CHAPTER 3: I DONʼT CARE!

ابدأ من البداية
                                    

“Pasok ka.” Nakangiti niyang sabi. Binuksan niya nang malaki ang pintuan para makapasok ako. Sinuyod ko ng tingin ang loob ng condo niya.

Kalahati lang ito ng kwarto ko.

Talaga ba? Nakatira siya sa ganito kaliit na silid?

“Have a sit.” Itinuro niya sa akin ang sofa. Pag-upo ko saka ko lang napansin ang bisita niya.

“Hi. Iʼm Annissa, and you?”

Naalala ko ang nakarehistrong pangalan ng tumawag sa cellphone ni Nerea.

Siya pala 'yon.

Maganda rin siya. Di ko lang alam kung model din ba.

“Iʼm Robyn.”

Inilahad pa niya ang kamay sa akin. Ilang segundo kong tiningnan 'yon bago ko inabot. Hindi kasi ako nakikipagkamay sa kahit kanino. Ngayon lang din ako nakipag-usap ng ganito kalapit sa hindi ko kakilala. Mga kaibigan ko lang ang kinakausap ko na dalawa o tatlong dipa ang agwat.

“Naikwento ka na sa akin ng bff ko. Gusto kong magpasalamat sa 'yo dahil sa pag-rescue mo sa kanya kahapon. Wala ako noʼng oras na 'yon. But donʼt you worry, from now on, you belong to the circle. So, if ever the press or paparazzi talk to you...you can say that we are friends,” sabi niya na hindi ko naman maintindihan kaya tinanguan ko na lang.

Maya-maya ay lumapit na si Nerea. Naglapag siya ng maiinom at Brazo de Mercedes. Pagkatapos ay naupo na rin sa tabi si Annissa. Hindi ako gaanong makatitig sa kanila. Nasa tapat ko sila. Sanay akong makipagtitigan sa tao pero ewan ko kung bakit tumitiklop ako kapag kaharap ko si Nerea.

“Na-starstruck ka ba?” tanong ni Annissa. Nahagip ng mata ko ang pagsiko sa kanya ni Nerea.

Bago ko pa malimutan, kinuha ko na sa bag ko ang cellphone niya. Maingat ko itong iniabot sa kanya. Hindi ako nagdadala ng bag pero dahil sa cellphone na 'yon, nagawa ko. 'Yon lang din naman ang laman ng bag ko kaya pwede ko nang itapon ang bag pagkauwi ko.

“Thank you. Akala ko talaga ay nawala ko na. Mabuti na lang at sa kotse mo naiwan,” tuwang-tuwa na sabi ni Nerea.

Kumabog naman ang dibdib ko. Para akong nakapagligtas ng napakahalagang gamit niya. Ganoʼn pala kahalaga sa kanya ang cellphone na 'yon. Hindi ko maintindihan, kasi ako, kapag naiinis kay Constance, ibinabato ko lang ang cellphone ko at kapag nasira ay bumibili lang uli ako ng bago.

Inabutan ako ni Nerea ng baso na may juice. Napaangat ang tingin ko sa mukha niya. “Uminom ka muna.”

Kaagad kong kinuha ang baso sa kamay niya kasi naisip ko na baka mangawit siya agad. “Thank you.”

Muli niyang ibinalik ang tingin sa cellphone. Nawala ang pinipigilan kong ngiti sa sinabi niya. “Baka tumawag si Peter.”

Gusto kong pigain ang basong hawak ko hanggang sa madurog.

Sabay-sabay kaming napatingin sa nakabukas na TV na naka-hang sa wall. Ibinabalita roon ang kotse ko na pinaliligiran ng mga paparazzi kahapon nang ihatid ko si Nerea.

Grabe naman. Nasa balita agad? Ganoʼn ba siya kasikat?

“Thatʼs your car, isnʼt it?” tanong sa akin ni Nerea habang nakaturo sa TV. Tinanguan ko siya. “Did you use it again today?”  Tinanguan ko uli ang tanong niya pero ngayon ay nakangiti na ako. Napasapo siya ng noo at umiling. “Iʼm sorry. Nadadamay ka sa problema ko.”

“Anong problema? Masama ba ang maghatid ng gamit mong naiwan?” kalmado kong tanong.

Pero bago niya sagutin, mukhang sinagot na ng nagbabalita sa TV. Kaya pala ako dinumog ng mga paparazzi kahapon ay dahil inaakala nilang ako ang third party sa paghihiwalay nilang magdyowa.

To capture my wife's heart حيث تعيش القصص. اكتشف الآن