PROLOGUE

4.2K 63 3
                                    

"Bye Celestia, ingat ka sa pag-uwi." Paalam sa akin ni Ariza nang lumakad na ako palabas ng office. Kumaway naman ako sa kaniya bago tuluyang maglakad palabas ng building.

Ramdam ko ang magkahalong gutom at pagod sa buong katawan, gusto ko na lamang na umuwi na agad at humilata sa kama dahil sa sobrang pagod.

Bahagya akong napasinghap nang tuluyang makarating sa first floor ng building. "Umaambon pa yata.."

Wala akong ibang choice kung hindi ang sumulong sa ambon na 'yon, akala ko may kalakasan pero hindi naman pala. Asta na sana akong papara ng taxi ngunit laking gulat ko nang may biglang humila sa akin!

"Shit!"

Inis kong binalingan ang lalaking humila sa akin paalis sa kinatatayuan ko kanina ngunit laking gulat ko nang makita siya!

Anong ginagawa niya?! Akala ko ba tinigilan na niya ako?!

"Bitawan mo nga ako!" Inis kong reklamo, humahangos naman kaming tumigil sa parking lot ng company, walang katao-tao dahil gabi na rin.

Para akong nanghina nang makita ang madilim na reaksyon ng kaniyang mukha. "Pinaglalaruan mo ba ako?!" Ramdam ko ang iritasyon sa kaniyang boses na mas lalong nagpalito sa akin.

Ano bang sinasabi niya?!

"Baliw ka ba? Bakit naman kita paglalaruan?! Tsaka..bakit ka ba nandito?! Aalis na ako!" Inis kong bwelta, tatalikod na sana ako ngunit muli niyang hinawakan ang aking pulsuhan dahilan para bahagya akong magbaba ng tingin doon. "Ano bang problema mo Mr. Romero?! Tumigil ka na nga!" Sinubukan kong magpumiglas.

"BULLSHIT!" Mabilis akong natigilan dahil sa malakas niyang sigaw!

Agad akong nakaramdam ng takot dahil sa galit ng kaniyang mga mata! Hindi ako halos makabuo ng salita dahil sa nag-uumapaw na takot sa sistema.

Binitawan niya ang aking pulsuhan bago saglit na mapahilamos sa sariling mukha, kitang-kita ang inis sa kaniyang mukha. "Tangina Celestia!" Mariin niyang hiyaw. "Sinubukan kong kalimutan ka! Sinubukan kong ipakita sa'yo na tapos na akong magpakatanga sa'yo pero nakakagago dahil parang wala man lang lahat 'yon sa'yo! Shit!" Napalunok ako dahil sa kaniyang sinabi.

Akala mo lang..

"T-tumigil ka na..kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi kita pipigilan sa mga ginagawa mo.." Iwas kong tingin sa kaniya, palihim akong napahawak nang mariin sa sling ng shoulder bag ko.

Hindi ko na rin maipaliwanag pa ang mabilis na pagtakbo ng aking puso, ramdam na ramdam ko iyon sa aking dibdib at takot pang marinig iyon ni Issac.

"Shit! Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin, Celestia?! Tangina hindi ko alam kung bakit ako baliw na baliw sa'yo gayung sinasaktan at tinutulak mo lang naman ako palayo!" Panunumbat niya pa, tuluyan akong napatingin sa kaniya muli, pilit ko ring itinago ang gulat sa mukha nang makita ang pangingilid ng kaniyang luha sa mata. "Kahit sinong babae ang lapitan ko mukha mo pa rin ang nakikita ko! Kahit anong sabi ko sa sarili ko na hindi na kita lalapitan o kukulitin..tangina sa huli, sa'yo pa rin ang bagsak ko!" Agresibo niyang ginulo ang kaniyang buhok.

Aaminin kong mahal ko na rin si Isaac..pero bakit ganito ako? Ni hindi ko masabi sa kaniya nang harapan?

"A-aalis na ako."

Tuluyan akong tumalikod sa kaniya para sana iwan siya roon pero awtomatiko akong napahinto nang marinig ko ang sarkastiko niyang halakhak.

"Bakit ba ganiyan ka na lang palagi? Sa tuwing nagmamakaawa ako sa harapan mo, na sana ako na lang ang piliin at mahalin mo..palagi mo akong tinatakasan." Suminghap siya bago muling matawa, tawa na may bahagyang kalakasan.

Mariin akong napapikit dahil doon, gustong-gusto ko na ring sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko pero may bagay na pumipigil sa akin at hindi ko alam kung ano 'yon!

