Prologue

1 0 0
                                    

Author-Hi guys!I'm back!Joke..i wrote this story kasi may ka-kilala akong uhm..nasa kaniya lahat ng atensyon,but she never got an attention from her crush..hanggang sa tumagal na inlove siya siyempre.

Alam nyo ba kung sino yang 'Kakilala' ko?














Wahhh it's me.HAHAHAHA Actually hindi naman lahat ng atensyion nasa akin,hindi rin ako sikat,pero kasi sa story na gagawin ko talagang sikat siya sa school niya,then may kakilala siyang mga artista—ooopsss medyo na spoil kona kayoooo,anyways have a good time with this story,sabay sabay tayong malungkot,mainis,magalit,at kiligin sa istoryang ito.

Uhm medyo matagal akong mag u-update dahil hindi ko pa tapos ang I was in the Garden pero may plano naman na ako duon,and may ending na sa utak ko hahahaha,sa climax muna pupunta,anyways balik na tayo dito.

Enjoy reading mga bebe koh!

***

While walking,hindi ko maiwasang pansinin ang mga taong nag bubulong-bulungan.Pero sanay naman na ako,nginingitian ko sila kapag nag kaka-salubong ang mga maga namin,ang iba sa kanila ay followers ko sa Instagram.

Papasok palang ako ngayon sa room namin,pero bago ako maka pasok ay may tumawag na sa pangalan ko,

"Frank!" Rinig kong sigaw ni Olivia,"Frankie!Sandali!" Ulit pa nito kaya napatigil ako hanggang sa huminto siya sa harapan kong hingal na hingal pa.

"Anyare sa 'yo?" Tanong ko habang naka-kunot ang noo.

"Ikaw naman kasi!ang bilis mo mag lakad kanina pa kita tinatawag." Sabi niya at huminga ng malalim,natawa ako at hinawakan nalang ang braso niya.

"Sorryyy,halika na pasok na tayo." Sabi ko naman.

Pag pasok namin sa room ni napatingin sa amin ang lahat,actually sa akin talaga."Nakuu naka tingin nanaman sayo ang mga impakta at imapakto." Natatawang bulong ni Olivia sa akin kaya siningkitan ko siya ng tingin.

Balewala naman ang lahat sa akin ng atensyon nila.Isa lang naman ang hinihingi kong atensyon.

Pag upo namin sa chair namin ni Olivia ay sunod-sunod na ding nag-si datingan ang mga kaibigan pa namin.

Sila,Natalie,Enzo,and Christian.

Si Chris or Christian ay half Filpino-Italian.Si Enzo ay ang pinakamatanda sa amin,dalawang taon ang tanda niya sa amin ni Nat,at Olivia,isang taon naman ang tanda niya kay Chris.Si Nat ay ang isa pa naming bestfriend ni Olivia,bale Lima kaming mag kakaibigan.

"What up." Sabi ni Chris at tumabi sa akin,tumabi naman si Nat kay Olivia,then si enzo kay Nat.Nasa mag kabilang dulo sila Enzo at Chris.

"Good morning Frank," bati sa akin ni Nat at binesuhan ako,"Woah,morning Oliv" beso naman niya kay Olivia,nag 'woah' pa siya kasi pawis na pawis ito.

Binati din kami ni Enzo,ayoko siyang tawaging 'Kuya' kasi ang akward nasa iisang grupo kami pero kuya ang tawag sa kaniya.Besides he doesn't want too.

Habang hinihintay namin ang teacher namin ay nag Ipad muna si Natalie,nag laro naman ng online games sila Christian at Enzo,habang kami ni Olivia ay busy sa kaka-stalk sa crush ko.

Kendrix North.

Impit na napatili ako at yumakap kay Olivia para walang makarinig.Si Olivia at Nat lang kasi ang may alam na crush ko si Kendrix since first year high kami.

Yearly kami mag ka-classmate and as of now ganun padin.Kaya lang wala pa siya ngayon dito.Habang patuloy kaming mag stalk sa Instagram niya ay may rinig kaming ng bu-bulong-bulungan sa likod namin.Hindi na nga bulong eh chismisan na.

Seeking Attention from himWhere stories live. Discover now