LORISUS RON

I go to school early. Ewan kung bakit. Pero Nag stay ako kay Kuya Dani. Yung school guard. I don't know who I'm waiting for. Nanatili ako rito hanggang sa may dumating na familiar na kotse. May naka sunod ditong dalawa pang kotse.

"Kuya Dani. Do you know the owner of that car?" I asked him. Tinuro ko naman yung kotse. Tumingin naman siya doon.

"Kay Jian iyan. Sa pinsan ng kaklase mo. Sino nga ba iyon si....

"Lori." I said. He nodded. "Tama siya nga. Ang energetic ng batang yun noh." I nodded.

Back to LORIBETH POV
Naka rating kami sa school. Grabe na stress ako sa kanila mga 99.9%. Nag aagawan sila kung kanino ako sasabay. Sabi nila gusto nila ako ihatid edi sabi ko Gora. Jusko ayaw nila sa Isang kotse sumakay gusto sari-sarili. Edi ang nangyari kay Jian pa rin ako sumabay aba baka magalit sa akin yun.

Pag baba ko ng kotse ay bumaba na rin si Jian. Pati yung dalawa bumaba na rin sa mga dala nilang kotse. Seryoso ba kayo hindi niyo man lang I papark.

"Tara na hatid ka namin." Umakbay si Kuya Clayton. Inalis ko yung pag kaka-akbay niya. "I park niyo yung car niyo. Wag Dito sa harap ng gate."

"Naka park naman ah!" Sagot ni Kuya Clayton at kumunot ng noo. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Alam ko naka park naman. Pero Sabi ko wag sa harap ng gate kase daanan toh." Nang gi-gigil kong sabi sa kanila. Oo damay damay na. Tumalikod ako sa kanila at nag lakad na narinig ko na umandar ang makina ng mga kotse nila. Sinilip ko ito at nakita ko na paalis na ang mga kotse nila. Good.

Pupunta sana ako kay Manong guard para batiin siya at maki chismis. Pero nag bago bigla ang isip ko nakita ko kase si Lorisus. Naunahan ako sa pwesto ko. Pweh! Joke.

"Lori!" Tawag sa akin ni Manong guard. Tumingin muna ako sa paligid bago lumapit sa kaniya.

"Good morning po." Bati ko sa kanya. "Good morning rin. Wala kabang baon na joke dyan?" Marahang tumawa si Manong guard. Ngumiti naman ako. "Wala po eh."

LORISUS RON POV
Can't you see me?Hello?Okay. Tatawagin ko sana siya para batiin siya pero. Tinawag na siya ng mga kasama niya. Mag pinsan lang naman kayong lahat diba? Oh ano bang pake ko.

"Uh Manong guard. Una na po ako." She said. Tumango naman si Kuya Dani. Tumingin si Lori sa akin. Ngumiti ako. Nagulat pa siya nung una pero ngumiti rin siya pag ka tapos. Tumalikod na siya para lumakad pero huminto siya at tumingin ulit sa akin. Ayain moko.

"Baka gusto mo sumabay papuntang room?" She asked me. Tumingin ako sa mga kasama niya. Ngumiti ito sa akin. I nodded. "Sige."

"Tara!" Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako. Kumunot nanaman ang noo niya. What's wrong with her.

"Mag ngingitian na lang ba kayo dyan?" Sigaw nung Lalaking laging nag hahatid sa kanya. Kung hindi ako nag kakamali Jian yata?

Tumakbo na si Lori sa mga kasama niya. Sumunod naman ako. Nag lalakad kami papuntang room. As usual tinitignan nanaman ako nitong mga babaeng nakaka-salubong ko. Pati na rin yung mga kasama ni Lori ay pinag titinginan rin.

Napa hinto ako sa pag lakad dahil may humatak sa akin. Huminto rin sina Lori.

"Lorisus pwede mag pa picture?" Tumingin ako kina Lori. Lumayo pala sila ng kaunti. "Lorisus ako rin pa picture."

LORIBETH POV
Wow si Koya famous. Kaya naman pala kabilis bilis lumakad palagi eh. Gumilid kami ng mga pinsan ko mag picture raw yung mga girl kay Lorisus eh.

"Dami mo palang kaagaw sa kanya eh." Asar ni Kuya Clayton. Napairap na lang ako. "Hindi ko naman sya gusto."

"Wala naman akong sinabing gusto mo siya. Siguro you like him!" Sundot ni Jian. Paepal talaga toh eh. "Ganon kase yung pinupunto mo. Saka Hindi ko siya magugustuhan. Gusto ko lang siya maging kaibigan."

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now