"Mahal na rin naman kita eh.." Kusa 'yung lumabas sa aking bibig ngunit huli na para bawiin ko, mahina lamang 'yon kaya hindi ko alam kung malinaw niyang narinig iyon ngunit mabilis natahimik si Isaac sa aking likuran. "Mahal na rin naman kita..kaso hindi ko alam kung p-paano sabihin sa'yo.." Saglit kong kinagat ang aking labi.

"W-what?" Rinig kong sabi niya, ilang segundo lamang ang lumipas ngunit muli kong namataan ang mga mata ni Isaac nang mabilis siyang lumakad sa harapan ko. "What did you say? What did you say, Celestia?" Mariin niyang tanong, pilit nililinaw ang sinabi ko.

Kumibot-kibot ang aking labi, hindi ko alam kung bakit mabilis nilipad ng hangin ang kaunting tapang sa aking sistema nang makita ko ang maganda niyang mga mata.

Bahagya akong napaiktad nang hawak niya ang aking braso habang matiim ang pagkakatingin sa aking mga mata. "Please..tell me what did you just say, Celestia." Mariin niyang pakiusap.

Ilang segundo akong hindi nakasagot, hindi normal o masyadong hindi ako pamilyar sa ganitong sitwasyon pakiramdam lalo pa at ngayon ko lamang ito naranasan. Ngayon lang simula nang dumating siya para guluhin ang buhay ko.

Akala ko habang buhay na lamang akong magiging masaya para sa mga kaibigan ko, kila Luna, Kristel, at Chantria na mayroon ng mga lalaki sa kanilang mga buhay..pero ako nananatiling walang matipuhan at magustuhan pero nagbago lahat iyon nang bigla siyang sumulpot at araw-araw akong guluhin.

Muli akong napalunok habang nakatingin sa kaniya, animo'y hinihintay ang mga salitang sinabi ko kanina. Imbes na sagutin siya ay mariin kong pinikit ang mga mata ko bago buong lakas na halikan ang kaniyang labi.

Ang first kiss ko..

Sinubukan kong imulat muli ang aking mata, kitang-kita ko kung paano mamilog ang dalawang mata niya dahil sa gulat. Maski ako ay nagulat dahil sa aksyon na ginawa ko.

"Celestia.." Gulat pa ring usal ni Isaac nang humiwalay ako sa kaniya. "Did you..just really kiss me? Fuck! I-I'm not dreaming right?!" Halos isigaw niya iyon, bakas ang pagpapanic sa kaniya dahilan para bahagya akong mapangiti, muli siyang natigilan dahil sa ginawa ko.

"Mahal na rin kita, Isaac..pero hindi ko lang kayang sabihin at ipakita sa'yo..at natatakot lang akong masaktan kita at pagsawaan mo ako," Panimula ko, kitang-kita ko kung paano niya sundan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. "Hindi ako tulad ng mga babaeng nakakasalamuha mo, o minsan nang dumating sa buhay mo..iba ako sa kanila, Isaac. Ni hindi ko nga kayang sabihin sa'yo nang harapan na mahal kita..ano pa kaya kung maging tayo man?" Nahihiya kong dagdag sa kaniya, mas lalo akong nahiya dahil sa malalalim niyang paninitig sa akin dahilan para mabilis uminit ang aking pisngi.

Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi bago hawakan ang malaya kong kamay. Hindi ko alam kung bakit saglit kong nasaksihan ang pagkislap ng kaniyang mga mata.

"Mahal kita kahit sino ka man, Celestia.." Mahinahon niyang untag. "Mahal kita kahit ikaw pa ang pinaka-manhid na babaeng nakilala ko, minahal kita sa kung sino ka at tatanggapin kita dahil mahal kita. Hindi mo kayang baguhin ang sarili mo para lang masabi nilang mahal mo ako, gusto ko ang totoong ikaw. Dahil kahit hindi mo sabihin, mararamdaman ko 'yon, Celestia." Mahinahon ngunit sinsero niyang untag, mabilis ko ring naramdaman ang kakaibang haplos sa aking puso dahil doon.

Hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong mapayakap sa kaniya, agad kong naramdaman ang mabilis niya ring pagyakap sa akin pabalik.

Narinig ko ang mahina niyang paghalakhak. "Finally..nakuha rin kita, nakuha ko ang babaeng gustong-gusto kong makuha.."

-------------------
Don't forget to vote!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Claimed By This Ruthless CEOWhere stories live. Discover now