"Sana all pinapalakpakan," bulong ni Oli sa tabi ko.

"Papalakpakan din kita donchuwori," pang-aasar ko sa kanya at umirap siya.

"Anong oras next exam niyo?" Tanong ni Claire pero walang sumagot sa kanila at tinignan naman ako ni Jay.

"In 30 minutes," pagsagot ko at ngumiti naman si Claire.

"You tired na?" Tanong ni Kai at umiling naman ako bago isandal ang ulo ko sa balikat niya.

"YEEES!!" Biglang sigaw ni Eli habang nagsasayaw kaya natahimik ang buong cafeteria.

"Minove ng dalawang prof yung exam sa January," sabi niya at pumalakpak naman kami.

Nakakatamad na rin mag-exam eh.

"Hanggang anong oras pa practice mo?" Tanong ko kay Kai.

"Until 7," sabi niya na parang nalulungkot.

"Can we watch?" Tanong ni Oli at napatingin naman ako sa kanya.

"Pwede naman, but you guys might get bored," sabi ni Kai at pumalakpak si Oli.

"Bakit ako mabobored e andon crush ko?" Sagot niya at napalingon kami sa kanya.

"Si Faye?" Tanong ni Ady at namula naman ang tenga ni Oli.

"Ay may crush kay Kai yon diba?" Biglang singit ni Che-che. Oh diba. Unti-unti ko na silang nakikilala.

"Oo, yun palagi nagpapapansin kay Kai," sagot naman ni Suzy at tumingin sila sakin.

"Sana masaya ka na sa ilang taong pagsilay mo kay Faye dahil huling araw na niya sa mundo," pagbibiro ko at nagtawanan naman sila.

"You're cute," nakangiting sabi sa akin ni Kai at hinalik halikan ako sa pisngi.

Paano ka mabobother sa mga nagpapapansin kung sayo nagpapapansin, diba? Nako naman. Ako na 'to.

Kumain lang kami tapos ay nagyaya na si Kai sa studio nila. Akala ko nga sa field ulit yung practice nila.

"Kumpleto na?" Tanong ni Kai pagpasok niya sa loob at umiling naman yung iba.

"Naks, may watchers," sabi ni Kuya Psy. Siya ang pinakang coordinator/choreo ng dance troupe ng school pero ang alam ko mostly sa mga executives and costumes na ang hawak niya. Si Kai na talaga ang mismong lead ng choreo.

"Aba, andito pala yung dalawang nakalimot," Sabi niya pa at tinignan kami ni Oli kaya naman napatingin din ang ibang tao sa amin.

"Wag na 'yan! Mga nang-iiwan naamn yan," Pang-aasar ni Spencer.

"Balik na ba ako? Baka miss niyo na ako," sagot naman ni Oli sa kanila.

"You were a member before?" Tanong ni Kai sa akin at tumango naman ako.

"Hindi ko ba nasabi sayo?" Tanong ko at natatawa naman siyang umiling.

"You still never fail to surprise me," nakangiti niyang sabi sa akin.

"Mackenzie Blancheeeeee!!!!!" Tili ng isang babae at agad naman akong napalingon.

"Crisel Jennicaaaaaa!!!" Tili ko rin at nanakbo papunta sa kanya para yumakap.

"Ano na! Bwisit ka! Sabi mo babalik ka?" Tanong niya sabay hampas sa akin at tinawanan ko naman siya.

"Sorry. Di kasya sa schedule ko eh. Busy na ako mag-inom," sabi mo at tinawanan naman niya ako.

"Ganyan yan, nangangalimot," sabi naman ng sumulpot na si Kenjie.

"Sino ka ba kasi?" Tanong ko rito at nag-walk out naman siya while flipping his imaginary hair.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now