Love 2 Looking for Classroom

44 10 0
                                        

Jane's Pov

Hinawakan ko sa braso si Chatty dahil alam ko kung saan toh mapupunta. Malamang sa alamang ayaw toh!

Di pwede baka patayin nya yung mga lalaki na toh.
Baka mamaya anak sila ng presidente, tapos ipa hunting kami. Tapos baka torture pa ang abutin namin at ipa massacre kami ayoko pang mamatay!

Magkakaanak pa ako! At makakapag asawa. Huhuhu... ╥﹏╥

"Chatty first day of school pa lang! Ayaw ko pang mamatay! Huhuhuhu"
Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kanya.

"aray! Jane!" daing nya pero nag kukunwari lang si Chatty sigurado.

May narinig akong nag crack. Wait buto ata yun!

Tumingin ako kay Chatty. Namutla sya.

"yung buto ko... " - Chatty. ⊙_⊙

Napabitaw ako sa kanya. Pero may lumapit sa akin na isang lalaki. Mureno, maganda ang katawan dahil sa abs at biceps.

^ω^ hehehe
Talent ko yan. May X-ray ang mata ko pag dating sa ganyan.

Pinunasan nya yung mga luha sa pisngi ko gamit ang daliri nya.

"hindi dapat umiiyak ang mga babaeng special tulad mo" sabi nya sa akin gamit ang isang napakalambing na boses.

Feeling ko umihip ang maaligam-gam na hangin sa mukha ko.
Palapit ng palapit ang mukha nya.
Ayan na... Malapit na...

"hoo! Nakanaks oh! Tama na yan, pasok na tayo" panira talaga toh si Regine kahit kelan eh.

"oo nga tama sya hahanapin pa natin yung classroom natin" sabi rin nung isang lalaki na isa.

"transfer kayo? " tanong ni Mj.

"oo" matipid na sagot nung isang lalaki na mukhang bagong gising dahil sa magulo nyang buhok.

"ganun ba? Pwede namin kayong tulungan! Kabisado namin lahat ng classroom dito. 3rd year high school din ba kayo?" alok ni Aveguelle.

"tama pwede namin kayong tulungan" dugtong din ni Katleen.

Babait talaga ng mga kaibigan ko. Kelan kaya sila tutubuan ng pakpak?

"di kami baldado. Hindi namin kailangan ng tulong" sabi nung kaaway ni Chatty.

Ang sungit talaga nito. Bat kaya toh pinayagang umakyat dito sa lupa?

*pout*

Aljur's POV.

Hi guys I'm Aljur, 17, gwapo, matalino, may Abs, mureno. Isipin nyo na lang ako si Machete. Magaling akong magluto, At hindi pa ako naiinlove. Ngayon pa lang.

Hay si Cloud talaga. Wala pa nga kaming isang oras dito may kaaway na agad.

Sya na nga itong inoferan eh. Sa ganda ng mga babaeng kaharap namin paano nya naipapakita yung ugaling ganyan?

"kami pa ang nagmamagandang loob, ikaw pa ang nag iinarte!" sabi nung kaaway ni Cloud.

"Gusto lang naman naming makatulong eh..." sabi nung isang babae.

Lumapit si Kyle sa kanya "salamat at ayokong maabala ka pa" aba sumunod sa yapak ko?

"Hindi ko maatim na... Mapagod ang magandang babae na tulad mo" sinundan pa ni Greyson. Sabi nya dun sa kilay na babae.

"g-ganun ba... Okay" yun lang ang naisagot nya kay Greyson.

"Chatty !! Halika na, awat na nga!" sabi nung curl ang buhok habang hawak hawak ang braso nung tinawag nyang Chatty.

"oo nga ate Chatty! Tara na!!" sabi rin nung isa pangbabae na kanina pa tinitignan ni Robert. Hinahatak nya paatras si Chatty.

Chatty?? Close kami. Hahaha. Okay moving on...

