nang 'PAGMAMAHAL' ay sisiguraduhin ko nang may mapapala ako. Kung sa sarili ko ngang 'INA' wala akong natanggap na pagmamahal. Sa ibang tao pa kaya? Pwe!

Sa mundo ngayon bilang na lamang ang taong kayang magpahalaga sa salitang pagmamahal. Karamihan 'SARAP' nalang ang hanap nila. Bakit hindi natin ibigay? Napapakinabangan pa natin sila.

Hindi dahil sideline ko (oo sideline ko lang ito) ang pagiging private pross eh walang kwentang babae na ako. Nakapagtapos ako ng high school at kasalukuyang nag-aaral ng College. Oh ano ka? At working-student ako. Part time ako sa isang coffee shop malapit sa school. Ganoon kadalasan ang part-time job ng mga working-students.

Syempre dahil private pross ako, walang nakakaalam na ganun ang sideline ko. Tanging ang bessy ko lang na si Alessa ang nakakaalam.

Bakit private prostitute? Well I have a friend na GRO, siya yung nagtratrabaho sa bar. Pero alam ko ang rason kung bakit niya ginagawa yun. Laking pasalamat niya na meron siyang kaibigan na tulad ko na kayang intindihin ang posisyon niya.

Siya si Alessa. Breadwinner ng pamilya. May sakit ang tatay niya na TB dahil sa tigas ng ulo sa walang tigil na paninigarilyo simula noong kabataan pa niya. Ang nanay naman niya ay may edad na rin at hindi sapat ang extrang paglalabada para buhayin silang limang magkakapatid. Ang tindi nila diba? Sa hirap ng buhay nagawa pang magparami. Ayan sino ngayon ang nahirapan? Edi yung mga bata! Tsk tsk tsk

Napukaw ako sa interes na maging private prostitute dahil sa friend kong si Alessa. Malaki ang kitaan sabi niya pero hindi ko gusto ang mga rules sa bar kaya gumawa ako ng sariling rules at mas malaki ang kaya kong kitain kung isosolo ko ng gawa. Gamit lang ang taglay kong kagandahan.

As a private pross I have rules:
1. Pay first. 5k per hour.
2. No cigarettes..
3. No alcoholic drinks..
4. No brutal sexual actions.
5. Hotel venue only.

Yan lang naman. Prefer ko sa hotel dahil ano mang gawin ng mga mokong kong clients eh madali akong makahingi ng tulong. Unlike sa mga own places nila eh nasakanila ang loyalty ng security tss.. Hindi rin ako nagwoworry mabuntis dahil walang palya ang pagpipills ko. Kaya okay lang kung wala silang gamit na condom. Oh diba? Yummy! Mura pa nga yan kung tutuusin. Minimum ko yun, minsan yung mga client ko pa ang nagdadagdag 7k, 8k per hour. Iba na charisma ko! *hair flip*

Dahil sa malaking kitaan ko dito ay natutulungan ko ang inay at ang itay. Nasa probinsya sila. Simula ng lumuwas ako para 'mag-aral' ay nagpapadala ako sakanila dahil alam din nilang may trabaho ako dito. Syempre hindi ko nilalakihan ang padala mahirap na at baka magtaka sila pero wala akong palya sa pagpapadala ng pera sa kanila. Yun nalang ang tulong sa lahat nang utang-na-loob ko sakanila.

Tumutulong din ako sa gastos ni Alessa para sa pamilya niya. Kahit na tinatanggihan niya eh pinipilit ko parin. Dahil kung hindi rin sakanya eh wala rin ako sa ganitong kitaan.

Okay.. binigyan ko lang kayo ng background about sa pagkatao ko. Hindi pa yan ang start ng kwento ng buhay ko.

---
Author's:

My 3rd story! Hihi. Nag-eexplore lang ho! Patawad.. =D

Kung ayaw niyo ng mga ganito. Wag niyo basahin. Hindi naman ako namimilit. :P

REMEMBER!

I AM AN @amateurwriter_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE vs LUSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon