"Thank you, mahal na ata kita," pagbibiro niya. Bakit hindi mo pa totohanin?

"Gusto mo umupo?" Tanong ko sa kanya at umiling siya.

I think I might've pushed it too far.

"Magpapatuyo muna ako, baka ma-wet ka eh," sabi niya na ikinagulat naman ng buong pagkatao ko. What is going on?

Bago pa ako makasagot sa kanya ay bigla naman siyang binatukan ni Jay at napasimangot ako.

"Tangina ka, kaya ayaw ko ipakilala sa inyo mga bunganga niyo eh. Lalo ka na," masungit niyang sabi kay Kenzie pero imbis na magalit ay tinawanan niya lang ang kaibigan niya.

Is this how they bond? I don't like seeing her be treated this way. Kahit na magkakaibigan pa sila. It's in bad taste.

-

"So ano? Ano nangyari sa inyo ni Kenzie kagabi?" Tanong sa akin ni Claire.

"Hindi ko rin alam. Nag-aalala na nga ako eh," sabi ko sa kanya at nag-iba naman ang mukha niya.

"Why? Ano bang nangyari?" Tanong niya at bumuntong hininga ako.

"We did it, and I promise wala akong sinimulan. Siya nag-initiate ng lahat, kasi I don't want to take advantage," panimula ko.

"But?" Sunod ni Claire and I looked at her.

"But, earlier hindi na niya ako pinansin. While we're having breakfast. Saka nung nagpaalam, hindi niya man lang ako tinitignan. Do you think I offended her? Or it felt to her na I was forcing myself onto her?" Napapraning na tanong ko kay Claire at umiling naman siya.

"That's absurd, baka may hangover lang. Don't overthink it," sabi niya at tumango na lang ako sa kanya kahit hindi ako convinced.

Iba kasi 'yung tingin ni Kenzie eh. She looked at me like she was afraid of me, like she was terrified of me.

-

It's been months since our last interaction, we never had one again after that. I thought it was my chance to be with her, guess I thought wrong.

I see her from time to time sa campus. Maganda pa rin, wala namang pinagbago. But she wasn't smiling. Para lang siyang laging nabibigatan at nahihirapan kapag nakikita ko siya. It's so hard seeing her that way, but I guess it's better to see her like that than not see her at all.

"Kai, mabait ba sila?" Tanong sa akin ni Suzy habang ikinakawit ang kamay niya sa kamay ko. I didn't react dahil wala namang malisya sa akin.

"Yeah, I guess they're okay," sabi ko, Pertaining to Jay and his friends. Nagyaya sila ngayon na tumambay sa unit ni Jay and it's Kenzie's first time to join us kaya kahit pagod na pagod ako galing practice, pinilit kong sumama. I need this. I need to talk to her.

Bago dumiretso sa condo ni Jay ay tumigil muna kami sa isang store kung saan nagpaluto sila ng mga pagkain. I think they know the owner since kung itrato sila parang sila ang anak.

Inaabangan kong bumaba si Kenzie sa sasakyan pero hindi naman siya bumababa.

"Uy si Kenzie! Hello!" Sigaw ni Claire at noong dapat titingin na ako kay Kenzie ay bigla namang hinawakan ni Suzy ang mukha ko at iniharap sa kanya.

"Look at me. Am I pretty?" Tanong niya habang nagpapacute pa pero tinanggal ko lang ang kapit sa akin tinignan si Kenzie pero sarado na ang bintana ng sasakyan.

"Ano ba 'yan, Suzy!" Pagsusungit ko sa kanya. Minsan na nga lang ako makakasilay.

Paalis na kami nang biglang bumaba si Kenzie sa sasakyan ni Oli.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now