"teka! Hindi pa kami tapos ng demonyo na yan! Bitiwan nyo ako! Ano ba Mj... Aveguelle!?" ayaw paawat ni Chatty sa pagpupumiglas.

"halika na nga sabi eh!" tinulak ng isa pag babae yung likod ng kaibigan nya.

"ano ba Regine!? Isa ka pa!" sigaw nya kay Regine.

Kabisado ko na yung mga pangalan nila. Haha haha.

Eh!?

"Jane, Katleen! Tara na." sabi nung mukhang genus sabay lakad papalayo

"oo Eine anjn na. Sige una na kami" naghand wave pa sa ere si kikay saka umalis pero huminto din at napatingin sa direksyon namin. "Jane!! Halika na"

Hindi ko maalis ang tingin ko sa magandang babaeng nasa harap ko. Wag ka munang umalis. Please...

"Kat sa Mga braso at ako sa binti ni Jane" nag inat pa ng mga braso si Eine.

Mabilis na tumayo ng maayos si Jane "hehehe aige alis na kami" aakmang maglalakad sya pero mabilis ko syang pinigilan.

Ewan ko kung bakit. Pero parang may sariling buhay ang katawan ko. Oo first day pa lang. Wala pa ngang isang oras na nakikilala ko sya. Pero yung puso ko, yung utak ko, isama mo na rin ang mga muscle ko sa katawan. Ay nag sasabing sya na... Panghabang buhay na toh.

"Jane, magkikita pa ba tayo?" nalulungkot ako dahil baka ito na ang una at huling pagkakstaon na makita ko sya.

"tadhana na ang magsasabi kung tayo talaga ang para sa isa't isa" malungkot sya na tumingin sa akin.

"OA nyo! Mental Hospital ang bagsak nyo... Mga baliw" narinig kong sabi ni Eine.

Ang BITTER!

Kyle's POV

"bye Katleen" nakita kong ngumiti si Greyson doon sa babae.

Matawag ko nga si Eine.

"EINE!!!" sinigaw ko ang pangalan ng unag babaeng maangas sa paningin ko.

"oh bakit?" tumingin sya sa akin naghihintay ng isasagot pero umiling lang ako.

"wala naman" saka ako ngumiti. Ngumiti din sya pero mabilis na nawala. At nagpatuloy sa paglalakad.
Unang araw palang pero ang dami nang nangyari. Mukha atang mapapasubo kami sa mga babaeng yun.

"Ngayon pa lang binabawi ko na ang sinabi ko na hindi ako maiinlove, because... I already fall" napalingon kaming lahat kay Aljur.

"oo nga halata nga namin dude" yun lang naisagot ko sa kanya saka nagsingitian ang lahat maliban kay Cloud.

HALAAAAAAAAAA! oo nga pala hindi pa ako nagpapakila.

Well, ako si Kyle... 17, cute, matalino, Hi... Sabi ng barkada ako ang pinaka makulit sa lahat ng makulit. Pero di ako naniniwala dun kabaliwan yun.

Hay naku makapaglakad na nga. Ito kaseng mga bebe ko eh. Ang aga lumandi lalo na si Bebe Aljur. May Forever na agad.

Buti pa ako. Pa easy easy lang...

Matagal kaming naglakad papunta sa magiging room namin pano ang babagal mag lakad. Pero teka "oh kala ko ba maghahanap pa tayo?" tanong ko sa kanila habang naglalakad na tila alam na alam kung saan pupunta...

Pero nagkibit balikat lang sila, sabay tingin kay Cloud na naglalakad.

"hoi Cloud lam mo ba kung saan yung room natin?" hay baka mamaya nyan na liligaw na kami. Sayang naman yung kapogian kung mawawala lang ako.

"yeah" tipid na sagot nya sa tanong ko. Buti naman. Kahit kelan talaga toh si Cloud, OO!

He can talk! But he didn't tell us! Hay... He should be thankful coz I love him!. "Love You Cloud"

"go to Hell kyle" he said after not looking at me.

Welcome to the Fan Club of LoveWhere stories live. Discover now