chapter 1

11 0 0
                                    

Knock knock knock

I generously knocked on mrs. Villafluero's office room

Pag bukas nito ay nadama ko ang malamig na hangin na naka kulob sa loob ng office ni maam villafluero

"Uy xlania ikaw pala! Ay eto wait" sabi ni ayesha na nag bukas ng pintuan

"Good morning po maam villafluero!" I greeted at our past teacher

"Good morning xlania kamusta ka na?" Tanong ni maam saakin

Habang si Ayesha ay di naman mahagilap kung saan

"Ok lang po maam kaya pa to! Kayo ba maam?" Sabi ko at nginitian sya

Aba ayesha nasaan kang babaita ka
Andami ko pang gagawin oh

"Oh oo nga pala iha pwede bang ikaw nalang ang mag hatid sa dapat ihatid ni ayesha sa SSG office? Ipapahiram ko nalang itong card ko para makapasok ka, pag dating mo dun paki bigay kay pres and paki sabi mag mi-meeting kami mamaya" ani ni maam villafluero

Sa lahat ng pwedeng utusan mag hatid ng files sa hinayupak na kio na yon ako pa talaga ang napili? Ughh kairita

I smiled

"Yes po maam ako na po bahala jan sa files" i said with the fakest smile plastered on my lips

"Ay thank you so much xlania, oh heto yan yung card ko pambukas sa id scanner sa SSG office itapat mo lang yan sa scanner tas bubukas na yung pintuan" nagagalak na isplika ni maam

Lord kayo na po bahala sa buhay ni kio the monster ha! Baka kasi mapaaga pagkikita nila ni satanas

"Yes po maam thank you po" i said as i reached out to the card on her hand

"Maam si ayesha po nasaan? May pinapasabay din po kasi sya eh" I asked and looked around pretending to not know every part of her office

Wow ha xlania forda pagpapanggap ang atake natin!

"Ah nasa loob si ayesh! Nagpapatulong ako sa attendance ng class A-2 ang gulo kasi mag sulat nung secretary nila ang daming nilalagay" reklamo ni maam habang umiiling iling

"Ahh pwede ko po ba sya puntahan maam? Kukunin ko na po yung ipapasabay nya sa SSG office " tanong ko at tinignan si maam villafluero diretso sa mata

"Ah yes yes sure ayan pasok ka lang jan sa blue na pintuan nasa loob si ayesha" ani nya at itinuro ang pintuang kanina ko pa tinitignan

I smiled at her and walked towards the door she was referring to

"Thank you po!" I happily shouted so that she can hear me, medyo malayo kasi ang kinauupuan nya at ang pintuan kaya kung hindi ka sisigaw hindi ka talaga maririnig

She just smiled at me and did a thumbs up with her hands

Pag pasok ko naman ay agad kong nakita ang namo-mroblemang si ayesha

Deserve

"Hoy gaga ka asan na yung ipapa sabay mo sa SSG office ha?!" Sabi ko at bahagyang hinampas ang kanyang balikat

"Aray! Eto na wait!" Sigaw nito

Maka sigaw kalamo sinaksak eh

"Ingay mo girl amin na dali" reklamo ko sakanya

Inabot nya saakin ang isang folder tinignan ko naman ang naka sulat dito

"Ssg meeting proposals - mr. Kio's committee proposals"

Watching over youWhere stories live. Discover now