"Baka ganon kapag masaya kayo ng pamilya mo. Lahat need i-celebrate," sabi pa ni Ady.

"Oo, tignan niyo kay Kenzie. Lagi natin cinecelebrate ang huling beses na naihi siya sa kama," sabi ni Eli at sinimangutan ko naman siya.

"Lintik ka ang lakas pa ng boses mo pinagtitinginan tayo ng tao!" Sermon ko sa kanya at tinawanan niya lang naman ako.

"Nasan si Kai?" Tanong ni Oli nang matahimik sila kakatawa sa akin.

"Ewan, nandon kila Claire," sabi ko at itinuro si Kai na tumotore sa mga kaibigan niya. Ang tangkad ba naman eh.

"Kayo na ba?" Tanong sa akin ni Oli.

"Hindi," sabi ko at nagtinginan naman sila.

"Ikaw na kasi magtanong, pride mo kasi eh. Ano ilang bwan na hanggang ngayon magkausap lang kayo? Wala kayo label? Ano ka bagets? Tumatanda ka na," pagsesermon pa sa akin ni Oli at tinignan ko naman sila Eli na pinagtatawanan ako.

"Bakit ako makikinig sa 'yo e wala ka ngang jowa?" Pambabara ko sa kanya at nagtawanan na naman sila pero ngayon ay mas malalakas kaya nagtinginan ang mga tao sa amin.

"Bastos ka talaga. Kapag ako nagakaron ng jowa," pagbabanta niya.

"Ilang taon ka nang umaamba ng ganyan mo, virgin ka pa rin," sumbat ko sa kanya at binatukan niya naman ako.

"Hindi ako 'yon tarantado," tumatawa niyang sabi at napatingin naman ako kay Ady na nangingilid ang luha.

"Hala! Sorry!" Sabi ko sa kanya at bigla naman akong nabunggo.

"Ano ba 'yan, tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Halata ka eh," masungit na sabi sakin ng isang babae.

"Halatang ano?" Sagot ko pabalik sa kanya kaagad at natigilan naman siya. Akala niya ata hahayaan ko lang siyang umusap nang umusap.

Hindi naman ako salbahe para pabayaan siyang umusap mag-isa.

"Halatang nagpapapansin ka sa boyfriend ko eh," sabi nito at napatingin naman ako sa sinasabi niyang boyfriend niya at napatawa ako.

"Ate naman, ikaw nga hindi ko type, boyfriend mo pa? Iyong iyo 'yan hindi ko aagawin bayag niyan," sabi ko sa kanya at sumimangot naman siya sa akin bago hampasin yung kasama niya.

Pag-alis nila ay binatukan naman ako ni Oli.

"Napaka salbahe nito, di mo na lang sinabing pangit boyfriend niya. Pati siya sinabihan mo pang pangit," sabi nito at umirap ako.

"Mukha kasing tanga. Sa ganda kong 'to mukha ba akong magpapapansin sa ganong mukha?" Iritado kong tanong at tumango naman sila.

"Mayabang na 'to mga pre. Naliligo na eh. Alam na niyang maganda siya," tumawa na namang sabi ni Eli at umirap ako.

"Bwisit kayo, di na kayo nakakatuwa," sabi ko sa kanila at pinagpapalo sila.

Natigil kami sa mga curtain part habang namimili si Claire at nakatayo lang kami sa likod niya na parang alalay.

I don't like this.

"Claire, do you need us here?" Biglang tanong ni Jay kay Claire at natigilan naman kaming lahat. Sabi na eh.

"Why?" Sagot ni Claire sa kanya without any expression.

I looked at Kai asking but she just shook her haid. Ano kaya ganap nitong dalawa?

"Kung okay lang sa'yo kain lang kami somewhere tas join na lang kami ulit?" Tanong ni Jay at inirapan siya ni Claire.

"Go ahead. I don't care," sabi nito at bago pa magkaron ng pahabol si Claire ay tumalikod na si Jay at naglakad palabas ng department store.

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon