2. Galit sa puso

19 1 0
                                    





ⓒ All rights reserved for Ameera (Destined to the Monster King). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Ameera's POV

Na puno ng iyak ang silid kainan dahil sa pag-iyak ng aking ina. Nanatili naman akong naka tayo nun dahil hindi pa promoseso ito sa aking utak.

"Pano mo na gawa ito?! Anak mo parin si Ameera, ang natatanging babaeng anak mo." Iyak ni ina.

"Sa tingin mo hindi ko iniisip ang bagay na yan?! Ito lamang ang paraan kung kaylangan nating sagipin ang buong kaharian ng mga mortal." Rinig ko rin ang sigaw ni ama.

Nanatili naman ako sa mga braso ng aking kapatid dahil parang maiiyak na rin ako sa mga balitang ito.

Alam ko parin na ang kasundoang ito ay para sa akin. Dahil ang kapatid ko na si Darius ay naka tali na sa kabilang kaharian dahil siya parin ang taga pagmana ng kahariang Palem. Kaya ang biglaang kasundoang ito ay na hulog sa mga kamay ko.

"Itinakda na si Darius sa kaharian ng kapatid mo. Puno na ang plato niya dahil rin sa mga bagay na dapat nating pagkasundoan sa mundo ng mga mortal. Ang mga anak sa kaharian ng Hanndar ay kalalakihan, si Ameera lamang ang magiging pag-asa sa lahat." Napa lunok ako ulit sa kaisipang yun.

Bakit ngyayari ang mga bagay na ito? Bakit na punta ang kamalasang ito sa akin ngayon? Ano ba ang nagawa ko sa kalangitan para parusahan ako ng ganito?

Ang mortal at halimaw ay matagal ng hindi magkasundo. Kahit ang pagkatao nito ay hindi tugma sa kapalarang ito, pero bakit na hantong sa ganito ang lahat? Ang bagay na ito ay isang malaking pagbabago sa kasaysayan sa dalawang uri ng nilalang, ang pagsanib sa magkaibang lahi ay parang isang pagsuway sa kapalaran ng mga diyos.

Pero ang bagay na ito ay isang napakalaking bagay sa buong kaharian. Buhay ng kaharian ko at ng ibang kaharian ang naka salalay sa pagtataling ito. Kung hindi ito mangyayari, kahit ang isang langgam sa mundong mortal ay mawawala dahil sa masamang bagay at ito na nag sasabing kamatayan ng lahi ko.

Na hati naman ang puso ko nun. Lalo na't buhay ko ang naka taya sa bagay na ito. Kahit hindi ko hawak ang kapalaran ko sa hinaharap, hangad ko parin ang pagmamahal lalo na't taon ko itong dadahil sa buhay ko. Kung itatali man ako ni ama sa ibang kaharian ng mortal, siguro naman matutunan kong mahalin ang mortal na itatali sa akin lalo na't kaylangan ito sa pagpapalago sa buong kaharian.

Pero ang matali sa isang halimaw? Parang bumaliktad ang sikmura ko sa kaisipang ito. Hindi ko parin alam ang magiging bukas ko lalo na na ang mga halimaw ay kilala sa pagiging mabangis at sakim.

Naglaho ang lahat ng nasa paligid ko dahil sa magulo kong pag-iisip. Hindi parin tapos ang sagutan ni ama at ni ina sa sitwasyon. Tanging kamay lang ng kapatid ko ang humahawak sa akin upang hindi ako ma tumba sa malamig na sahig ng silid.

Balikbaliktarin man ang lahat, nasa akin parin ang pag-asa sa lahat. Pasan ko ang buong mundo dahil nasa mga kamay ko ang pag-asa ng katahimikan. Ang pagtataling ito ay naka salalay sa mga kamay ko.

Para sa kaharian.....

"Gagawin ko ito." Salita ko at parang huminto lang ang puso ko nun.

"Hindi ako papayag! Pakiusap mahal na hari, alam kong may iba pang paraan!" Pagmamakaawa ni ina.

Hinawakan ko ang balikat ni ina at agad niya naman akong niyakap. Napa luhod kami sa sahig at dun na bumuhos ang mga luha ko.

"Patawarin mo ako Ameera. Ito ay nararapat at dapat nating gawin para sa ikabubuti ng buong kaharian." Sabi ni ama at ramdam ko ang pagyakap ng kapatid ko sa amin ni ina.

Ameera (Destined to the Monster King)Onde histórias criam vida. Descubra agora