Nang makaalis na ako sa field ay inilabas ko na ang phone ko at nag-text kay Kai.

I lied

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I lied. I'm sorry. Hindi ko rin alam gagawin ko eh. Ang alam ko lang hindi ko kayang makasama ngayon si Kai. Akala ko lumayo na siya, bakit sila magka-hug? Pano 'yon?

Tangina. Binabalik na naman ako sa kung nasaan ako dati. Punyeta naman.

I immediately went to the basketball court at naaubutan ko naman silang nag-practice sa court

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I immediately went to the basketball court at naaubutan ko naman silang nag-practice sa court.

"Hi, Tenz!" Pagbati ng teammates ni Kentaro nang makita niya ako at ngumiti naman ako sa kanya.

"Aba, ngayon ka na lang ulit nagpakita rito ah," bati sa akin ni Paolo. Isang teammate ni Eli at tumabi sa akin.

Ngumiti ako sa kanya nang abutan niya ako ng Mule.

"Training niyo na umiinom ka pa rin?" Natatawa kong sabi sa kanya at nakitawa rin naman siya sa akin.

Paolo is one of Eli's friends besides us. Minsan, nakakasama rin namin silang uminom, and just like us, Paolo grew up with us. Hindi nga lang siya kasama sa circle namin, but I can say that we're also close. Hindi nga lang ride or die.

"Alam mo naman ang buhay, pinapahirapan kang maging mabuting tao," dismayadong sabi niya at tumango ako.

"Right? Ginagago pa rin tayong dalawa. After 21 years," sabi ko sa kanya at tumango siya.

"Baka ito na talaga tadhana natin," sagot niya at inubos ang iniinom na Mule.

"Kamusta si Kentaro?" Tanong ko sa kanya habang nagbubukas ng bagong Mule.

"Ganon pa rin. Mainitin pa rin ang ulo. Pero gets naman. Kupal din mundo sa kanya eh," sagot niya at tumango naman ako.

"Sabi ko nga kahit akin na lang lahat ng kakupalan, wag na si Kentaro. Kaso ayaw. Kahit anong dasal ko, wala nakikinig," tumatawa kong sabi sa kanya at inubos na rin ang ibinigay niya.

"The sky is empty, Kenzie. No one's listening up there," mahina niyang sabi at inabutan ako ng panibagong inumin.

"You're right. No one's up there," mahina kong sabi sa kanya.

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon