Chapter 190: Against the Pioneer

Magsimula sa umpisa
                                    

"We need to address this thing to public." Thaddeus answered.

Sinigurado pa ni Coach Russel na okay kaming lahat bago kami sumalang sa interview. Binasa ko lang 'yong set of questions at naghanda ng mga isasagot kung sakaling sa akin siya maitanong.

Nakapila na kami paakyat sa stage. Noong makita ko na si Hanz ang mag-i-interview ay nabawasan kahit papaano ang kaba ko dahil magaling siya mag-handle ng mga tanong at kaya niyang i-control ang magiging flow.

"Palakpakan naman natin ang mga miyembro ng Yugto Pilipinas!" Hanz shouted at pinaakyat na kami sa stage. Sunod-sunod na flash ng camera ang suminag sa mata ko. Okay Milan, kaya mo 'to. Wala sina Callie at Larkin na sasaluhin ka sa interview.

Nagpakilala lang kami isa-isa at kumustahan bago dumako sa interview part. "Ako I have question," Pinangunahan na ito ni Hanz. "Kasi the Hunter Online Community knew that you guys are the Captain of the biggest teams in the game. Paano kayo nag-adjust? I mean how did you choose your Captain?"

"It was a management decision." Sagot ni Choji. "Parang nagkaroon kami ng practice game tapos in-observe kami ng mga Coach namin kung sino ang kayang mag-lead and they decided that it was me."

"Wala naman naging violent reaction sa mga co-members mo?" Hanz asked.

Nagkatinginan kami at ako na ang sumagot. "Actually hindi namin siya pinag-awayan luckily. Siguro pagod na kasi ang karamihan na maging captain," I jokingly said.

"I agree with that." Sagot ni Sandro at natawa sila.

"Pero si Choji kasi ay ang alpha ng presence na binibigay niya kung kaya't napapasunod niya lahat kami. Strict siya sa training at maluwag naman siya kapag free day namin which is kailangan namin sa pagpa-practice." I explained at napatango-tango sila.

"Saka hindi porke't Captain si Choji ay sarado na ang tainga sa mga suggestion namin. We are all helping sa kung paano mai-improve ang teamwork ng grupo." Sagot ni Kurt.

"That's great din na management ang pumili ng Captain sa inyo. The fact na sinunod ninyo ang sinabi nila ay pinapakita lang nito na malaki ang tiwala ninyo sa mga coaches ninyo." Hanz said. "Okay, we will open the question for press people.

Isa-isa na silang nagtanong.

"Hello, I am Kevin from Manila Bulletin." Pagpapakilala nito. "This is question for Choji. Paanong preperasyon ang ginagawa ninyo para sa International tournament. Are you confident that you guys have what it takes to take home the crown?"

"Hindi pa ba pansin sa lineup na maipapanalo namin ito?" Sabi ni Choji. Grabe, galing nga talaga siya sa Black Dragon. Nauuna ang yabang. "Kung hindi kami magtitiwala sa sarili namin na maipapanalo namin ito, mas lalong hindi magtitiwala ang tao sa amin, 'di ba?"

"Representing our country is a win for us already. Sa dami ng professional players sa Pilipinas ay kaming dose ang napili. Hindi ba?" Dugtong pa ni Choji at napatango-tango kami. "Pero siyempre hindi iyon ang gusto ng tao, hindi sapat na i-represent lang namin ang bansa natin. They want us to win at iyon ang goal namin. Malaki ang naging preperasyon namin dito at sinisigurado ko sa inyo na may ibubuga tayo, hindi mapapahiya ang Pilipinas sa magiging laro namin."

Napatango-tango ako sa sinagot ni Choji, mayabang man pero alam mong may laman.

"This question is for Sandro. You already announced your retirement sa professional scene last season 4 tournament pero heto ka lalaro sa international scene. Paano ka nag-come up sa decision na lumaro ulit?" tanong noong isang press.

"Actually, wala na dapat akong balak bumalik sa pro scene dahil baka iniisip ng mga tao na wala akong isang salita... well wala naman talaga akong isang salita dahil lalaro nga ulit ako." Natatawa niyang sabi at natawa rin kami. "Pero noong tapos ng season 4 tournament ay buo naman talaga ang desisyon ko na umalis na sa pro scene because I feel like I missed a lot of things dahil sa kagustuhan kong mag-champion ang ALTERNATE noon."

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon