Dire-diretso lang ako pagbaba sa sasakyan ni Oli at nilampasan lang sila.

Hindi ko namalayan, nakapasok na ako sa classroom namin. Nagulat na lang ako nang kinakalabit na ako ng iba naming blockmates.

"Okay lang kung pwede mo ibigay kay Eli number ko? Crush na crush ko kasi kaibigan mo eh," sabi ng ibang babae sa akin at tinitigan ko lang naman siya bago ibalik ulit ang earphones ko sa tenga.

Nasan na ba kasi 'yong mga 'yon? Bakit biglang ako lang nandito?

Ipinatong ko na lang ang braso ko sa desk ko at ginawa itong unan para makatulog ulit.

Malamang hindi rin naman papasok prof namin dahil sabado, lagi naman 'yong di pumapasok. Either late, or wala talaga. Bwisit siya.

Nagising ako nang may kumakalabit na naman sa akin, pagdilat ng mata ko, si Oli ang bumungad.

"Punta kami cafeteria, sama ka ba?" tanong niya sa akin at pumikit lang ako ulit at ibinalik naman niya ang earphones ko sa tenga. Agad din naman akong nakabalik sa tulog ko.


Nagising na ako nang may kumakalabit na naman sa akin pero ngayon ay nasa harap na namin ang prof.

Tumingin ako sa oras sa phone ko at 5PM na. Hanggang 6PM lang klase nito ah?

Ayos.

Nagsimula na siyang magturo ng hindi ko naman naiintindihan. Nagbukas na lang ako ng laptop para kunwari nakikinig ako sa kanya at nag-open ng notes app.

At doon kung ano-ano ang dinrawing.

"Saan tayo after class?" pagbulong ni Jay na nasa likod ko.

"Vacant na ba natin after?" tanong ni Eli at lumawak naman ang mga ngiti nila.

"Hindi lang vacant, Pre. Last subject na," sabi ni Adi at nakarinig ako ng hagikgikan.

Mga baliw na to. Kinikilig sa last subject. Ang bababaw ng kaligayahan eh.

Naiinip na ako. Gusto ko na matulog ulit.

"Pre, anong year ulit natin naging kaklase si Claire?" tanong ni Ady.

"Classmate natin dati nung 1st year," sabi niya at nagulat naman sila.

"Talaga ba?! Bakit di ko napapansin?" gulat na tanong pa nila.

"Napaka tahimik lang niya, eh. Saka siya lang kasi, di niya ka-block mga kaibigan niya kaya hindi pansinin," sabi pa nito at sumang-ayon naman sila.

"Buti tayo, magkakasama sa lahat ng subject. Same sched lahat-lahat," sabi ni Oli.

"Oo na, salamat na nga sa ating SVP na imong mama for pulling strings," sabi ni Ady na pang-aasar kay Oli.

"Are we clear on the project?" biglang tanong nang malakas ng prof namin at natahimik naman sila sa pagkkwentuhan.

"Gagi, ano 'yon? Hindi ko narinig," Gulat na sabi ni Eli.

"Don't you worry my lovely friends, I got you," sabi ni Oli at iniangat ang phone niyang nagrerecord ng discussion.

"You're dismissed," sabi ng prof at nagtayuan naman agad ang mga estudyante niya sa paligid.

Tamad na tamad akong nagligpit ng gamit at tumayo.

"Ayos ka lang, Kenzie?" tanong sa akin ni Eli at tumango sa kanya at lumabas na ng classroom.

Wala talaga ako sa mood gumawa ng kahit ano. It's just one of those days where gravity pulls a little harder.

"Tara, don na lang tayo sa condo ko para mas malapit. We can order out," sabi ni Jay na umaakbay sa akin.

"Hindi na. Magluto na lang ako," sabi ni Oli at ngumiti naman sila.

Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now